Chapter 18 "RYULYN"

Start from the beginning
                                    

“ha? Ano yun?”

“kanina ka pa namin tinatanong kung gusto mo ng Calzone?” Fed

“ah..sige. SM light isa lang.”

“okay sige.” Yuki

“oh bakit bigla kang napainom ha?” Fed

“wala naman gusto ko lang..”

Ayoko pang sabihin sa kanila. Hindi pa ito ang tamang oras para damayan nila ako. Ayokong malungkot. Ayoko..kailangan ko munang sarilihin to.

After kumain, nagkayayaan na silang gumala at kung anu-ano pa pero humiwalay muna ako sa kanila. Ganito kasi kami. kahit na iisa lang ang pupuntahan, kanya kanyang dala parin ng sasakyan. Umalis na ako at pumunta muna sa flower shop para bumili ng bulaklak.

Flashback

Actually nauna kami ni Katelyn ng 1 week sa Japan bago pumunta sila anya dun. We were trying to find doctors that could cure her. Doctors that would prolong her life.

When i was 5 years old diba nakwento ko na senyo na iniwan niya ako. That day, they found out that Katelyn has leukemia. Very young, may sakit na siya. Sabi ng mga doctor possible daw na nainherit niya or ewan basta mga ganyan. agad silang pumunta sa US para maipagamot siya kaya naman hindi na siya nakapagpaalam sa akin. 2 years ago, bumalik sa akin si Katelyn at we found out that we have loved each other. Her cancer cells were okay pa back then. Akala nila tuluyan na siyang magaling dahil nga matagal siyang nagpagamot but 5 months ago. Bigla nalang nanghina si Katelyn. Nasa last stage na ang sakit niya.

We went to Japan to find cure but the doctor told us na wala na talagang pagasa. Ayokong mawala siya sa akin. Napaka ikli ng 2 years. Please wag muna.

After nang check up na yun. I decided to spent every single moment with her. We had planned the 3 days for just the two of us pero hindi na pala aabot ng 3 days.     

Pagdating namin galing sa Japan. Agad kaming pumunta sa rest house nila sa Batanes. Una muna kaming pumunta sa simbahan nila.

I walked her down the aisle. I pulled out a pair of rings from my pocket.

“Ryu ano yan?”

“Katelyn, gusto kong makasal tayo. Ngayon na mismo.”

“ha? Wala tayong pari tsaka..”

“sshhh..tayong dalawa na lang..”

Nagsmile lang siya sa akin at kinuha ang singsing ko. kinuha niya ang kamay ko at nilagay ang singsing sa ring finger ko. tumutulo na ang mga luha niya.

“Ryu, mahal na mahal kita.”

Kinuha ko rin yung isang singsing at isinuot sa kanya.

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now