Nikka... Chapter 57

Start from the beginning
                                    

 

Araw araw naiisip ko, bakit siya yung nagustuhan ko. Kung bakit siya yung minahal ko. And I left with no answer. Madalas talaga kapag mahal mo, hindi mo maintindihan kung bakit mo siya minahal.

“Hoy babae! Tara na! Tulala ka na naman diyan! Nakanganga ka pa! Hahaha.” Biglang sabat ni Nikka sa gitna ng pagiisip ko! -___-

Umalis kami ni Nikka sa Office ko saka kami nagpunta ng mall. Wala naman akong gustong bilin, at wala din naman akong gustong kainin. Tsk. At ang nakakainis pa ay wala din namang magandang palabas.

“Tara magcoffee tayo.” Ako na ang nagsuggest ng gagawin namin, dahil etong si Nikka wala namang balak. Masaya na syang nagtitingin ng boys! Psh. Dinamay pa ko sa pagboboy hunting niya!

“Okay sige.” Agad kaming dumeretcho sa coffee shop.

Pagkapasok na namin, ay agad kaming nagorder. Wifi lang kami parehas kaya tahimik kami.

“Kamusta ka na?” Simpleng tanong ni Nikka na tila ba alam ko na ang ibig niyang sabihin. I know her question has something to do with Shayne.

“Okay naman.” Maikling sagot ko.

“Alam mo kung patuloy mong hahayaan ang sarili mong masaktan at malungkot, hindi ka makakamove on, at hindi ka magiging masaya. Kaya wag mo kong lokohin na okay ka, dahil alam kong hindi naman talaga.” Nice! Bakit pa niya ako tinanong kung alam naman pala niya ang tunay na nararamdaman ko. -__-

“Hindi lang kami nagsalita ng barkada, pero alam namin lahat ng pinagdadaanan mo. Mula nung namatay si Shayne, pati na din yang pagkabroken hearted mo diyan sa Author na yan.” Gulat na gulat ako sa mga binitawang salita ni Nikka. Hindi ko ineexpect na pati yung kay Andrea ay alam niya.

Nanatiling tikom ang  bibig ko. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Natutulala na lang ako at naiyak.

Lumapit siya sa kin, at niyakap ako. Kaya naman mas tumindi ang pagiyak ko. Ang tagal ko din kasing tiniis to. Wala akong pinagsabihan dahil ayoko ng may madamay pa sa kalungkutang nararamdaman ko.

Sige lang iiyak mo lang yung sakit na nararamdaman mo. Nandito naman kasi kami, ang tagal kong hinintay na mag-open up ka, pero hindi na nasundan yung last time na paguusap natin.” Dun ko lang naalala na naikwento ko pala si Andrea sa kanya, kaya siguro alam niya.

Hinayaan ko lang siyang magsalita. Dahil wala naman akong masabi. Basta ang alam ko lang ang biga bigat na ng pakiramdam ko. Matagal ko ng inipon yung sakit na nararamdaman ko, kaya eto sumabog ako.

 

“Kaibigan mo ako, kaya kahit hindi ka magkwento, nararamdaman kong hindi ka okay. Hindi ko man alam kung anong dahilan, pero ang alam ko durog na durog yang puso mo.” Haaaaay.

“Hindi ko na alam yung sasabihin ko dude! Alam na alam mo na lahat. Hindi ko na ata kelangang magkwento.” Tuloy tuloy pa din yung luha ko. Pero this time alam kong mas gumagaan na yung pakiramdam ko.

“Tahan na. Tandaan mo, lahat naman ng nangyayari may dahilan. Yun nga lang, minsan hindi mo malalaman agad kung bakit nangyayari ang isang bagay.”

 

“Alam ko naman yun, talagang matigas lang yung ulo ko. Kahit na alam kong malabo na, sige pa din ako at kahit alam kong masasaktan lang ako tinutuloy ko pa din.”

“Alam mo kung bakit ka ganyan? Siguro kasi hindi mo pa talga nakikita yung taong para sayo. Yung taong magpapakita sayo at magpaparamdam sayo, na worth it ka.” Her words hits me. Ganun siguro talaga, kahit na alam mo na yung mga bagay bagay, iba pa din yung pakiramdam kapag ibang tao yung nagpaparealize sayo na dapat lumaban ka, kahit hirap na hirap ka na.

 

“Alam mo Nikka, hindi ko na nga alam kung ilang kape pa ang kelangang kong inumin, para magising ako sa katotohanan. Na dapat mahalin ko ang sarili ko, higit sa ibang tao.”

“Alam mo ibang klase ka din talaga eh! Akalain mong nairelate mo pa ang kape sa situation mo, sa gitna ng pageemote mo dyan! Hahahaha.” And we both laugh. :) This time, nakangiti at nakatawa din ako ng totoo.

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Where stories live. Discover now