Distance or Ambulance?

43 1 1
                                    

Veronica's P.O.V
Nag aya si Franco ng inuman dahil graduation na namin next week. Tinawagan ko si Chance para samahan kami.

"Veronica meet my sister Vanessa." -Franco

"Hi Vanessa I'm Veronica, your brother's girlfriend"

"Nice to meet you." -Vanessa

"Let's go here." -Franco

"Hi babe" -girl

Hinalikan nung babae si franco, nagresponse naman si Franco na ikinagulat ko.

"Babe she's Veronica my girl friend, Veronica she's Klare my girlfriend" -franco

"If I know, Veronica ikaw ang kabit ng boyfriend ko. Distance or ambulance? Tss nice to meet you reserve" -girl

"Ikaw babae distance or ambulance? Subukan mong saktan ang girl bestfriend ko!!!" -Chance

"Chance"

"Tara na Veronica." -Chance

Hinila niya ako palayo pero binalikan niya si Franco at pinagsasapak si Franco saka kami umalis sa bar.

"Sorry ipinagkatiwala kita sa hinayupak na yun. Hindi na ako papayag na may magpapaiyak at mananakit sayo." -Chance

"Thank you chance. Lagi mo kong inaalagaan kahit hindi kita kuya."

"Wala yun. Bestfriend nga tayo di ba." -Chance

Nakasalubong namin sa parking lot si Danica na nakabusangot at parang magwawala. Nilapitan siya ni chance pero hindi ito lumapit sa kanya bigla nalang itong tumakbo palayo. Hinabol namin si Danica pero nakasakay na ito ng taxi.

"Hala pano na yan tinakbuhan tayo."

"Hayaan mo siya. Nagpaalam naman ako sa kanya bago ako pumunta dito." -Chance

Sumakay kami ng kotse at inihatid niya na ako pauwi. Nakapulot pa nga ako ng sulat sa may gate eh.

To: Veronica Ariah
Layuan mo ang boyfriend ko lagi nalang ikaw ang inuuna niya kesa sa akin.

Truly yours, Someone who hates you

Sino kaya ang nagbigay nitong sulat? Ang effort short message sa long pad haha. Pagpasok ko sa bahay naabutan ko si Chase sa living room nakaupo may hawak na bulaklak.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pwede ba tayong mag usap? About dun sa nangyari sa inyo ng ex boyfriend mo." -Chase

"Sige. Wait lang. MANANG! PAHINGING MERYENDA YUNG GOOD FOR THREE"

"Grabe siya oh. Good for three. Anong akala mo sa akin masiba?!" -Chase

"Oo. Oh anong pag uusapan natin?"

"Sorry kung naghiwalay kayo dahil sa akin I didn't mean to act like that I am just jealous and protective. Ayokong mapahamak ka." -Chase

"Okay na iyon. Wag ka na umakto na parang si chance hindi kasi bagay sayo. Si chance kausapin mo siya dahil laki ng galit nun sayo."

"Yun nga gusto ko sanang tulungan mo kong magkaayos ulit kami." -Chase

"I can't. Magagalit siya sa akin, ayaw niya ngang dumidikit ako sayo eh. Kung gusto mong magkasundo ulit kayong magkambal ikaw na ang mag effort."

"Hays sana ganun kadali suyuin si chance." -Chase

"Mahirap pero kailangan mong magtiis. Tsaka sorry din dahil sa akin nag away pa kayo."

"Magkaayos na sana kami" -chase

"Magkakaayos din kayo tiwala lang."

"Veronica bakit nga pala palagi mong binabusted?" -Chase

"Kasi hindi ako tumatalo ng kaibigan. Tsaka una palang si chance na ang mahal ko alam mo yan."

"Ganun ba. Sige salamat sa oras uuwi na ako." -Chase

Bigla siyang umalis. Ayaw niya nga palang makarinig na si chance lagi yung mahal ng mahal niya. Hays pero bestfriend lang kami ni chance at tanggap ko na iyon.

The Billionaire's Chasing QueenWhere stories live. Discover now