Love and Pain... Chapter 56

Magsimula sa umpisa
                                    

 

FLASHBACK

 

From: Clarice

-Hey Ian, pwede ba tayo magmeet? Saglit lang. :D

 

2 days after naming magkita, biglang nagtext si Clarice. Hindi ko alam kung bakit pero dahil wala naman akong gagawin, pumayag na din akong makipagkita sa kanya.

To: Clarice

-Sige sige, anong oras ba? At saan? :)

 

After a minute nagreply din naman siya agad.

From: Clarice

-Starbucks na lang sa Sm San Lazaro, nandito na ko actually, hintayin na lang kita, nandito lang ako sa labas. Ingat ka. :)

 

Nung malaman kong nandun na pala siya, agad akong naligo, nagbihis, at nagayos.

Nagmadali ako para naman hindi siya maghintay ng matagal. Hindi ko na nga din natext si Andrea na aalis ako at makikipagkita kay Clarice sa pagmamadali ko.

Almost an hour mula nung huling text ni Clarice saka lang ako nakarating ng SM.

Ang traffic kasi kaya naman medyo na-late pa ako.

Malayo pa lang ay natanaw ko na agad si Clarice. Iilan lang kasi ang tao sa labas ng Starbucks ngayon, kasi naman 1pm ang init init, pero siya aun, nandun sa labas, para lang makapagyosi. Adik din tong babaeng to eh.

Nung malapit na ko sa kanya ay tinawag ko siya. “Clarice!” Sumigaw ako pero hindi niya ko pinansin! Tsk.

Saka ko narealize na nakaheadset pala siya, ka naman kahit anong sigaw ko at hindi niya ko maririnig, isa pa ay may sinusulat siya, kaya nakayuko lang siya.

Paglapit ko sa kanya, ay agad niyang tinakpan yung ginagawa niya at tinanggal yung headset na nakasalpak sa tenga niya.

“Uy sorry natagalan ako, kasi traffic diyan sa may Lacson.” Bungad ko sa kanya.

“Adik ka, okay lang! Anong gusto mo orderan na kita.” :) Lagi tong ganito, gusto niya siya lagi ang bibili ng food. Psh.

“Wag na ako na. :)”

 

“Hindi ako na, sige na minsan lang naman to. Pumayag ka na. :)” At dahil madali naman akong kausap pumayag na ko.

“Okay fine, sige sige. Isang strawberries and cream grande. :)”

 

“Okay.” Agad siyang tumayo at pumasok sa loob para magorder. At pagkalipas ng ilang minuto ay nakabalik na din siya agad. Sabay abot sa kin ng order ko.

“Thanks.”

“Your welcome.” Sagot naman niya sa kin.

Pagupo niya, may inabot siya sa aking letter. Hindi ko alam kung para kanino pero pag check ko ng envelope, alam ko na agad kung para kanino to.

“Pauwi na ko mamaya Ian. At mukang matatagalan bago ako bumalik. Ang daming nangyari sa kin this past few weeks. Sobrang gulong gulo na ko. Konting konti na lang mababaliw na ako.Nakikinig lang ako sa kwento niya, habang iniisip ko kung ano ba talaga ang dahilan bakit kami nagkita.

“Alam mo minsan naisip ko, kung bakit ganun kaliit yung mundo nating dalawa. Kung bakit yung minahal ko, mahal mo, yung gusto ko, mahal ka. Ang weird nu? Parang nakakaloko lang yung tadhana.”

 

“Alam mo, ang swerte mo nga, kasi ikaw yung mahal ni Shayne. At ngayon, pakiramdam ko, hindi naman talaga ako ang gusto ni Andrea, kundi ikaw.” Natigilan siya sa sinabi ko. Nabigla? Ewan ko, hindi ko alam.

Kilalang kilala ko na si Andrea, kaya kahit siguro hindi siya magsalita, alam ko na. She’s always saying she love me, pero alam kong iba pa din ang gusto niya. She never smiled at me like the way she smiled on Clarice.

Mga simpleng bagay, pero eto nasasaktan na naman ako.

“Wag kang magisip ng ganyan Ian. Kahit naman hindi kita kilala dati, masasabi kong mahal na mahal ka ni Andrea, base sa mga kwento niya. Simula pa lang, alam kong ikaw lang ang babaeng minahal niya. At alam mo bang nabuo niya yung 6 months rule niya dahil sayo? I was speechless for the moment. Ni hindi ko alam na may ganung rule pala siya. Maybe I was blinded before, kaya hindi ko nakita yung mga ganung bagay kay Andrea.

Parehas kaming natahimik sa sinabi niya. Parang ang awkward tuloy bigla. Hay.

“Ian, pakibigay na lang to kay Andrea, please? Yang letter na yan, nakalagay kung ano talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko ng pakawalan yung nararamdaman ko na yun. Kaya ayan sinulat ko.” Tahimik lang akong nakikinig kay Clarice. Minsan naisip ko. Kelangan ba ako na lang lagi yung tulay? Pero dahil naiintindihan ko siya, okay lang kahit na nasasaktan na ako.

“Nasa sayo na kung ibibigay mo yan sa kanya. Kung sa tingin mo, hindi na niya dapat pang mabasa pa yan, itapon mo na lang.” Dagdag pa niya. Hay.

“Ibibigay ko to wag kang magalala. Kahit na baka pag nabasa niya ito, feeling ko marerealize niyang ikaw ang mahal niya at hindi ako.” Pinipigilan kong umiyak, pero hindi ko nagawa. Eto, tumulo pa din yung luha ko.

Walang nasabi si Clarice, pero niyakap niya lang ako. Gustuhin kong mainis o magalit man lang sa kanya, ay hindi ko magawa. Dahil nakikita kong wala siyang kasalanan, at biktima lang din siya ng tadhana tulad ng karamihan.

End of FLASHBACK

Ilang araw din akong nagisip-isip bago ako nagdecide ibigay yung letter. Nagmamahal ako kaya normal lang sa kin ang matakot.  Pero naisip ko, walang mangyayari kung puro takot lang. Paano ko malalaman ang totoo kung  matatakot ako.

 

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon