Chapter 22 "Magic Mushroom"

Magsimula sa umpisa
                                    

“talaga?”

“yup. Dati Mr. Perfect lang kita ngayon. Ikaw na ang Mr. Perfect Husband ko..^___^”

Ang mga ngiting to ni Yssa. Ayokong mawala yan. Kung kaya ko lang ibalik ang oras ginawa ko na.

“ikaw ang Mrs. Perfect Wife then.”

Biglang may sumingit sa gitna namin ni Yssa. Tapos may yumakap pa sa amin. Gising na pala yung mga bata. Sumingit sa gitna si Jiro kaya binuhat ko siya at niyakap naman kami nila Colleen at Sarah. Family hug.

“oo nga pala. Jiro, Sarah at Colleen. May kapattid nanaman kayo.”

“huh? Talaga mommy!?!? Yehey!!” sigaw ni Jiro.

Napatingin lang ako kay Yssa.

“I’m two months pregnant beb..”

Dapat masaya ako pero hindi ko magawa. Nasasaktan ako. ayoko pang mawala..wag muna..not now..

Sa bahay nila Juno. Nakaupo sa round table samay pool sila Ryu, Yuki at Igo, Fed at Jasmin tapos sila mommy at daddy.

Si Yuki

“honey wag ka nang umiyak..” sabi ni daddy habang hinihimas ang likod ni mommy.

“mommy, wag ka na umiyak. May mga gamot naman..” Fed

“pero kasi si Juno, napakabata pa niya. Napakabata pa ng anak niya. Bakit hindi na lang ako. ako, matanda na ako..honey si Juno..” mommy

“i’ll get the best doctors to cure him. Aanhin pa natin ang yaman natin? Gagawin natin lahat para kay Juno.” Daddy.

“ahmm..si Yssa pala. she’s 2 months pregnant. Baka mas lalong masakit para kay Juno ang lahat ng to.” Singit ko sa kanila.

Napatingin silang lahat sa akin. Mas lalo tuloy umiyak si mommy sa sinabi ko.

“oo nga pala. sabi ni anya. Next week na siya magpapagamot, magpapacheck up at kung anu-ano pa. kaya gusto niya dito muna sila Yssa. Dito na muna kayo  anya Fed. Ako na ang sasama kay anya Juno. Para hindi halata.”

Si Ryu nga pala may sarili ng condo. Sila Fed at Jasmin may sarili nang bahay. Ako at si Igo ang naiwan kasama sila mommy at daddy. Kami kasi ang wala nang balak magkaanak eh.

“okay nga yan. Dahil alam naman ni Yssa na lagi kang wala dito. tsaka para malibang si Yssa at hindi gaanong maisip si Juno. Ikaw na ang maglibang sa kanya Jasmin ha.”

“oo achie ako bahala.”

Lahat kami nagulat sa sakit ni Juno. Lalo na si mommy na kahapon pa walang tigil na umiiyak. Ayaw ipasabi ni Juno kay Yssa at sa mga bata ang lagay niya. Saka na daw. Baka sakaling gumaling pa daw siya. Ayaw niyang mag-alala ang family niya. Haay..Juno..

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon