Chapter 11 "Asan si Yssa?"

Start from the beginning
                                    

Medyo naririnig ko yung usapan nila Juno. Asar!!  I really hate it! Inoopen ni asong ulol yung past nila!! Bakit naman kasi naiwan dito tong dalawang to eeh. Asan na ba sila achie Yuki?

After nila kumain naglakad nanaman sila. Super dami ng tao!! Halos hindi ko na sila makita pero nung makita ko sila. Nakita kong nakaakbay si Juno kay Morigan!! Teka ano yun?!!?

Nagdiretso sila nang lakad at pumunta sa theme park. Sumakay sila Juno sa kung anu-anong ride pero bakit naman pati love boat sinakyan pa nila??

Nakikita ko talaga na tawa ng tawa si Juno.. narinig ko pang sinabi niya na..”ang sayo noh? Parang dati lang hahaha..”

Actually ayoko na silang makita, nasasaktan ako eh kaya naman nauna na akong umuwi sa hotel.

Si Igo:

Loko tong Michael na to! Bakit ba andito yan?? Kung makapicture kay Yuki parang wala nang bukas! Tsaka hello! Ako ho ang boyfriend niyan! As in capital A-K-O!!! si Michael yung first boyfriend ni Yuki. Remember kaya naging hate niya ang Philippines??

Next na pinuntahan nila yung park na madaming Cherry Blossoms.

Pumunta sla nila Jasmin samay fountain dun. Ewan ko ba kung bakit pero bigla na lang umiyak si Yuki at todo comfort sa kanya si Michael. With matching yakap oa! Chansing na yan!! Hinawakan niya pa ang pisngi ni Yuki tapos pinunasan ang mga luha. May sinabi siya tapos ngmumiti silang dalawa. Huy! Sasapakin ko na yan!!  Bumalik sla dun sa may blsnket na magkahawak ang kamay. Shit!!!

Pumunta na sila next sa isang theme park. Pumasok sila sa horror house. Kilala ko si Yuki. Matapang yan pero matatakutin. Kaya naman hindi na ako nagulat nang bigla siyang napayakap kay MIchael pero nagulat ako nang nagdikit ang mga noo nila at nagtinginan silang dalawa. Tapos magkayakap na tinapos yung horror house! Pag hindi talaga ako nakatiis lagot sa akin yang Michael na yan pero. Shit lang. ang saya ng itsura ni Yuki. After sa horror house. Kumain sila ng cotton candy. Share sila at nagsusubuan!! Hindi ko na kaya!! Ayoko na! Uwi na ako!!

Si Fed:

Kanina ko pa tinututukan tong si Jasmin at yung kasama niya. Mukhang close na close sila.  Mukha nga ding protective yung lalake kay Jasmin kasi kanina sa Mt. Fuji may bumastos kay Jasmin at sobrang nagalit yung kasama niya.

Nung nagpunta naman sila dun sa may cherry blossoom park eeh okay sila! Sa sobrang okay si Jasmin pa nagbibigay ng food niya at todo asikaso sa kanya!!

Yung sa theme park ang pinakadumurog sa puso ko. kasi naman. Bakit kailangan pa nilang magyakapan diba!? Well actually nakaakbay sa kannya yung lalake tapos siya naman nakayakap sa bewang nung lalake. hindi mahilig sa rides tong si Jasmin kaya naggala lang sila, kumain at nanood sa may theatre doon. Sobrang sweet nila! Halos langgamin na sila!! Nakakainis!! Bakitt ba ganun?? Super dikit nila saa isa’t isa. Bora na to!!!

Hinanap ko na sila Igo at Yssa pero bumalik na daw sila sa hotel. Pero teka si Yssaa bumalik na  sa hotel eeh mahina sa daan yun. Okay lang kaya siya? Tsaka first time niya dito sa Japan. Sana nga nagsabay silang umuwi ni Igo.

Pagdating ko sa hotel, andun na si Igo.

“uy bro, ano kumusta naman?” tanong ko sa kanya.

“wag na natin pagusapan. Ayoko na. hindi na ako susunod saa kanila bukas. Nakakasamaa lang ng loob.”

“hay sinabi mo pa! tatambay na lang ako dito!”

“hindi rin maganda sayo?”

“hindi! Sweet nila pre.”

“oo sa kin din. Ganun din si Yssa suko na.”

“asan pala si Yssa?”

“kanina pumunta na sa room niye pero sabi niya lalabas siya magiikot lang daw.”

“nako naman! mamaya maligaw yun.”

“hindi yan. Si Yssa pa?”

“sabagay.”

Natulog na kami ni Igo. At kinabukasan medyo late kami pumunta sa baba para magbreakfast. Snugurado lang namin na umalis na sila Juno.

Umupo na kami sa isang table at kumain. Nagulat ako nung biglang parang naging frozen si Igo.

“huy bakit?”

“bakit kayo nandito huh?”

Paglingon ko nasa likuran ko si Juno. Kapapasok lang nila sa restaurant. Patay! Huli kami!!!

“wa..wala naman.” Wala na akong masagot!!

“don’t tell me sinundan niyo kami?” sabi ni Yuki na nakatingin kay Igo.

“h-hindi ah” nautal na si Igo sa kaba!

“eeh bakit kayo nandito?” tanong naman sa akin ni Jasmin.

“fine! Sige na. oo na sinundan namin kayo.”

“hahaha..kawawa naman kayo. Walang tiwala senyo mga loves niyo! Hahaha”

“ano ka Juno! Andito din si Yssa.”

“weh? Uy Igo umayos ka! asan si Yssa?”

“andun sa room niya. Baka tulog pa.”

“shit kayo! Anong room number niya?”

“4567”

“okay..punta muna ako ha.”

Tumakbo na si Juno. Nakita ko pa siya na bumaba ulit tapos umkayat nanaman. Glass lang kasi yung wall ng resto. After a few minutes bumalik na siya sa amin na mukha talagang worried. Bakit kaya.

“nawawala si Yssa. Inopen ko na yung room niya at wala siya don! Asan si Yssa??”

Mr. Perfect Husband (JUNOSSA after Marriage) Book 2Where stories live. Discover now