Chapter 11

888 37 1
                                    

"Okay what? Alice who? San yun nang galing? sa wonderland?" Kakapasok lang ni azami sa opisina ko at nabalitaan niya ang pagdating nung Model daw. Alice? Well, she's not that important so why bother to remember her name. Tss.







"I dont know and I dont care. A woman like her? Hindi na dapat pinag aaksyahan ng panahon." Patuloy ako sa pag tipa saaking keyboard habang kausap si Azami napansin ko lang wala bang trabaho to? Lagi nalang nandito eh.







"Model sa france? Professional? I dont think so." Patuloy lang siya sa kabitteran niya hanggang sa pumasok sa opisina ko ang sekretarya ko.









"Ma'am kailangan daw ho kayo sa meeting room. Asap daw po."









"We'll be there." Sinarado ko na ang laptop ko at kung hindi ko pa hihilahin si azami palabas ay hindi pa ito titigil kaka satsat.











Nandito ang lahat..Blake, Sky, Rio, Dylan and.....Alice. Hindi ko alam kung ano ang pakulo ng mga ito at kailangan naming mag usap usap. Tss.




At kung maka dikit si Alice kay Dylan akala mo maliligaw siya dito sa loob ng Opisina. Umupo ako katabi ni azami wearing my bitch face. Wala akong oras makipag plastikan sa babaeng kawayan na may bangs na nasa harapan ko ngayon at idinidikit ng husto ang sarili kay Dylan.





Duh miss nasa trabaho tayo. Tss.





"So..let's start our meeting." Anunsyo ni Sky.




"Okay. Ako na ang mag iistart." Ngiting ngiting sabi nung alice. Tinignan niya ako saglit at tinignan ako na parang nag tatanong ng 'bakit ako nandito.' Tinaasan ko naman siya ng kilay at saka siya nag iwas ng tingin.




"Excuse me but..who are you? New secretary?" Ani ni azami na nagpangisi sakin. Parang kanina lang bukang bibig mo siya tas ngayon di mo na kilala..well the blood of Gonzales'.





"Duh. I'm one of the models here. Mind you, top model in France and tutulong ako dito may problema ba dun?" Chill girl. Lumalabas ang tunay mong kulay ikalma mo lang para hindi ka mahalata. Keep your innocent face and your angelic personality. Si azami lang yan, pano pa kaya pag ginatungan ko pa.






"Oh sorry. Model ka?" Tumayo pa si azami at sinilip ang suot ni Alice sabay upo at bored na hinarap siya.






"Your fashion taste is kinda boring." Walang emosyong sabi nito. Kitang kita ko ang pag ngisi nila Blake at Rio at si Sky naman at Dylan ay nagka tinginan, ibinaling ni Dylan saakin ang tingin niya na parang nag sasabi na 'Say something.' Kaya naman tinaasan ko lang siya ng kilay at hindi na pinansin.




"Excuse me? You're--"





"Enough." Ani ni Dylan kaya hindi na natapos ni Alice ang kanyang sasabihin. Kitang kita ko ang pagka badtrip ni Alice kay Azami dahil napasandal nalang ito sakanyang upuan at hindi na ulit nag salita. Oopss.




Napag alaman naming magkakaroon kami ng Team Building at sinuggest lang naman ito ng magaling na Alice para daw mas komportable kami makapag trabaho sa isa't isa. Hindi ako umimik o tumutol, at patuloy lang kami sa pakikinig.





Ngunit twing may sasabihin si Alice ay siya naman tong pag singit ni Azami na ikinatatawa ko nalang. Ghad azami, masyado mong pinapahalata sa taong ito na ayaw mo sakanya.







Well..Nasa nature na namin yan.

Would you Stay? (BOOK 2 OF MS.SNOB MEETS MR.CASANOVA)Where stories live. Discover now