Chapter 3

481 12 0
                                    

Part 3

Isang buwan makalipas ang nangyari sa kanila ni Tyrone ay sariwa pa din sa dalaga ang nangyari.

Gusto man nyang kalimutan ang binata ay hindi nya magawa dahil maliban sa weekly ito sa Oasis ay kabi-kabila ang commercials ng binata sa TV.

Habang nakaupo at nanunuod ng TV ay bigla syang nakaramdam ng matinding pagkahilo. Ipinikit nya ang mata at isinandal ang ulo sa sofa.

Pilit nyang pinapakalma ang sarili. Pagkalipas ng ilang minuto ay nawala ang pagkahilo nya pero bigla namang parang hinahalukay ang tyan nya. Hanggang sa naramdaman nyang nasusuka na sya kaya napatakbo sya papuntang lababo.

Bigla syang kinabahan, alam nyang posible na mabuntis sya dahil sa nangyari sa kanila ni Tyrone. Ngayon nya lang na-realize na delay na sya ng isang linggo.

"Sana wala lang eto. I don't mind if mabuntis ako lalo at kay Tyrone pero mas ayos kung hindi." Pagkausap nya sa sarili. "If buntis man talaga ako, I will love you more than I love myself." Hinagod pa nya ang flat pa na tyan.

Nagdesisyon syang lumabas para makabili ng pregnancy test. Agad syang umuwi para magamit na ito.

Pagdating sa apartment nya ay naupo sya sa sofa at binuksan ang test. Binasa muna nya ang instructions.

Tumayo sya at pumunta sa banyo para gawin na ang nakalagay na instruction. Ng matapos ay lumabas sya ng banyo at inilapag sa center table ang test ng hindi ito tinitignan.

Umupo muna sya at pumikit ng mariin bago bumuntong hininga at nagdesisyong tignan na ang resulta. Inabot nya ang test at nakita nyang may dalawang guhit ang test.

She's really pregnant with Tyrone Kent's child.

Nanghihinang napasandal sya sa sofa at pumikit ulit.

Kailangan nyang maging matapang para sa baby nya.

Pero paano na ang trabaho nya. Makakasama sa baby nya if sa Oasis pa din sya magtatrabaho. Pero kung megreresign naman sya sino ang tatanggap sa kanya sa kalagayan nya ngayon?

Baka naman pwede syang magpatulong sa boss nya na malipat sya ng oras... Sana pumayag sya na sa umaga hanggang hapon na trabaho.

Naisipan nyang pumunta sa obgyne para bago sya lumapit kay Jesse ay nakapagpacheck up na sya.

******

Pagkagaling sa doctor ay tinawagan nya ang boss nya para makipagkita rito sa opisina nito. Agad syang bumyahe papuntang Oasis after ng tawag nya.

Dumiretso sya sa opisina nito. Pagdating sa tapat ng pinto ay marahan syang kumatok.

"Pasok." Narinig nyang sabi ng nasa loob na si Jesse.

Pumasok sya sa loob at binati ang amo. "Good morning boss."

"Hi Andeng, good morning din. Bakit gusto mo akong makausap?" Nakangiting tanong nito.

"Boss, diretsuhin na kita ha. Pwede ba akong magpalipat ng oras? Kung pwede umaga hanggang hapon?" Sabi nya pa dito.

"Bakit bigla kang nagpalipat ng oras?" Tanong pa ni Jesse.

"Yung totoo boss, buntis ako. Hindi na kasi ako pwede magtrabaho ng gabi." Pag-amin nya sa amo.

"Ha? May boyfriend ka pala..." nagulat na sabi ni Jesse.

Umiling sya dito. "Wala po boss. Complicated po sitwasyon eh."

"Ganun ba? Teka ganito na lang, tatawagan ko yung kakambal ko baka pwede ka dun sa bakeshop na lang. Hindi safe sa baby mo na dito ka sa Oasis magtrabaho." Sabi pa ni Jesse. "Basta ha Andeng, ninong ako."

"Oo ba boss!" Nakangiting sagot nya dito. "Salamat boss ha." Naiiyak na sabi nya.

Tumayo si Jesse at lumapit sa kanya. "Wag ka umiyak, masama sa baby mo yan." Sabi pa nito at niyakap sya.

Bigla bumukas ang pinto at pumasok si Tyrone.

"Oopps! Sorry, istorbo ba ako?" Tanong ni Tyrone sa pinsan at kay Andeng.

"Nope, kino-comfort ko lang si Andeng at nagpapaalam na din." Sabi ni Jesse. "Lilipat na sya sa Sweet Surrender."

"Ganun ba? Good luck sa career move, Ms. Andeng." Sabi naman ni Tyrone.

"Salamat po sir Tyrone." Binalingan naman ng dalaga si Jesse. "Boss, thank you po talaga. Intayin ko na lang po ang tawag ni ate Natalia. Aalis na po ako, boss, sir Tyrone."

*******

Pagkaalis ng dalaga ay hinarap nya ang pinsan.

"Kuya Jesse bakit pinakawalan mo yung supervisor mo? Akala ko ba isa sya sa mga pinakamhusay mo at pinagkakatiwalaan na staff." Usisa nya sa pinsan.

"Hindi na kasi sya pwede sa pang-gabi at bawak sa kanya ang mausok." Hindi na dinetalye ni Jesse ang tungkol sa dalaga. "Anyway, bakit nandito ka? What are you up to? Tinawag mo ulit akong kuya."

"Seriously kuya Jesse, hindi ba sinabi sayo ng bouncer mo kung may nakita sya na kasama ko na babae that night na malasing ako?" Tanong pa ni Tyrone sa pinsan.

"Wala naman nagbabanggit, actually hindi ko alam kung sino sa mga bouncers ko ang naghatid sayo." Natatawang sabi ni Jesse. "Sana pala tinanong natin kay Andeng sino ang nautusan nya. Sa kanya ko ikaw ibinilin that night "

"Paki-ask naman si Ms. Andeng ha kuya." Pangungulit ni Tyrone sa pinsan. "Bakit kasi I can't remember her face. I didn't even catch her name."

"Aba Tyrone iba na yan ha."

"Curious lang ako kuya." Paliwanag pa nya. " Anyway I have to go, may game mamaya kaya I have to rest kahit saglit. Thanks kuya sa time."

Pagkatapos ay umalis na din sya agad...

******
(Jesse's POV)

Something's going on.

Ang pinsan ko may hinahanap na babae.

Si Andeng, buntis.

Buti pa tawagin ko lahat ng bouncers mamaya para matanong...

(Before opening ng Oasis)

Buti na lang maaga nakumpleto ang mga bouncers kaya pinatawag ko na agad sila para sa meeting.

"A month ago nalasing dito si Tyrone. Gusto ko lang malaman kung sino ang naghatid kay Tyrone sa condo nya. Kung may babae ba etong kasama ng umuwi." Tanong nya sa mga tauhan.

Isa sa mga bouncer ang nagsalita. "Boss hindi po kami ang naghatid kay sir Tyrone. Mismo pong si Ms. Andeng ang naghatid sa kanya. Kung may isinama po sila ibang babae hindi ko na po alam pero from dito sa Oasis sila sir Tyrone at Ms. Andeng lang magkasama. Ako po ang umalalay kay Sir Tyrone papunta sa kotse nya."

"Sige salamat, balik na kayo sa pwesto nyo."

Kung si Andeng ang naghatid kay Tyrone imposibleng mamick up ng babae ang mga yon.

Pero hindi imposibleng si Andeng babaeng hinahanap ng pinsan ko.

More that a month ng hinahanap ng pinsan ko ang misteryosong babae. Isang buwan na din ang pinagbubuntis ni Andeng!

Let's do the math!!!!

Dribble My Way In Your HeartWhere stories live. Discover now