Walo: Speaker

689 27 6
                                    

Dumagundong sa isip ni Dave ang maliit na boses ng batang si Ignacio. Tila paulit-ulit itong nag-echo sa kanyang ulo, habang patuloy na tumatawa nang malakas ang maliit na bata.

...Congratulations, Dave Delos ...Congratulations, Dave... Congra...

Hindi lang isang May ang kaharap ni Dave ngayon, kundi apat! Apat na nagbabalik na ala-ala at mukha ni May! Si May! Si May na masaklap ang kinahantungan. Si May na isang sawi at isang biktima. Hindi lang isa... kundi apat na May ang nakatitig sa kanya ngayon. Habang tinitingnan sya ng mga ito, pakiramdam nya'y dinudurog at binabagabag ang kanyang puso; kinukurot, pinipiga, hinihiwa hanggang sa magkagutay-gutay ito.

Hindi sya makagalaw. Gulat pa rin si Dave sa nakikita nya ngayon.

Ano... bang nangyayari...?

Sa wakas at hindi na natagalan ni Dave ang titig ng apat na May sa katauhan ng kanyang ama, ina, Dale, at Ignacio, at dali-dali syang nakagalaw at lumabas ng pinto, sinagi at nagpumilit makalayo sa apat na bangungot na iyon, bumaba ng hagdan, at patakbong lumabas ng bahay.

---

Hingal na napahinto si Dave nang makalabas na sya ng kanilang bahay, hinahabol ang kanyang hininga. Nakita nya si Mang Louie na kapitbahay nila sa tapat ng kanilang bahay. Nakayuko ito at hawak sa kadena si Richard, isang itim na aso na alaga nya. Di mapakali si Richard, mukhang nadudumi yata.

Noon pa man, alam ni Dave na butihing tao si Mang Louie. Napakabait. Wala nga yatang salita ang makakapag-describe sa kabaitan ng taong ito. Pala-kaibigan ito, at laging nagmamalasakit sa kanyang mga kapitbahay, isa na dun sila Dave. Nailigtas na nga ni Mang Louie ang kapatid nyang si Dale, noong 4 years old pa lang ito habang naglalaro sa kalye sa taas at muntikan nang masagasaan. Buti na lang at nakita ito ni Mang Louie at nailigtas ang bata. Mahilig din sa hayop si Mang Louie; marami itong alagang aso at pusa, isa na dito si Richard na isang askal.

Alam ni Dave na mabuting tao ito, kaya nilapitan nya ito.

Si kuya Louie... Humingi kaya ako ng tulong sa kanya?

Sinubukang lapitan ni Dave si Mang Louie.

"Kuya Louie, tulungan mo--" Hindi pa natatapos ni Dave ang kanyang salita nang napatigil sya sa paglapit kay Mang Louie nang tumingin ito sa kanya mula sa pagkakayuko nito. Laking gulat ni Dave nang makitang kamukha rin ni May si Mang Louie! Napahinto rin ang asong si Richard, napaupo, at tumingin kay Dave.

Parehong nakatingin ang mag-amo sa kanya ngayon, at napaatras sya sa mga titig ng mga ito, lalo na ngayong mukha rin pala ni May ang makikita nya kay Mang Louie.

Patuloy na lumayo paatras si Dave mula sa dalawa, habang nagsisimulang magpinta sa mukha ni Mang Louie ang isang di-kaaya-ayang ngiti na lalong nagpatayo sa balahibo ni Dave. Handa na talaga syang tumakbo at lumayo dito anumang segundo.

1.. 2.. 3.. Mga ilang segundo lamang ang nakalipas, binitawan ni Mang Louie ang kadena ni Richard, na magsimulang bumuwelo at tumakbo papunta kay Dave. Agad namang kumaripas ng takbo si Dave nang makitang hinahabol sya ni Richard.

"Ha- ha- ha- ha- ha...!" Narinig ni Dave ang tawa ni Mang Louie mula sa malayo, habang sya'y tumatakbo palayo mula sa mabangis na si Richard, naglalaway at nakalabas ang mga ngipin, handa na syang sunggaban at kagatin.

Hindi tumigil sa pagtakbo si Dave mula sa aso, at binagtas ang kalye sa taas na ngayo'y ubod ng tahimik at tila walang mga tao.

Ayaw na nyang lumingon. Ang importante kay Dave ay makatakas sa mabangis na asong iyon. Pero di man sya lumingon, alam nyang mabilis ang takbo nito at di-kalaunan ay maaari sya nitong maabutan at lapain. Pero nagpatuloy pa rin sya sa pagtakbo.

EntabladoWhere stories live. Discover now