Chapter Eight: From old lovers to friends

Magsimula sa umpisa
                                        

"I'm sorry, ma'am!" agad kong responde dito.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh.

Nakatapon na ako ng tubig sa guest.

Basang-basa 'yung dress niya. Kulay blue pa naman 'to, kaya kitang-kita 'yung basa nung tubig.

Gulat at iritang-irita 'yung mukha niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Doble-doble na 'yung taranta ka. Para bang gusto ko na lang mag-disappear.

Kinuha ko 'yung isang table napkin na nakapatong sa table nila at dali-dali kong tinulungan magpunas 'yung guest.

"Don't touch me!" inis na sabi nito sabay tulak saken.

Tumayo ito at akmang sasampalin ako.

"Kathrina!" sigaw nung lalakeng nasa likod niya.

Jeric?

Yumuko ako lalo para hindi ako nito mapansin at makilala.

"This bitch.."

"Monique?"

Para akong batong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig kong banggitin ni Jeric ang pangalan ko.

"What the hell is happening?!"

Napaangat nang di oras ang ulo ko sa narinig ko.

And it was Jeric's mom.

Galit na galit ang itsura nito.

Nagkagulo na kasi sa event.

"Tita!" sabi nung Kathrina habang palapit dun sa mommy ni Jeric.

"Monique?!" gulat na sabi nito nang makita ako.

Nanginginig na ako sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry, Mrs. Fajardo. I'll fix this." pagpapakumbaba ni Sir Joe sabay harap saken.

"Sir.. I'm so--"

"Go inside first, Monique.. Let me handle it." sabi ni Sir Joe na mukhang nagpipigil magalit saken.

Tinignan ko muna saglit si Jeric bago ako humakbang palayo sakanila.

Lalapit pa sana 'to saken nang bigla na lang may humablot saken palabas ng Grand Ballroom A.

Hindi ko alam kung bakit ako nagpahablot at sumamang tumakbo palayo dun sa kaguluhang ginawa ko sa loob ng Grand Ballroom A dito sa lalakeng kasama ko.

Naiiyak ako habang tumatakbo kasama 'tong lalakeng..

"Ikaw?!" napasigaw ko sa sarili.

Hindi ito tumitingin saken habang tumatakbo kami hanggang sa makarating kami sa garden ng hotel.

Medyo parehas kaming hinihingal ngayon mula sa pagtakbo.

"You are always saving me.." sabi ko dito nang nakayuko.

Inabutan niya ako ng panyo.

Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sakanya.

"Thank you.." naluluha kong sabi at sabay kuha ng panyo.

Hindi ko na napigilan ang umiyak nang lubusan.

Bakit ba ang malas-malas ko na lang sa lahat?!

"Sige, iiyak mo lang lahat yan." sabi niya.

At iniyak ko nga lahat, lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman ko.

"Badtrip na buhay naman 'to oh!" sigaw ko habang umiiyak.

Natigilan ako nang bigla niya na lang ako yakapin.

It Started With A Wrong Phone CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon