Chapter 31

1K 39 2
                                    


"Tangina dapat  tinuluyan mo na." Ani ni Blake pagkatapos marining ang buong pang yayare kanina. 


Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ni Dylan nag datingan ang tatlo habang ako ay ginagamot ang sugat na natamo ni Dylan. Pagkatapos ko ay agad na akong tumayo at sinang tabi ang mga gamit na nagamit.


"How's the process sky?" Nakapikit na sabi ni Dylan. Tumabi ako sakanya at agad namang pinulupot ang braso saaking bewang.


"Good. Isang kumpanya nalang nila ang hindi pa natin nagagalaw."


"Finish it already." Walang emosyong sabi ni Dylan habang nakapikit pa din. Nag kibit balikat na lamang si Sky at muling binaling ang atensyon sa laptop. 


Siguro nga ang sama ko dahil hindi ko pinipigilan si Dylan sakanyang ginagawa pero kung ako ang tatanungin, I'll do the same. Minahal ko si Lander oo pero ang pagkamuhi ko sakanya ay namumutawi.


"Guyys!" Napalingon kami sa pintuan sa pag dating ni Harumi at Azami..well except Dylan. 


"Where have you been Azami?" May awtoridad na tanong ni Rio sa girlfriend.


"Oh oh. Wag mong istressin si Azami. Shoo shoo." Bahagyang napatigil si Rio sa pag lapit nang bugawin siya ni Harumi. Nag tataka naman akong napatingin kay Azami. Namamaga ang mga mata nito at mapupula ang mga pisngi.


"What happened?" Kunot noong tanong ko sa dalawa.


"Oh don't worry bestfriend, tears of joy yang nakikita mo." Ngiting ngiting sabi ni Harumi sakin. Muling napakunot ang noo ko nang hindi nag sasalita si Azami.


"San ba kayo nag punta?" Mahinahong tanong ni Rio.


"We went to the hospital..." 


"Shit shit! Why? Saan masakit?! Anong masakit sayo?! Fuck harumi answer me. Halika na pumunta tayo agad sa US. Dylan paheram ng private jet mo--Aray!"


"Ang OA mong hayup ka." Napa iling nalang ako sa inasta ni Blake ayan tuloy nabatukan nanaman siya ni Sky. Masyado kasing nag papahalata na nagkakamabutihan na ulit ang dalawa.


Binalik ko naman ang tingin ko kay Harumi na nag pipigil ng ngiti habang namumula ang mga pisngi. Mga inlove nga naman.


"W-well as I was saying..." Pagpapatuloy ni Harumi at huminga ng malalim.


"Azami is 1 month pregnant!!" Tili ni Harumi. Napa nganga naman ako saaking nakarinig. W--what.. How.. Ay tanga akiri malamang si Rio! Ghad! Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap ni Dylan sa bewang ko. Tinignan ko siya ngunit naka pikit pa din ito.


"Totoo ba yun?" Hinawakan ni Rio sa siko si Azami at inaangat nito ang mukha nito sakanya. Konti konting tumango si Azami dahilan para mapayakap si Rio sakanya.


"Fuck, how?!" Nangilid ang luha ni Rio ngunit agad din itong nawala. Kitang kita namin ang kasiyahan sa mata nang dalawa. Well, I'm also happy for them. Lalo na kay Azami. 


"Anong how? Tanga mo pre malamang pinutok mo sa loob!" Sinamaan naman ng tingin ni Rio si Blake kaya naman agad tong nanahimik. Muling nag yakapan ang dalawa kaya naman hindi agad ako makalapit sa aking pinsan.


Ghad, another blessing. Napangiti ako nang mapagtantong nagiging maayos na ulit ang lahat. Blessing in disguise din pala ang pag babalik namin dito sa Pilipinas. 


"Why are you smiling wifey?" Tinignan ko si Dylan at mas lalong napangiti.


"I'm just happy." Sabi ko dito.


"We will have our own children soon wifey, sa ngayon ako muna ang ibaby mo." Napatawa naman ako sa sinabi niya at binalingan muli ng tingin ang mga kaibigan.


"So ninang na pala ako?" Napalingon kaming lahat sa pinang galingan ng boses. Nanlaki ang mga mata namin nang makita sa pintuan si...



Miyu.


Tipid na naka ngiti ito saamin. Hindi na napigilan ni harumi ang excitement. Agad niyang binato ang sarili kay Miyu at yinakap ito ng mahigpit.


Napatayo ako saaking kinauupuan at inalalayan si Azami para makalapit kami kay Miyu. We hugged each other at agad na bumalik sa pwesto namin kanina.


Napalingon naman ako kay Sky na titig na titig kay Miyu samantalang hindi pa tinatapunan ng tingin ni Miyu si Sky. 


Napailing ako at lihim na napangiti.


"So, what else did I missed?" Nakangiting tanong niya saamin.


"Me." Agad na hinablot ni  Sky si Miyu patayo at hinila ito palabas. Sinundan lang namin sila ng tingin at nagkatinginan.


Natawa kaming lahat at tinuloy nalang ang kanya kanyang ginagawa sa loob.


Ito na ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko.



Would you Stay? (BOOK 2 OF MS.SNOB MEETS MR.CASANOVA)Onde histórias criam vida. Descubra agora