Kabanata Labing-apat: Kutsilyo

349 13 1
                                    

Nagising si Lianna Pelaez na pawis na pawis. Inayos nya ang thick-framed glasses na suot nya, na ngayo'y may maliit na crack sa kanang salamin. Pinagpagan nya rin ang skirt nyang puno ng alikabok at chalk. Pagtingin nya sa paligid nya, nasa loob sya ng isang classroom, and Room 129. Labis na pagtataka ang lumunod sa isipan nya.

Where the hell am I? Why am I here? ...Pero... naaalala ko na. This morning, I woke up alone. And then suddenly when I was out for a walk, somebody chased me. Somebody na kamukha ni May. Tinakbuhan ko sila, and all the while, all of the people looked like May, and they were chasing me. Sa panic ko, tumakbo ako at lumayo. I ran, until I found myself here in high school. I went inside this school. It was as if someone was drawing me here. Someone powerful. And then I saw someone in Room 129 so I entered it. But I was locked out, and I heard all of these horrible voices. Binabagabag nila ako, kinokonsensya. I tried to open the door but it was locked. And suddenly I saw Dave outside so I screamed for help. But I think he didn't recognize me cause it was so dark in the room. And then Kenneth showed up and Dave went with him, ignoring me. And the voices grew louder and louder, and suddenly I couldn't take it. It's as if I was going crazy and then I remembered I passed out...

Tumayo si Lianna mula sa pagkakahiga nya sa malamig na marmol na sahig, at nagsimulang maglakad palabas ng classroom. May mga ilaw sa hallway, pero patay-sindi ang ilan sa mga fluorescent lights at napakatahimik ng paligid kaya nakakatakot ito. Isang malamig na hangin ang umihip sa katawan ni Lianna.

Dito biglang nyang naalala ang panaginip nya noong isang araw, bago ang graduation. Sa panaginip nya, hinahabol sya ng kamuka nya–isang Lianna. Pero ang Lianna sa panaginip nya ay isang nakakatakot na nilalang. Isang malakas at madilim na nilalang na bumabagabag sa isipan nya. Sinabi sa kanya ng kamukha nya na nararapat syang magbayad sa mga kasalanan nya, at ipinaalala sa kanya ang pagtrato nya sa dati nyang kaibigan na si May.

Is this... a dream? I have a bad feeling about this, but I think this is the revenge May is always talking about when she's still alive! Naisip ni Lianna, habang mabagal na naglalakad at nag-iisip sa hallway ng main building ng Bagong Yaman High School. Napaisip si Lianna sa nangyayari ngayon, at biglang pumasok sa isip nya ang ala-ala ni May, ang dati nyang kaibigan.

Kaibigan at kaklase nya si May noong 1st at 2nd year high school, at isa ito sa mga matalik nyang kaibigan. Kahit na mahiyain si May, lagi nya itong sinasamahan at pinapalakas ang loob. Pero nang maging 2nd year sila ay nagbago na ang lahat. Nagbago ang trato nya sa kaibigan, lalo na nang magsimulang magkaroon ng ibang kaibigan si Lianna, sina Paula at Angela, at lumayo na ang loob sa kaibigang si May hanggang sa hindi nya na ito pinansin. Laging inaasar si May ng mga kaklase nila. Sya ang punterya ng class bullies. Pero ni minsan ay hindi nya ito nagawang ipagtanggol. Minsan nga ay nakikisabay na rin sya sa pagtawa sa ginagawang pambubully kay May.

Oh my God. What have I done? Naisip ni Lianna, habang inaalala ang ginawa nyang pagtrato sa dating kaibigan.

But... that was a long time ago! Siguro naman hindi na maghihiganti ang ghost ni May.

Patuloy na naglakad sa hallway si Lianna, hanggang sa makarating sya sa staircase paakyat. Dito may tumawag sa kanya. Boses ng babae. Lumingon sya, pero madilim lang ang nakita nya, at... mga anino ng mga taong papalapit sa kanya. Sa paglapit sa kanya ng mga ito, napansin nyang ang mga mukha ng mga ito ay mukha mismo ng dati nyang kaibigan, si May. Napasigaw si Lianna sa takot, pero wala itong naitulong dahil papalapit na sa kanya ang mga kamukha ni May.

Naghihiganti talaga si May!

Na-corner si Lianna at ang tanging daan lang ay paakyat sa 2nd floor, kaya nagmadali syang umakyat doon habang hinahabol sya ng mga kamukha ni May.

Nagpatuloy sa pagtakbo si Lianna hanggang sa mawala na ang mga May na humahabol sa kanya. Napadaan sya sa isang classroom at may humablot sa kanyang kamay papasok ng kwarto. Napakalakas nito kaya hindi nya na nagawang lumaban.

Sa pagpasok ni Lianna sa kwarto ay nakita nya na ang taong humablot sa kanya dito: si May mismo! Nakatayo ito sa harapan nya, nakatitig, at may bakas ng ngiti sa mga labi. Pumilit lumabas si Lianna pero hindi nya na mabuksan ang pinto. Napaupo sya, pawis na pawis, umiiyak sa takot at ayaw tingnan ang dating kaibigan.

Is this... the end?

"Nagkita ulit tayo, friend." Sabi ni May. Nagulat si Lianna sa boses nito. "Oh anong problema? Wag ka nang matakot sakin. Di ba kaibigan tayo?" Dagdag nito, may bahid ng pang-aasar ang nakakatakot nitong boses.

She's going to kill me! I don't know if this is a dream or not, but this is way too much! Naghihiganti talaga sya. Maghihiganti sya! Naisip ni Lianna, nakaupo at ayaw tingnan si May. Naramdaman nyang unti-unti nang lumalapit ang dating kaibigan.

"Humarap ka sakin, Lianna!" Biglang sigaw ni May, ngayo'y halatang galit at nanginginig ang boses. Ilang pulgada na ang layo nito kay Lianna. Dahil dito, napalingon na lang si Lianna kahit ayaw nya itong tingnan.

"W-w-what do y-y-you want?" Naitanong ni Lianna, nanginginig ang boses sa takot.

"What do I want? Alam mo ang gusto kong mangyari." Sabi ni May.

"Y-y-y-you're not going to kill me... are you? Lumuluhang tanong ni Lianna.

"Papatayin? Hindi muna. Dapat matikman mo muna ang sakit na dinanas ko!" Sabi ni May nang malakas, at nanlaki ang mata nito na nakatitig kay Lianna. Nanginginig ito sa galit. "Pero bago yun... may sasabihin muna ako." Dagdag ni May, ngayo'y nakangiti na at maamo ang boses. Lumapit ito kay May at umupo sa harapan nito.

"Naaalala mo ba yung sinabi kong... maghihiganti ako?" Sabi ni May.

"W-w-w-w-what do you mean...?" Nanginginig na tanong ni Lianna. Ayaw nyang tingnan sa mata ang dating kaibigan, pero tila mayroong pumipilit na magpwersa sa mga mata nyang tumingin sa mata ng dating kaibigan.

"As if namang hindi ko alam na narinig mo ko nun." Sabi ni May. "Sa mini-garden. Kinakausap ko si mr. Mallows nun at narinig mo ang mga sinabi ko. Na maghihiganti ako sa inyo." Dagdag nya. "Well, ito na 'yun. I'm finally getting my revenge, Lianna, at gagawin kong bangungot ang buhay mo!"

"B-b-but it's impossible!" Sigaw ni Lianna. "You're already dead!" Pagpapatuloy nya. "This is just a dream! It has to be! You're already dead!" Dagdag nya. Tumawa nang malakas si May sa sinabi nyang ito.

"Hindi ko alam, Lianna. Pero the good thing is... ako ang bida dito, at mga tauhan lang kayo! I can do everything I want! It's payback time, Lianna. At magsasama-sama na rin kayo nila Dave at Kenneth. Isang mandaraya, isang abortionista, at isang traydor na kaibigan!"

"P-p-patayin mo kami?!" Biglang natanong ni Lianna.

"Oo, friend. At pagsasama-samahin ko kayo sa impyerno!" Sigaw ni May. Biglang inilabas ni May mula sa likod nya ang isang kutsilyo. Napatayo si Lianna dito, at tumakbo palayo sa babae, pero habang pinilit nyang lumayo ay naramdaman nya ang patalim na dumaplis sa balikat nya.

I need to get out of here fast! Or else... I'm dead!

Nagpatuloy sa paglayo si Lianna kay May at lumabas sa kabilang pinto ng classroom na nakabukas, pero nadaplisan ulit sya ng patalim, ngayo'y sa binti nya. Ilang daplis ng patalim ang dumapo sa binti nya, pero tumakbo sya. TUmakbo nang tumakbo sa hallway. Hanggang sa mapansin nyang wala na ang humahabol sa kanya. Dun nya na rin naramdaman ang nagdurugong mga tama ng kutsilyo sa balikat at binti nya. Bumagal sya sa pagtakbo, at mula sa malayo ay nakita ang nakabukas na pinto ng school theatre. Maraming boses ang naririnig nya mula dito, pero hindi nya maintindihan.

May nakitang tao si Lianna sa pintuan ng school theatre. Sa paglapit nya dito ay nakita nya si Dave at Kenneth, nakatayo.

"Dave! Kenneth!" Tinawag nya ito. Pero bago pa sya makalapit ay pumasok na ang dalawa sa school theatre.

Maraming natamong sugat si Lianna, pero nanaig ang tapang at curiosity sa kanya. Curiosity sa kung ano ang nasa loob. Kung sino ang nasa loob. At kung mayroong makakatulong sa kanya sa loob ng school theatre.

Sila Dave at Kenneth... kailangan ko silang makausap. We need to team up... and get out of here.

Totoo. Curiosity kills a cat. But if it's worth going inside that school theatre, I'd risk it.

EntabladoWhere stories live. Discover now