Meet the parents to legal of relationship

90 3 0
                                    

After ng party dumiretso kami sa bahay nila Danica bago namin ihatid si Veronica sa bahay nila. Medyo kabado ako dahil sa tinagal tagal kong nanliligaw ngayon ko lang mahaharap ang magulang niya na may halong kaba.

"Good morning po tita tito. May gusto po akong sabihin sa inyo. Kami na po ni Danica"

Isang malakas na suntok ang nakuha ko sa papa ni Danica, napaatras ako pero hindi ako gumanti.

"Subukan mong lokohin ang anak ko hindi lang yan ang matitikman mo." -Tito

"Hinding hindi ko po siya sasaktan pangako."

"Mabuti naman. Pasok kayo may breakfast dito kumain muna kayo." -Tito

"Wag na po. Busog pa po kami. Ihahatid pa po kasi namin si Veronica baka hinahanap na po siya sa kanina. Baby I have to go susundiin kita mamayang hapon pahinga ka muna. Iloveyou"

Hinawakan ni Chase si Veronica sa braso at inalalayang maglakad dahil nagkapaltos na ito sa paa. Pagkatapos ay inihatid na namin si Veronica sa kanila at nagpaalam na uuwi na kami.

"Congrats tol kayo na ni Danica. Tibay mo tol! Ilang taon kang nanliligaw ngayon lang naging kayo." -Chase

"Mahal ko eh. Wala kang magagawa doon. Mag Girlfriend ka na nga."

"Wala pang mahanap." -Chase

"Hahaha irereto ko sayo si Veronica. Maganda naman siya di ba pft."

"Ayoko binusted niya na ako. Hindi niya ako type." -Chase

"Babaero ka kasi. Magbago ka na para may magkagusto sayo."

"Marami namang nagkakagusto sa akin hindi ko lang pinapatulan. Gusto ko kasi yung madaling mapasunod." -Chase

"Ah yung parang si Veronica. Hahaha ano?!"

Tumahimik na ako ng mag iba ang tingin sa akin ni Chase. Napikon na siya sa pang aasar ko, pumasok ako sa loob ng kwarto at tinawagan yung tropa. Pinapunta ko sila sa condominium at ipinahanda ko yung mga pagkain balloons flowers at cake gusto kong dalhin doon si Danica at ang parents niya. Isasama ko doon sina mommy at daddy.

To: Danica
Baby how's your feeling? Are you tired?
Sleep well.
See you later.
I miss you agad.
Baby?
Natutulog ka pa?
Sleepyhead naman ng Girlfriend ko.

*Tok* *Tok*

"Pasok. Bukas yan."

"Bro pahiram nung kotse mo may lakad kami ni Veronica ngayon." -Chase

"Pagpahingahin mo muna yung isa -_- pagod pa yun tapos isasama mo kaagad sa galaan."

"Urgent bro, kakaunin namin yung boyfriend niya sa airport." -Chase

"Ge. Lock mo pinto baka lumabas yung aircon!"

Nagpatuloy lang ako sa pagbibihis at nahiga na ako saka naghintay ng 3pm. Sinundo ko na si mommy at daddy sa office nila at una ko silang dinala sa condominium para doon sila maghintay.

Pinuntahan ko na si Danica at ang parents niya.

"Saan tayo pupunta?" -Danica

"Secret. Halika na po tita, tito. Sakay na po kayo. Baby trust me"

"I trust you." -Danica

Hindi siya sweet pero sobrang thoughtful niya, she's my ideal girl. Pagkarating namin sa condominium naabutan ko si mom at dad na nanonood ng Korean drama na Weightlifting fairy Kim bok joo.

"Pasok po kayo. Mom dad, si Danica po Girlfriend ko, then parents niya. Tita tito si mom at dad po pala. Pasensya na ito lang kinaya ko."

"Kaya pala ang effort mo nak may gf ka na. Halika ija magkwentuhan tayo. Pasok kayo." -Mom

"Ija maswerte ang anak ko dahil ikaw ang Girlfriend niya." -Dad

"Mas maswerte po ako sa anak niyo. Sobrang tiyaga niya po kasing naghintay sa akin. Grade 5 pa lang po kami nililigawan niya na ako." -Danica

Habang nagkekwento sila inihanda ko na yung dining area para sabay sabay kaming kumain. Akala ko hindi papasa sa taste ni mom at dad si Danica dahil masyadong mapili sila pagdating sa magiging Girlfriend ko.

The Billionaire's Chasing QueenWhere stories live. Discover now