Chapter 8

1K 38 3
                                    

Simula nung umalis ako sa opisina ni Dylan ay naging lutang  na ang aking pag iisip. Ni hindi ko na nga nasimulan ang mga dapat kong gawin. Ugh akiri. Bakit ka ba nagpa apekto sa lalaking iyon? Dapat ay hindi mo nalang ito hinayaang kainin ang sistema mo. Shit talaga.





Teka nga unang una, sa dinami rami nga naman ng kumpanyang pwede naming puntahan eh bakit ito pa talaga ang napili nila? Nananadya lang ganun ba yun? Tss.







Mas pinili ko nalang mag tingin tingin ng kung ano ano sa loob ng opisina ko dahil napansin ko ring sobrang organisado ang mga gamit rito at para bang matagal nang pinaghandaan ang pag pasok ko rito.








Pumunta ako sa bintana kung saan tanaw ko ang mga nag lalakihang building sa labas.







Pinikit ko ang aking mga mata ngunit ang tanging bumabalik saaking isipan ay ang haplos ni Dylan saaking pisngi, ang kanyang mariin na pagpikity at ang kanyang pagkagat sakanyang mga labi.









Sobra akong naguguluhan sa pinapakita niyang ugali saakin ngayon. Hindi ko siya mabasa.





Ugh. Pati sa sarili ko ay naguguluhan na rin ako, bakit ba ako sobrang naaapektukhan sa mga ginagawa niya? Letche.






Nag dilat ako ng aking mga mata at nag tungo sa aking lamesa at nag hanap nalang ng mapag lilibangan.









"Knock knock." Napa tingin ako sa nag salita at bumungad saakin si Azami na ngiting ngiti.







Agad naman itong pumunta sa harapan ng aking lamesa at masayang umupo sa harapan ko.





Pinag krus ko ang aking mga braso saakin dibdib at sumandal saaking upuan sabay taas ng aking isang kilay kay Azami na hindi mawala wala ang ngiti sakanyang labi.







"Let's party tonight couz! A celebration for our first day!" Masiglang pahayag nito saakin. Binabalak ko sanang umuwi ng maaga at magpahinga dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ang utak ko kakaisip at bahagyang kumikirot rin ang aking ulo pero nawawala wala rin naman ito.







"Oh please aki. Tapos ka na sa pagiging KJ stage, and it's time for you to meet new people you know. Let's have some fun!" Anunsyo nito saakin na halata namang gustong gutso niya talaga akong sumama sa kalokohan niya.








"Oo na. But! If i want to go home you'll let me go home. Plus no boys please, I have lander and you know how much I love him." Inirapan naman ako nito at tumayo na rin.






"I don't care aki, basta ang alam ko magkakabalikan kayo ni Dylan. Mga buwan nalang ang bibilangin.....siguro." Bago ko pa siya mahablot ay dumiretso na siya sa pintuan na tatawa tawa napa iling nalang ako rito,







"Meet you at the parking lot aki. Faster!" At tuluyan na siyang lumabas saaking opisina. 






Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na rin saaking office at natagpuan kong nag uusap sina Blake at Sky. Napatingin namana ang dalawa saakin at siya namang pag ngiti ko ng tipid sa mga ito.





"Long time no see Akiri a.k.a Ms. Snob." Bungad saakin ni Blake nang makalapit ako sakanila. So napakitaan ko na rin pala sila ng ganung pag uugali ko noon.









Pagka bukas palang naming sa pintuan ng Club ay agad na sumalubong saamin ang amoy ng usok, ang malakas na Party song na dumadagungdong sa buong Club. Mga nag sasayawan na tao at mga nag hihiyawan na ang mga ito. All of them are Wild.





Ibinaling ko na ang upuan ng kinuha ni Azami para saaming lahat at naki upi doon. May kanya kanyang agenda ang lahat..Blake and Sky are flirting with some girls while Rio and Azami are dancing in the dance floor.





Hindi ko na napigilan ang aking mga paa at saka tumayo at nag tungo sa dance floor. Ghad, napaka loner ko naman. Hinayaan ko nalang na gumalaw ang aking katawan at sumabay sa musika. I'm lifting my hands up while swaying my hips. Napadilat ako saaking mga mata ng biglang may humawak sa aking bewang.





Liningon ko ito bumungad saakin si Dylan..Pagkaharap ko ay saktong pag lapat ng aming mga Labi. Nanlaki ang mga mata ko at hindi naka kilos sa sumunod na nangyare...

Would you Stay? (BOOK 2 OF MS.SNOB MEETS MR.CASANOVA)Where stories live. Discover now