Chapter 28 "Papers"

4.2K 61 0
                                    

Ito na ang pinakamasayang birthday ko. super dami ng food busog na busog tuloy ako. Naglaro din kami ng mga bata tapos nung nakatulog na sila naglaro kaming lahat ng truth or dare. Nagpafireworks din sila grabe talaga itong birthday kong to. Bongga!!! Pero siyempre pinakanagpasaya sa akin ay ang presence ni Juno. Kahit simpleng handaan basta kasama ko siya masaya na ako.

After nung party nagsiuwian na silang lahat. Hiniling kasi ni Juno na maiwan kaming dalawa sa rest house nila. Oo may concert hall ang rest house nila!!!

Naupo kami ni Juno samay swimming pool. Binabad namin ang mga paa namin at magkayakap kami.

“Beb, paano mo nalaman to?”

“asawa mo ako beb, lahat alam ko sayo..nakita ko ang mga tests mo..bakit mo ba tinatago sa akin to?”

Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin.

“ayoko lang na mag-alala ka..ayokong masaktan ka..”

“beb naman eeh..wag kang ganyan..mas masasaktan ako kung mag-isa mong haharapin lahat ng iyan..gusto ko gawin natin lahat ng magkasama..”

Pumasok na kami ni Juno sa loob at naupo samay sala..may nilabas siyang cd..

“naalala mo to?”

“ano ba yan?’

Kinuha ko yung cd sa kanya..napasmile ako bigla.

“ito yung pinanood nati nung first date natin..diba 3D pa yun?”

“yup..ano papanoorin natin?”

Kinuha niya yung cd sa kamay ko at pinlay ito. Kumuha siya ng popcorn tapos umupo na siya sa tabi ko. walang hiya tong si Juno..so manonood kami ng the grudge ngayon??

Walang hiya..halos irugby ko na yung unan sa mukha ko..

“hmm..Yssa..”

“bakit?”

“subukan mong magmahal ulit..” napahinto siya “pagnawala ako..”

Napatitig lang ako sa kanya..hindi ko alam ang sasabihin ko.

“maging malakas ka Yssa..tatandaan mo lagi na mahal na mahal kita..ikaw na ang bahala sa mga bata at jan sa baby natin..”

Tumutulo nanaman ang mga luha naming dalawa..

Niyakap ko ng mahigpit si Juno..

“mahal na mahal kita Juno..mahal na mahal kita..”

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan siya..

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon