Kabanata f(x - 34)

435K 13.6K 23.3K
                                    

[Kabanata 34]

Our Asymptotically Love Story

(page 243 - 266)

Ika-Labing Anim na Kabanata

Filipinas 1688

Bawat patak ng ulan na tumatama sa kalupaan ay parang isang nakabibinging ingay para kay Salome. Maging ang bawat hakbang ng kabayong kanilang sinasakyan ay parang dagundong ng puso niyang hindi na maawat sa pagkabog ngayon.

Sa huling pagkakataon ay muling tinanaw ni Salome si Fidel. Nakatayo lamang ang binata sa ilalim ng malaking puno kasabay niyon ang patuloy na pagpatak ng ulan habang unti-unting nagiging malabo ang paligid dahil sa hamog na dala ng gabi, ngunit bago tuluyang maglaho ang paningin nila sa isa't-isa... nabasa ni Salome ang huling sinabi ni Fidel mula sa labi nito...

"Te esperare por siglos... Lumeng" (I will wait for you for Centuries... Lumeng)

Hindi man niya narinig ang boses ni Fidel, Hindi niya man niya maintindihan ang sinabi nito... Hindi niya mabatid kung bakit ang mga salitang iyon ay nagdulot ng kakaibang kirot sa puso niya. Napahawak na lamang siya sa kaniyang puso, magkahalong pagkirot at pamamanghid ang kaniyang nararamdaman.

Napalingon muli si Nay Delia sa likod "Maraming Salamat Senor Fidel! Hanggang sa muli..." tugon ni Nay Delia at muli siyang kumaway kay Fidel, medyo malayo na sila sa kinaroroonan ni Fidel ngunit nakatayo pa rin doon ang binata. Animo'y tinatanaw sila hanggang sa tuluyang maglaho sa karimlan.

Napalingon na lang si Salome sa kaniyang inay, hindi na niya magawa pang pagmasdan si Senor Fidel, ipinikit na niya ang kaniyang mga mata habang nakahawak pa rin sa tapat ng kaniyang puso. Batid niyang habambuhay siyang hahabulin ng alaalang iyon.

"Tayo'y magdasal para sa paglalakbay na ito" patuloy pa ni Nay Delia sabay hawak sa kamay ni Salome at nasa kabila naman niya ang bunsong anak na si Julio. Ilalabas sana ni Felicidad ang kaniyang rosaryo ngunit naalala niyang iba ang relihiyon ng kanilang ina. Kung kaya't hinawakan na lang ni Felicidad ang kamay ng katabing si Salome pero biglang iminulat ni Felicidad ang kaniyang mga mata at napatingin sa bagay na nasa kamay ni Salome.

"Ano ito?" nagtatakang tanong ni Felicidad sabay kuha ng bagay na iyon na hawak ni Salome. "Isang purselas na rosaryo? Sinong nagbigay sa iyo nito?" usisa niya pa sabay kuha ng purselas pero agad itong inagaw ni Salome at ikinubli iyon sa kaniyang kamay.

"Saan mo nakuha ang purselas na rosaryong iyan?" patuloy pa ni Felicidad, napatigil naman si Nay Delia at Julio sa pagdarasal. Muling hinawakan ni Felicidad ang kamay ni Salome para kunin ang purselas na iyon. "Bakit mo tinanggap?!" seryoso niyang tugon sabay hawak sa magkabilang balikat ni Salome at tiningnan ito ng diretso sa mata. Sa pagkakataong iyon, biglang nakaramdam ng takot at kaba si Salome dahil mukhang hindi ikinatuwa ng ate niya ang ideyang pagtanggap sa regalo ni Senor Fidel.

"Fe!... Lumeng!... Ano ba iyan? Nasa kalagitnaan tayo ng pagdarasal----" hindi na natapos ni Nay Delia ang kaniyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Felicidad.

"Inay... tumanggap si Lumeng ng isang bagay na hindi dapat" sagot ni Felicidad, gulat namang napatingin sa kaniya si Salome at hinawakan niya ng mas mahigpit ang purselas na iyon. "Anong ibig mong sabihin Ate Fe?" naguguluhang tanong ni Salome, kitang-kita sa mga mata ni Felicidad ang labis na pag-aalala.

"Tumigil na kayong dalawa... mahaba pa ang ating magiging paglalakbay kung kaya't magpahinga na kayo" suway ni Nay Delia, magsasalita pa sana si Felicidad kaso sinuway ulit siya ng kaniyang ina. "At hindi dapat tayo lumikha ng ingay o kakaibang kilos na makapagdudulot ng pagdududa sa mga guardia civil sa bayan" bilin pa ni Nay Delia sabay akap kay Julio para makatulog na ito.

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon