Imbis na magalit ako sakanya, hinayaan ko na lang siyang yakapin ako.
Hindi kasi ako nakaramdam nang inis o masamang pag-iisip sakanya nang yakapin niya ako, kundi gumaan pa lalo 'yung pakiramdam ko.
Para bang matagal na kaming magkakilala at naging komportable ako agad sakanya.
"Sabihin mo lang kung in love ka na saken, ha?"
O__O
Kumalas ako sa pagkakayakap niya saken dala nang gulat ko sa sinabi niya.
"Okay ka lang?"
"Eh twice na kitang nililigtas eh. Baka lang naman ma-in love ka na saken."
"So, gusto mo akong ma-in love sayo kaya lagi ka na lang umeeksena kapag nanganganib ako?"
Natawa ito.
Oh shocks! Biglang nawala lungkot ko nang makita ko siyang tumawa!
Ang gwapo niya talaga.
I can still remember his face the night when he saved me from those ugly maniacs.
Hindi ko maitatanggi na mas gwapo siya ngayon.
Mukha kasi siyang wasted nung gabing 'yun diba nga nakita ko siyang umiiyak bago niya ako i-save, pero ngayon kasi iba eh, nakaayos siya.
Iisipin ko na sanang nasa matino siyang pag-iisip ngayon kung hindi niya lang sinabi 'yung baka ma-in love na ako sakanya.
"Oh, baka matunaw naman ako nyan?" sabi nito sabay ngiti.
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanyang napakagwapong mukha.
Dinadama ko kasi 'yung kagwapuhan niya eh.
Bigla kong iniwas ang tingin ko dito at lumayo sakanya.
Okay, ang awkward lang..
"Oh, saan ka pupunta?"
"Papasok na ako sa loob. Baka hinahanap na ako ng manager ko."
Tumakbo na ako palayo sakanya dala ng kahihiyan at baka hindi ko na nga mapigilan ang sarili kong ma-in love sakanya..
SA KATULAD NIYANG ISANG STRANGER.
**
Nagmamadali akong bumalik sa loob ng hotel.
Iniwan ko na 'yung knight in shining armor ko nang hindi ko man lang naitanong ang pangalan.
Di bale, itatanong ko na lang kay Jenika. Tutal, magkakilala naman pala sila.
"Monique.."
Napatigil ako sa pagtakbo.
Anong ginagawa nito dito?
Ano na kaya nangyari sa loob?
"Jeric?"
Tumayo ito sa kinauupuan niya sa isang tabi at lumapit saken.
"Please Jeric.. Baka makita pa tayo ng mom mo."
"I don't care kung makita niya tayo. But please, let's talk."
"Kung ikaw walang pakeelam, pwes, ako meron! Alam ko kung ano ang kayang gawin ng mommy mo--"
Bigla ako nitong hinila palayo sa hotel.
Nakita kong palabas na ng hotel 'yung mommy niya at daddy niya kasama 'yung babaeng natapunan ko ng tubig.
"I know your mom still blaming me kung bakit nasira ang friendship niyo ni Charlie.."
Oo, matagal ng mag-best friend sina Charlie at Jeric, bago pa maging kami ni Charlie.
Nasira 'to nang parehas silang magkagusto saken.
At nadamay ang business ng family nilang dalawa.
Mag-business partners kasi ang family nila Jeric at Charlie.
Kilala ang kanilang business. Isa kasi sila sa matatagumpay na business dito sa Pilipinas.
Nang malaman kasi ni Charlie na may gusto din pala saken si Jeric, nagselos 'to at kinausap ang family niya para putulin na ang partnership nila sa family ni Jeric.
At dahil dun, bumagsak ang business nila Jeric. Nalaman ng parents ni Jeric na ako ang dahilan ng pag-aaway ng magkaibigan kaya nagalit saken ng sobra 'yung mommy ni Jeric.
"I didn't bring you here to talk about my mom, Monique."
Seryoso si Jeric.
Alam kong nasaktan ko siya nang sobra noon nang mas piliin ko si Charlie over him.
"I know I made a wrong decision for choosing Charlie over you, Jeric."
"Hindi rin kita dinala dito para kunsensyahin ka at ipamukha sayo na mali ang naging desisyon mo sa pagpili kay Charlie."
"But why you did you bring me here? Bakit mo gusto makipag-usap saken? Ano ba ang gusto mong pag-usapan naten? Tell me!"
Sa totoo lang kasi, kahit I feel guilty for what happened between me and Jeric in the past, ayoko na rin ma-involved pang muli sakanya at sa family niya.
"It's because, I wanna say sorry to you, Monique.. I'm really sorry." bigla ako nitong niyakap.
Hindi ako nakapagsalita.
Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Jeric.
Bigla akong nanlambot at napapikit na lang ng mga mata.
"I knew it. I shouldn't gave up on you in the first place and let Charlie hurt you. I had you first. Dapat iningatan kita! Kung alam ko lang na ganon ang gagawin sayo ni Charlie, hindi sana kita pinabayaan mapunta sakanya."
And he's now blaming himself..
Lalo lang akong na-guilty at nalungkot.
Tama, kami unang nagkakilala ni Jeric. And na-meet ko na lang si Charlie dahil sakanya.
Ayoko kasing masira ang friendship namin ni Jeric kaya mas pinili ko si Charlie.
Pero ang selfish ko pala.
Sa kadahilanang ayokong masira ang friendship namin, 'yung friendship pala nila ni Charlie ang nasira ko.
"Ako ang dapat mag-sorry, Jeric. Not you. Alam ko naman sa sarili ko na nung una pa lang, kaligayahan ko na ang lagi mong iniisip. Pero ang sama ko.. dahil mas pinili kong pang masaktan ka. I'm sorry, Jeric!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko na rin siya nang mahigpit.
Narinig ko 'tong tumawa.
"Ang baet talaga ng tadhana."
"Huh?" sabi ko sabay tingin sakanya.
"Akalain mo 'yun, pinagtagpo niya ulit tayo. Hmmm, I wonder why.."
Tumingin ito saken at kinindatan ako.
"Ayan ka nanaman sa kindat-kindat eh!"
"Bakit? Na-iinlove ka nanaman ba ulit saken?" pang-asar nito sabay tawa.
"Excuse me?! Ikaw kaya naunang na-in love saken!"
"Pero namiss mo ako?"
"Bahala ka dyan!" nagsimula na akong talikuran 'to.
"Uy Monique.."
"What?!" inis na sabi ko dito.
Dati pa lang, hilig na talaga nito ang asarin ako.
"I miss you.."
"I miss you too!" mabilis kong sagot, napatakip ako ng bibig sa gulat na 'yun ang lumabas sa bibig ko.
"Uy miss niya din ako!"
"Jeric!"
"Yes, Monique?"
"Friends?"
Napahinto 'to sa panghaharot saken.
At sabay ngiti.
"Friends!"
BINABASA MO ANG
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...
Chapter Eight: From old lovers to friends
Magsimula sa umpisa
