Announcement:

853 6 0
                                    

Hi guys! Kamusta na? HAHA. It's been a long time!! And thankyou so much for the 20k+ reads! Grabe it means a lot to me! So this is not an update but I just wanna share to all of you my dear readers ang aking new story!

Ang title niya po ay The Sign so it is a science fiction po! And I'm hoping for your support again. Thankyou guys!!

Check it out guys!! Here's the first chapter of The Sign.

--

The Start:

Lima...Sampu...Bente...Trentang minuto, hindi ko alam. Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakalublob dito sa pool ng aking eskwelahan. Yes. Nakakatagal ako ng ganun katagal sa ilalim ng tubig, at ang tanging dahilan lamang na alam ko kung bakit ay dahil sa mahilig ako sa tubig. Nagkakaroon ako ng kapayapaan sa kalooban tuwing nasa ilalim ako ng tubig.

Simula bata pa lamang ako ay naaliw na ako sa tubig, and that started my career in swimming. Nag simula akong lumangoy noong 6 years old pa lamang ako, hanggang sa nag tuloy tuloy at na enhance.

"Thea! Umahon ka na diyan! Minulat ko ang aking mga mata nang marinig ang boses ng aking kaibigan na si Maxeen. Agad akong lumangoy paakyat at sumalubong saakin ang nakangising mukha ng aking bestfriend.

"Alam mo konti nalang pagagawan na kita ng bahay sa ilalim ng mga swimming pool."

"I'll be glad kapag nagawa mo iyon!" Ani ko sabay dampot ng tuwalya ko na nasa kamay niya. Tumawa lamang ito at sinundan ako saaking locker room.

"Hi thea."

"Uy Sandoval, Congrats!"

"Ang ganda ng pinakita mong laban kahapon Thea!"

"Expected na namin na mananalo ka kahapon Thea!"

Tanging ngiti at pag tango na lamang ang ginaganti ko sa mga taong nakakasalubong ko. I don't know them but I know for sure that they know me.

Nakilala ako sa eskwelahan nato nang dahil sa larangan ng swimming. Pangatlong taon na namin tong pagkapanalo sa swimming competition, and that was all because of me. Althea Sandoval, the Queen Mermaid.

Corny. I know. Pero nagulat nalang ako isang araw ay may nakapaskil na sa 'What's Hot' board na tumutukoy saakin ang pangalan na iyan. Wala naman akong magagawa kaya naman tinaggap ko nalang din. And believe me, I don't care about the medals or the prizes. At first oo, pero habang tumatagal, ang tanging dahilan lamang kung bakit ako sumasali sa mga ganyan dahil gusto kong nasa ilalim ako ng tubig. That's all.

"Miss Sandoval. Congratulations for winning your third gold medal." Si Ms. Ferner. Ang teacher ko sa Science.
Dumiretso ako saaking upuan at hinarap siya.

Would you Stay? (BOOK 2 OF MS.SNOB MEETS MR.CASANOVA)Where stories live. Discover now