t h r e e

127 14 50
                                    

HAPPY BIRTHDAY TO KIM NAMJOON!!HEHE.

Liezel's POV***

"Pasok na po ako!"sigaw ko saka lumabas ng bahay namin

"Bye Jun-jun"kaway ko sa kapatid kong maliit na nasa pinto

"Mama bakit lumabas si Ate eh ang sabi nya papasok sya?"rinig ko pang tanong nya kay Mama bago ako makalayo

Hay nako

"Good morning!!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng sumulpot yung apat na kagabi pa ako kinukulit.Hanggang ngayon nga di pa rin ako makapaniwala na nakakakita pala ako ng multo,pero bakit yung bata sa CR namin di ko makita?

"Ah..good morning"bati ko pabalik

"Ngayon ang first day mo para tulungan kami hehe"sabi ni Namjoon

"Unahin mo yung pinakagwapo,kaya mauuna na ako"sambit ni Yoongi

"Palibhasa di mo nakikita sarili mo sa salamin,pre ako na magsasabi sayo"pagpuputol ni Jimin

"Ang sama ng muka mo"

"Kung masama muka ko,kamusta naman yung sayo?"

"Kahit di ko makita sarili ko sa salamin,ramdam ko namang gwapo ako"

Nagpahanginan sila dun hanggang sa lumapit sakin si Taehyung kaya medyo nailang ako sa paglapit nya

"B-Bakit?"tanong ko.Nagsimula akong mailang sa kanya simula nung mapansin ko sya kagabi

Tahimik sya at laging may blank expression.Pakiramdam ko tuloy isa sya dun sa mga fiction character sa wattpad na nababasa ko hihi *0*

"Ako unahin mo ah"saka sya ngumiti,mabilis na nagbago ang expression ng muka ko.Mula sa cold expression napunta sa nakangiting inosenteng bata na may rectangular shape

Pano nya kaya nagagawa yun?

Talent na nya?

Skill?

Pero teka,ngayon na?

"Huh?Ngayon na ba simula?Hindi ko naman alam gagawin ko"sambit ko

"Akala ko ba alam mo na?"tanong ni Namjoon

"Haiist ano ba yan!"nagpapadyak sa inis si Jimin

"Tara puntahan natin si Jungkook para masabi sa kanya yung gagawin nya"saka sila umalis sa harap ko

Si Jungkook?

Jungkook's POV***

Kasalukuyan akong naglalakad sa daan papasok ng school habang humihikab

Napuyat nanaman ako at wala ng bago dun.May mga makukulit na kaluluwa nanaman ang nanggulo sakin kagabi

"ILOOOOOONNNNNGGGGG"

Pinigilan ko ang sarili ko sa paglalakad at huminga ng malalim.Ayoko sa lahat yung tinatawag ako sa pangalang yun dahil nananapak talaga ako

"Ano nanaman ba'ng problema nyong mga hinayupak kayo?"pambungad ko sa kanila

"Ituro mo kay Liezel yung gagawin nya para matulungan nya kami"sabi ni Taehyung na hinihingal pa

"Pu.tang.i.na"sabay-sabay kaming napatingin kay Namjoon na nagmura na lang bigla,nasa itaas ang tingin nya kaya sinundan naman namin ng tingin

Isang babae na nasa itaas ng puno ng santol at nanunungkit

"HOY YUNG SANTOL KO TIGILAN MO PUTANGINA!"sigaw ni Namjoon

Who are you? [k.th]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon