Bonding with family and friends

35 1 0
                                    

Chance's P.O.V
Pagkatapos ng graduation dumiretso kami sa Paradise Resort para doon icelebrate ang graduation namin. Habang kumakain kami naging usap usapan ang college life.

"Danica ija saan ka magcocollege? Anong kukunin mong course?" -Mom

"Sa UST po ako mag aaral kukunin ko pong course ay Tourism. Si chance po ba at chase saan?" -Danica

"Sa UST din si Chase magpipiloto daw siya. Itong si chance magsstay siya dito sa Batangas for business administration and management." -Mom

"Ah ganun po ba. Ahmpft ikaw Veronica saan ka mag aaral? At anong course itatake mo?" -Danica

"Sa PUP ako magpepremed ako." -Veronica

"Pft maiiwan ka dito mag isa tol! Hahaha good luck sa college life mong hindi kami ang kasama mo." -Chase

"Hilig mo mang insulto no? Masaya ka ba sa pang iinsulto? Tss wala akong pake mas mabuti pa ngang di kita kasama"

"Oh mag aaway na naman kayo. Hindi ba kayo magsasama ng hindi nagsasama? Nakakamatay bang maging close kayong dalawa?" -Dad

"Kasi dad yang si chance laging siya yung nagugustuhan ng mga babae pati ng babaeng gusto ko siya yung gusto." -Chase

"Nakakamatay ang inggit tol. Ingat ka baka mamaya ikaw na ang mamatay"

"Umayos kayong dalawa!!" -Dad

Nanahimik nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. Tumayo na ako sa upuan at naglakad lakad habang si Danica nakasunod sa akin.

"Pagpasensyahan mo na si Chase baby ko hindi kayo dapat nag aaway." -Danica

"Ano pa nga ba? Pft doon siya masaya edi sige gawin niya lahat ng gusto niya, insultuhin niya ako hanggang sa mawala yung insecurities sa katawan niya."

"Sorry if i can't stay here next school year." -Danica

"I understand you don't have to sorry. Baby I respect your decision because I love you and I trust you so much."

"Iloveyoutoo baby" -danica

Niyakap ko si Danica at hinalikan ko ang kanyang ulo. Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad lakad kami hanggang sa makarating kami sa souvenir shop. Binili ko lahat ng hawakan ni Danica at palihim ko itong ipinadala doon sa kwarto ko.

"Baby promise kapag may time pupuntahan kita sa UST kahit malayo pangako ko yan sayo."

"Awiieee kinikilig ako baby ko ang sweet mo naman." -Danica

"Sakay ka sa likod ko tapos kapit ka mabuti okay? Trust me"

"Okay po" -danica

Nakasakay siya sa likod ko yung kung tawagin ay piggy back ride. Tumakbo ako habang buhat siya nang makarating kami sa taas kung saan maraming nagdadive bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Alam niya na ata Ang gagawin ko.

Tumalon ako habang buhat buhat siya at sa pagbagsak namin sa dagat ay napabitaw siya kaya binuhat ko siya na parang bride at lumangoy ako habang buhat buhat siya.

"Okay ka lang ba baby?"

"Tinakot mo ko chance! Langya ka" -danica

"Sorry baby ko haha ang ganda mo pa rin kahit basang sisiw ka na."

"Cheh. Umahon na tayo baka hinahanap na tayo sa catage" -danica

Tumango ako at lumangoy papunta sa pangpang. Umahon kami sakto papunta pa lang sina Veronica sa pwesto namin para magswimming.

"Naks ang sexy ah."

"Naman bes ako pa ba." -Veronica

"Teka baby may kukunin lang ako sa bag babalik ako agad" -danica

Bigla siyang tumakbo parang nagmamadali. Hmm baka nagseselos kasi sinabihan ko ng sexy si Veronica. Sino bang hindi masesexyhan sa bestfriend kong nakatwo piece samantalang si Danica naka short shorts at sando lang hahahaha.

"Nagselos ata hahaha yaan mo yun makakaget over din siya."

"Ang hard mo hahaha" -veronica

Hinubad ko ang t-shirt ko at inakbayan si Veronica na naka two piece.

"Aaawwww bagay sila" -girl 1

"Ang hot nila para silang couples" -girl 2

"Baka sila na?" -Girl 3

"Kyaaaaaaaaaaaah" -3 girls

"Mga chismosa kayo! Ako yung girlfriend nung pinag uusapan niyo mga chismosang antipatikas!" -Danica

Pinakain ni Danica yung tatlong babae ng buhangin. Natawa nalang kami, hinawakan ko ang mga pisngi ni Danica at hinalikan siya sa noo.

Naupo ako sa buhanginan habang naglalaro sa buhanginan si Veronica at Danica, buti nalang close silang dalawa at hindi nag aaway ng dahil sa akin.

The Billionaire's Chasing QueenWhere stories live. Discover now