Chapter 14 "First Date"

5.1K 54 1
                                    

Haay..it has been 3 days since makauwi kami from Japan. Masaya naman yung naging trip namin. Nagpaparty pa sila daddy dahil nga daw kumpleto kami dun tsaka dahil nga may bago silang apo. Kay anya Fed naman ngayon hehe..

Okay na okay na ang lahat. Kahapon, dahil Sunday lahat kami nagmass then nagswimming at nagshopping. Dumating na din yung mga bata eeh kaya naman nakapag family bonding kami. nagpicnic kami sa may park.

Haay pero ito nanaman ang weekdays. Busy nanaman si Juno.:( pagkagising ko wala na siya. Hay naku naman!! Kasama niya nanaman siguro yung asong ulol na yun. Pumasok ako sa kwarto ng mga bata pero wala sila dun kaya naman pumunta ako sa may labas at nadatnan ko silang nilalaro yung alaga ni Juno na Syberian Husky, si Sandra.

“goodmorning mommy!” agad na salubong sa akin ni Colleen

“goodmorning baby.nagbreakfast na ba kayo?”

“not yet mommy. Kain na tayo.”

“opo. Let’s go?”

“hehe..okie dokie..”

“Sarah, halika kain tayo.”

“sige mommy. Kayo na lang. busog pa ako.”

“o sige.”

Bakit parang ang tamlay ata ni Sarah? Mukha siyang may problema eh. Pero hinayaan ko na lang siya at pumunta na kami ni Colleen sa may dining.

“baby, is there something wrong with your achie(ate)?”

“hmm, I don’t really know mommy. But ganyan na siya since we got back from Bulacan.”

“okay.”

Kumain lang kami ng kumain ni Colleen. Grabe tataba ako nito! Andami naming kinain tapos maya’t maya pa kung maglabas sila ng miryenda like chips, chocolates basta madami! Haay sosyalera tong batang to may lakad nanaman! 10 years old pa lang lakwatsera na. kaya ayun. Tinulungan ko siyang mag-ayos ng gamit at ayun hinatid na ng driver. Hindi siya uuwi for 2 days kaya naman. Dalawa lang kami ni Sarah na naiwan sa bahay.

Ako nagprepare ng dinner kasi dalawa lang naman kaming kakain. Lahat sila busy dahil sa bago nilang product. Hay itong mga ito, kaya lalong yumayaman eh!

Tinawag ko na si Sarah para magdinner pero grabe ang lungkot niya talaga! Halos dalawang kutsara lang ng fried rice at isang maliit na hiwa lang ng chicken kinain niya.

“ahm..Sarah tapos kana kumain?”

“opo mommy. Doon na muna ako sa labas.”

“okay.”

Haay..ang lungkot nagsosolo ako magdinner. Kaya naisipan ko na lang textan si Juno.

(sa cp ni Juno)WifeBeb: Hi, beb! Don’t forget to have dinner. I luv u:*

Pero sana pala hindi nalang ako nagtext!! Ito ang reply.

HusBeb: wala si Juno, nasa meeting pa. i have his phone Yssa. To my surprise, may picture kami dito. nung highschool pa kami. yung times na kami pa. love, Morigan.:)

Papatayin ko talaga tong asong ulol na to!!! Teka! Totoo ba to? Come to think of it, never ko pang kinalikot yung cellphone ni Juno. Ni hindi ko nga alam ano laman nun. May pictures ba kami? halla! if totoo nga bakit naman? Bakit meron siya nun? Tsaka hell naman! Bakit niya iniwan yung cp niya kay Morigan? Tsaka diba may password yun? Bakit alam ni Morigan? Tsaka bakit hinahayaan niya lang na kalikutin nung asong yun yung phone niya? Hhmm..nag-iisip nanamn ako!!! No! may tiwala ako kay Juno. Pero huhuhu....

After kong kumain, lumabas muna ako samay pool at nadatnan ko si Sarah na tulala. Kaya eto na to the rescue na ako. Mommy mode muna. Umupo ako sa tabi niya.

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon