CHAPTER 31 (EDITED) - Third Incident

210K 4.2K 368
                                    

*MARION POV*

Sa wakas, uwian na. Makakauwi na ko ng maaga. Makakatulog ulit.

"Bilisan niyo na umuwi! Bilis!"

"Kanina ka pa Karissa ah!"

"Bakit ba atat na atat ka ba bulilit na pauwiin kami?"

Ano na naman ba problema nitong si Isaw? Napansin ko din na kanina pa nga niya kami gustong gusto na umuwi.

"Gagamitin ko kasi itong classroom para makapagpractice ako para sa cheerdance namin."

"Teka lang, Karissa. Ibig mo bang sabihin, hindi ka pa uuwi? Hindi ka ba makakapagpractice sa bahay niyo?"

Nakuha mo Nathan ang tamang tanong.

"Hindi kasi ako puwede magpractice ng sayaw sa bahay dahil ayokong makita ako ng Mommy ko. Basta hindi puwede."

"Sige, hintayin ka nalang namin dito hanggang sa matapos ka magpractice. Susunduin ka naman ng driver mo diba?"

Teka Nathan, bakit NAMIN? Kasama ba ko diyan?!

"Hindi eh. Nagtext na kong huwag na niya ko hinatayin kasi matatagalan pa ko."

TEKA LANG?! Ibig sabihin UUWI siyang MAG-ISA?!

"MAG-ISA KA LANG?!"

Kailangan sabay-sabay silang sumigaw?

"Oo. May problema ba doon?"

Isaw ka talaga. May malaking problema doon. Bakit hindi mo maramdaman?

"Ihahatid na kita pauwi."

"Hindi, ako na lang maghahatid sa kanya."

"Huwag na. Ako na lang maghahatid."

Sige, mag-agawan kayo diyan kung sino maghahatid sa kanya. Para naman makikisali ako diyan.

"Huwag niyo na kong ihatid. Kayang kaya ko naman sarili ko eh. Napaparanoid na naman kayo diyan."

Tigas talaga ng ulo nitong bulilit na ito. Pero hindi uubra sa akin ang tigas ng ulo niya.

"Umuwi na kayo."

"ANO?!"

Aba, sinisigawan ba ko ng mga ito?

"Marion, bakit mo naman kami pinapauwi? Paano na si Karissa?"

"Iiwan natin mag-isa dito si Karissa?"

"Sino ba kasi nagsabi na iiwan natin magisa dito si Karissa? Pinapauwi ko na kayo dahil ako na lang maiiwan mag-isa dito. Gagawin niyo lang dahilan ito para di kayo pumasok bukas."

At natahimik din ang mga loko. Akala yata nila hindi ko alam ang plano nila. Pero dahil sa may taglay na katigasan sa ulo itong bulilit na ito, sumingit na naman.

"Marion, hindi mo na rin kailangan magpaiwan. Kayang kaya ko umuwi mag-isa."

"Huwag ng matigas ang ulo mo bulilit. Responsibility ko kayo dito kaya hanggat may tao pa dito hindi pa ako puwede umalis."

"Iyan na naman yang responsibility excuses niya."

"Oo nga. Wala na ba siyang pwedeng gamitin na ibang excuse?"

"Saka Bal, kailan pa nagkaroon siya ng ganyan rule? Eh siya nga unang una umaalis ng room natin eh."

Mukhang may kambal na paglalamayan ngayon ah. Hindi ko alam kung malakas ba sila bumulong o talagang pinaparinig nila sa akin. Bago ko magawa ang paglalamay na mangyayari sa dalawa, to the rescue na naman itong si Nathan.

"O sige Pards, ikaw na muna bahala kay Karissa. Class 4-6, alis na tayo kung ayaw niyong may paglamayan tayo bukas."

Kahit sapilitan na alis, umalis pa din sila. Siguro alam na naman nila ibig sabihin ni Nathan. Makuha sila sa tingin ko.

At mukhang may isa pa kong pproblemahin, ang question mark na mukha ng bulilit na ito. Ano na naman kaya nasa isip nito?

"Ano na naman yan nasa isip mo, bulilit?"

"Iniisip ko kung bakit masyado kayong nagaalala na maiiwan ako dito."

"Sinasabi ko sayo, hindi lang basta insidente ang nangyayari sayo. Kaya nga pinagiingat ka namin."

Aba. Tinawanan lang ako ng babaeng ito. Iniisip ba niyang nagbibiro ako?

"Paranoid niyo talaga. Aksidente nga lang iyon. Saka ano bang ibig niyong sabihin na hindi lang basta aksidente iyon? Na may may nagtatangka sa -"

"Magsimula ka na magpractice para makauwi tayo agad."

Hindi ko na pinatapos ang sinabi niya. Mas ayos na rin na wala nga siyang alam sa totoong nangyayari sa kanya. Tamang kami-kami na lang nakakaalam at magbabantay sa akin.

Tsk. Bakit pakiramdam ko nagmumukha kaming body guard nitong Isaw na ito.

Matulungan na nga itong bulilit na ito itabi ang mga upuan dahil bukas pa yata kami makakauwi kung hahayaan ko siya diyan. Bakit ko ba kasi pinauwi un iba? Edi sana sila gumagawa nito. Wrong move, Marion.

Napansin kong nagsisimula na siyang sumayaw. At mukhang nakalimutan na niyang may kasama pa siya dito. At ito ako feel na feel ko naman ang pagiging audience ng bulilit na ito.

"Huwag mo nga ako titigan! Hindi ako makapagfocus dito."

Aba! Nananahimik ako dito. Ano na naman problema nitong bulilit na ito?

"Malamang ikaw lang nandito. Ikaw lang matitignan ko kahit sa ayaw ko man o sa hindi. Ano? Baka gusto mo yata ang titigan ko dito itong dingding?"

Isang malaking kasalanan ba kung iiwanan ko dito itong bulilit na ito?

"Edi matulog ka na lang diyan. Gigisingin na lang kita pag tapos na ko."

Marion, pagbigyan mo na. Sasakit lang ulo mo kung makikipagtalo ka pa sa babaeng iyan. Pero mas ok na rin iyon sinabi niya, dahil iyon naman talaga ang dapat kong ginagawa ngayon.

***********************************************************************

"Marion, gising na."

Nakatulog nga ko.

"Marion, tapos na ko magpractice. Puwede na tayong umuwi."

Teka, bakit papalapit siya sa akin?

Anong plano nitong bulilit ---

BAKIT NIYA KO HINALIKAN SA PISNGI?!

***********************************************************************

Class 4-6 - Book 1 (PUBLISHED ON POP FICTION 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon