Chapter 15 "Anak ko Lang Sila"

5.1K 61 1
                                    

Si Sarah:

Tinuro ko kay mommy yung nanliligaw sa akin na si Josh. Agad namman siyang umals at naggoodluck pa si mommy talaga!

“ahmm..let’s go?” tanong sa akin ni Josh. Halata na kinakabahan kaming dalawa. First time kasi naming lumabas na kaming dalawa lang. usually kasi kasama namin ang barkada.

“okay.”

Naglakad na kami pumunta muna kami sa arcade at naglaro ang saya hehe. After magarcade pumunta kami ng burger king. Kumain, nakakahiya nga kasi sabi ko hati kami sa bayad eh ayaw niya!  Kaya hinayaan ko na lang siya. After maglunch nanood naman kami ng movie. After ng movies bumalik kami sa may timezone at nagvideoke haha grabe! Ang kulit kulit niyang kumanta. Sobrang nag-enjoy kami ni Josh kaya hindi namin namalayan ang oras 7pm na pala. kaya naman umalis na kami doon at pumunta samay restaurant sa labas ng mall. After kumain naglakad lakad pa kami.

3 years nang nanliligaw sa akin si Josh and I know naman na mahal niya talaga ako. Madaming beses niya nang napatunayan yun. So tonight sasagutin ko na talaga siya.

“ahmm..Sarah. thank you  ha.”

“huh? Saan?”

“for going out with me. Sa chance na to”’

“wala yun. Hmm..tsaka like naman kita eh.”

Napasmile siya at napakamot ng ulo.

“talaga? Hehe”

“yup..ahm..Josh anong date ngayon?”

“ahm..april 20”

“oh tatandaan mo yang numero na yan ha.”

Naguguluhan ata siya. “huh?”

“kasi yan aang number nating dalawa. Josh, sinasagot na kita.”

Natulala siya.

“huy Josh!”

“YES!!!”

Grabe an lakas ng pagkakasigaw niya!! Napayakap din siya bigla sa akin sa sobrang saya.

“Sarah!?”

Nagulat ako nang may biglang tumawag sa akin at alam ko kaninong boses yun. Agad akong bumitaw kay Josh at humarap sa nagsalita.

“daddy?”

Galit na galit ang itsura niya.

“ano mo to?”

“ahm..dad si Josh po.”

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon