Chapter 9

438 9 0
                                    

Part 9

Nakaupo si Andeng sa VIP section ng arena habang karga ang anim na buwan ng si Savvy. Hinihintay nila ang paglabas ng team nila Tyrone na nasa loob pa.

It's the first time na nagpakita sila ng anak sa public at sa game pa nila Tyrone.

Ilang minuto pa ay naglabasan na ang mga player at pumuwesto na sa bench. Nasa likod lang ng team nila Tyrone sila nakaupo.

Pagkakita ni Tyrone sa kanilang mag-ina ay agad itong lumapit.

"Hon namiss ko agad kayo ni Savvy." Hinalikan pa nito ang kamay ng anak.

Natawa si Andeng sa sinabi ng binata. "Saglit pa lang tayo naghihiwalay tatlo. Umayos ka Ty."

"Masama bang mamiss ko kayo?" Hinaplos pa nito ang pisngi nya. "Kiss ko? Pangpaswerte sa game."

Inilapit ni Andeng ang pisngi nya sa binata pero hinwakan nito ang magkabila nyang pisngi at hinalikan sya sa labi.

Naghiwalay lang ang labi nila ng makarinig ng sigawan mula sa mga ka-team mates ni Tyrone na pinangungunahan ni Rain.

"Dude, mahiya ka sa inaanak namin. SPG kayo!" Sigaw pa ni Rain.

"Ugok!" Ganti ni Tyrone dito.

"Sige na bumalik ka na dun, malapit na yata kayo magstart." Taboy nya sa binata na humalik pa ulit sa kanya at kay Savvy.

*******

Nanalo ang team nila Tyrone. Tumayo agad si Andeng ng makitang sumenyas si Tyrone sa kanya na sumunod sila sa loob. Pero bago pa nakapasok si Tyrone ay nakita ni Andeng na may sumalubong dito na magandang babae. Laking gulat ni Andeng ng halikan nito si Tyrone sa lips.

Hindi agad nakagalaw si Andeng sa kinatatayuan. Ng matauhan ay bumalik sya sa inupuan kanina.

"Sino sya?" Pagkausap nya sa sarili.

"Hindi mo sya kilala? Si Leena Johnson yan, ex ng jowa mo." Sagot ng babae na di nya namalayan na tumabi sa kanya. "Ganda noh teh?"

"Hey miss di kagandahan! Pwede ba layuan mo si Ms. Andrea! Magtoothbrush ka para gumanda lumalabas sa bibig mo." Sabi naman ng babae na papalapit pa lang sa kanila. Kilala nya ito dahil maliban sa pagiging sikat na sport anchor nito at number 2 fan ito ni Tyrone, syempre sya ang number 1.

Umalis ang mahaderang babae sa tabi ni Andeng ng makalapit si Airene Kim Richards o mas kilala sa palayaw na Air.

"Thanks Ms. Air."

"No problem kaw pa love ka ni Idol eh kaya love din kita. Wag mo intindihin yung sinabi ng mga ngangabells na yun. Ex nga ni Idol yang epal na yan. Pero ex nga eh as in wala na." Dirediretsong sabi nito. "Ui kasama pala si Savvy. First time ni baby manuod kay Idol Ms. Andrea?"

"Andeng na lang, masyadong pormal pag Ms. Andrea. And yes first time ni Savvy manuod sa daddy nya." Paliwanag nya.

"Sige Andeng na lang tapos ako Air na lang itawag mo ha para masaya. Friends na ba tayo?" Nakangiti ito sa kanya kasabay pa ng pagpuppy eyes nito.

"Sure sige friend na tayo. I'm so glad magkaron ng new friend."

"Anyway Andeng I gotta go. May parating na kwago!" Humalik pa ito sa pisngi nya bago nagmamadaling umalis. "Bye! See you next time!"

Kumaway sya sa dalaga na halos tumakbo palayo. Nagulat tuloy sya ng may magsalita sa tabi nya.

"Andeng, pinapasundo na kayo ni Tyrone." Paglingon nya ay nakita nya si Rain. "Si Airene ba yung kausap mo?"

"Yup. Kilala mo?"

"Haaaaay... Natakbuhan na naman ako ng pangarap ko." Napatingin pa ito sa tinakbuhan ng dalaga. "Ready na ba kayo ng baby Savvy ko? Ihahatid ko na kayo."

Nagtatakang napatingin sya kay Rain. "Ihahatid mo kami? Kay Tyrone? Nagaayos pa ba sya?"

"Napagutusan lang ako ihatid na kayo pauwi. May emergency daw si Ty. Mamaya tatawag sya." Paliwanag pa nito. "Let's go?"

Parang sinakluban si Andeng sa narinig. First time nila manuod ng game na mag-ina, iniwan pa sila ni Tyrone. Emergency? Di man lang nagawang magtext ng direkta sa kanya. Sinabayan pa ng babaeng maganda kanina.

Sumunod na lang sya kay Rain na buhat si Savvy papunta sa sasakyan nito.

Dribble My Way In Your HeartWhere stories live. Discover now