Kabanata f(x - 34)

Start from the beginning
                                    

"Kapag tinanong tayo ng mga guardia ay isa lamang ang isasagot natin... Tayo ay pamilya ng mangangalakal mula sa Bulakan, at ngayong gabi ang ating byahe pabalik sa Bulakan" paalala pa ni Nay Delia, nakasunod din sa kanila ang dalawa pang kalesa lulan ang pamilya nila Mang Berto, Mang Isko, Mang Islao at Mang Pedro.

Napatango na lang si Felicidad at Salome. Isang oras pa bago nila marating ang bayan at siguradong mas maraming mga guardia civil ang naglipana roon. Iikot sila mula sa bayan dahil kung sa mas malapit na daan sila dadaan ay madadaanan nila ang hacienda Alfonso na kung saan naninirahan si Gobernador Filimon Alfonso, siguradong mas maraming mga guardia doon at paghihinalaan ang kanilang pakay sa lawa kung kaya't dadaan sila paikot sa bayan para marating nila ang kabilang dulo ng lawa ng luha. Kailangan nilang kumilos ng normal upang hindi sila paghinalaan. Inabot rin ni Nay Delia ang dalawang balabal kay Salome at Felicidad upang ipangtakip nila sa kanilang mukha.

"Baka sakaling makita tayo ng dalawang guardia na bantay na nagpapasok sa atin sa kulungan kagabi sa utos ni Senorita Eleanor... baka mamukhaan tayo ng dalawang guardia na iyon" patuloy pa ni Nay Delia, maging siya ay nagsuot na rin ng balalabal. Inabutan din niya ng balabal ang manugang na si Roselia na tulala at wala na sa sarili habang tahimik lamang na nakaupo sa pinakadulo ng kalesang sinasakyan nila.

Ilang sandali pa, ipinikit na ni Nay Delia ang kaniyang mga mata habang hinawi-hawi ang buhok ni Julio upang makatulog ito ng mahimbing. Ipinikit na rin ni Felicidad ang kaniyang mga mata ngunit bigla siyang nagising nang hawakan ni Salome ang kaniyang braso.

"Ate Fe... Anong ibig mong sabihin na hindi ko dapat tinanggap ang bagay na ito?" bulong ni Salome sa kaniyang ate, hindi naman agad nakapagsalita si Felicidad at muling napatingin sa rosaryong purselas na suot na ni Salome sa kaniyang kaliwang kamay.

"Kalimutan mo na lamang Lumeng... Hindi naman siguro mangyayari iyon" sagot ni Felicidad at napasandal na sa kaniyang upuan pero hindi pa rin siya tinantanan ni Salome. "Ang Alin? Anong mangyayari?" usisa pa ni Salome, bigla namang napangiti si Felicidad, isang ngiti na nagagawa niya sa tuwing kinukulit siya ng kapatid na si Salome.

"Hindi ko alam Lumeng..." sagot ni Felicidad at napatingin siya sa ulan na patuloy na bumubuhos. "Hindi ko sigurado...pero naniniwala ako na hindi naman iyon totoo" patuloy pa ni Felicidad, napatingin na lang si Salome sa buhos ng ulan. At nang muli siyang lumingon sa kaniyang ate Fe ay natutulog na ito kaya hindi na siya nag-atubiling kulitin pa ito.





"A dónde vas? ¿Quién eres tú?" (Where are you going? Who are you?) panimula ng isang guardia civil, nagsimula namang maglakad paikot ang tatlong guardia civil sa palibot ng tatlong kalesa upang tingnan ang mga gamit na naroon at mga taong lulan ng tatlong kalesang iyon.

"Buena noches----" (Good evening----) hindi natapos ni Nay Delia ang sasabihin niya dahil biglang tumawa ang limang guardia civil na nakabantay sa bukana ng daungan.

"¡Estúpido! Indios no puede distinguir la diferencia entre mañana y tarde ... ya es amanecer (Stupid! Indios cannot distinguish the difference between morning and evening... it's already dawn) tawa pa ng isang guardia civil na humihithit ng tabako kung kaya't hindi na makahinga ng maayos si Felicidad.

Agad namang tinapik ni Nay Delia ang balikat ni Mang Berto na siyang kutsero ng kalesang sinasakyan nila. Sasalubungin na sana ni Mang Pedro ng suntok ang guardia civil na iyon, buti na lamang dahil napigilan siya ni Nay Delia. Mabuti na lang din dahil abala sa pagtatawanan ang mga guardia civil kung kaya't hindi nila napansin ang palabang itsura ni Mang Berto.

"Lo siento ... Buenos días Señor, estamos en nuestro camino de regreso a nuestra ciudad natal, en Bulakan" (I'm sorry... Good Morning Sir, we are on our way back to our hometown, in Bulakan) muling wika ni Nay Delia, patuloy pa rin sa pagtatawanan ang mga guardia at kung ano-ano pa ang mga pinagsasabnito na puro pangungutya, mabuti na lamang dahil si Nay Delia lang ang nakakaintindi sa pinagsasabi nila.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Where stories live. Discover now