♡Imagination 4♡

24 5 0
                                    

Love's POV

"Ma, P-pa. Tuloy po kayo" sabi ko at pumasok naman sila.

'Omo. Kinakabahan talaga ako, lalo na't andito si Papa. Baka sabonin ako ng tanong neto. God, help me po. Promise di na po ako magpapantasya pag nalampasan ko po ng matino tong araw na to. Thank you Lord, love love po kita. Mwah'

"So, you're living here?" Tanong ni Papa sakin ngunit hindi siya nakangiting sakin at tinignan ang kabuuan ng aking munting maliit na apartment.

"O-opo" sabi ko.

"I heard di ka pa nagbabayad ng upa mo?" Seryosong tanong sakin ni Papa. At ngayon ay nakatingin na siya sakin.

'Ka pressure ah. Pero pano niya nalaman na di pa ako nakakabayad? Tsk tsk Naku Aling Pepang.'

"O-opo, pero magbabayad na po ako ngayon" agad na sabi ko. Napatingin naman ako kay Mama na parang kinakabahan na din sa pag uusap namin ni Papa.

'Monggoloyd din tong nanay ko eh. Syempre joke lang, whahahaha'

Di kami gaanong close ni Papa. Kahit friendly ako- I mean wala nga akong friends pero inaapproach ko naman sila ayaw lang naman nila talaga sakin-. Si Mama lang talaga ang kasundo ko, sa kabaliwan pati na rin sa lahat lahat. Kahit siya ay natatakot kay Papa. Muntanga diba? Hahaha.

"Wag na, nabayaran na namin ng Papa mo" agad na sabat ni Mama at nanlaki naman ang mata ko.

"Babayaran ko nalang po sa inyo" sabi ko at tatayo na sana ako para kunin ang pera ko sa bag ko.

"No Love, magulang mo kami, responsibilidad namin iyon sayo kaya kami na ang bahala. And sana umuwi ka na rin sa bahay please" agad na malungkot na sabi ni Mama.

Di ko alam kung bakit ako umalis ng bahay at nagsarili. Siguro kasi gusto kong maging responsable? Sige yun nalang.

Ngayon ay iniisip ko kung meron kayang kung ano anong sinabi si Aling Pepang kila Mama at Papa. Siguro ay sinabi nun na nasa libo libo na ang utang ko sa upa. Hahaha siraulo nalang gumawa nun bukod kay Aling Pepang.

"Ma, uuwi naman po ako eh" sabi k oat tumingin sa kanya.

"Kelan pa anak?" Tanong niya, malungkot ang mga mata ni Mama at nalulungkot din ako.

"Siguro po pag nakagraduate na ako ng Highschool" seryosong sabi ko.

'Akalain mo yun pwede din palang akong maging seryoso? Wahhahaha. Ooppsss Seryoso ulit seryoso'

"Anak wala kang kasama di-" naputol ang sinasabi ni Mama ng may kumatok sa pinto.

"SHARMEAHBETHHHHHHH" narinig ko ang malakas na boses ni Yni sa labas ng bahay. Kaya naman agad akong naglakad papuntang pinto ay binuksan iyon.

"Helllllooooooo Goo-"

"Mama, Papa. Bestfriend ko po, siya po yung kashare ko dito sa apartment. May kasama naman po ako dito eh" pinutol ko ang pagsasigaw ni Yni at hinila siya papunta sa loob kung asan sila Mama at Papa. Nagulat ako ng tumawa ng tumawa si Yni.

"Yesss may kasama na ako" natutuwang sabi niya at napasapo naman agad ako sa noo ko. Thank God at wala akong pimple ngayon at di ako nasaktan, absent ata whahaha.

"May kaibigan ka pala?" Natutuwang tanong sakin ni Mama at tumango naman ako.

"Hahaha opo kaibigan niya po ako. Napakabait po niya at responsable." Nakangiting sabi ni Yni na akala mo ay matagal na kaming magkaibigan pero kahapon lang naman.

My Imaginary Boyfie (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon