Chapter 20

52 1 0
                                    

CHAPTER 20

Kain tayo. Gutom na ko eh. aya sakin ni Russell.

Tumango lang ako at sumunod sa kanya.

Ui teka, bat naman dito pa tayo kakain eh wala ako masyadong dalang pera. Binulong ko sa kanya.

Don’t worry akong bahala. Nakangiti nyang sabi sakin.

Sumunod lang ako sa kanya tapos umupo na kami sa may bandang gitna ng restaurant.

Ano order mo?? Tanong nya sakin.

Ikaw nalang bahala, kung ano yung sayo ganun nalang din sakin. Nahihiyang sabi ko sa kanya.

Umorder na sya at inabot sa waiter ang menu.

Anong okasyon bat ililibre mo ko?? Tanong ko sa kanya.

Wala naman. Gusto lang kita kasama. Tska alam ko naman kailangan mo ng kausap. Seryosong sagot nya sakin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kaya hindi nalang ako nagsalita..

Hanggang sa dumating yung order naming eh hindi kami nagsasalita.

Masarap ba? Tanong nya sakin.

Hm.. oo galing mo nga pumili eh. nakangitig sagot ko sa kanya.

sana palagi kang ganyan, nakangiti hindi yung lagi kang nakasimangot. Tumingin sya sakin.

Napatingin din ako sa kanya, pero iniba ko din kagad ang tingin ko.

Iba kasi yung dating sakin eh.

Pagkatapos naming kumain naglibot libot kami..

Pumasok sa loob ng mall tapos umikot..

Gumaan ba yung pakiramdam mo?  Seryosong tanong nya sakin habang naglalakad kami.

Oo, galing mo magpagaan ng loob eh.. parang si Ken dati. Sagot ko naman sa kanya..

Nang makakita kami ng mga upuan eh umupo kami.

Mahal mo talaga no?? seryosong tanong nya sakin.

oo.. sobra.. wala eh tanga. Seryosong sagot ko naman sa kanya.

Kung alam lang nya kung gano ka nasasaktan eh.. umiling iling sya.

Hindi naman nya kailangang malaman.. tsaka wala naman akong balak ipaalam sa kanya. Nakasimangot na sagot ko sa kanya..

Hindi ka ba napapagod?? Kasi lagi ka nalang nasasaktan ng dahil sa Ken nay un eh. Puta! Nakakainis.. naiiritang sabi nya sakin.

Ano bang sinasabi mo dyan?? Baliw ka ba?? Sabi ko sa kanya.

Tsk. Tara na nga.. tumayo sya at naglakad palayo.

Tumayo nadin ako at sinundan ko sya..

Tuloy tuloy lang sya maglakad hanggang sa dumeretso sya sa parking at sa kotse nya..

Pumasok sya sa loob.. pumasok narin ako..

Russ, ano bang problema mo?? Bat ka ganyan. Tanong ko sa kanya..

Anong problema ko?? Ikaw! Hindi ko kasi maintindihan sayo kung bakit mo iniiyakan yung lalaking yun eh.. naiinis ako kapag umiiyak ka tapos sya yung dahilan.. naiinis ako kasi dahil sa kanya hindi ka na sumasaya! Araw araw.. araw araw ka nalang umiiyak, at tsaka hindi makausap ng matino.. akala ko ba magbest friend kayo nung Ken nay un, e bakit ni hindi ka man lang magawang lapitan, kausapin. Mas inuuna nya pa yung career nya kesa sayo!!  Galit na sabi nya sakin..

Tumulo ang luha ko.. dahil totoo lahat ng sinabi nya.. dahil kay Ken kaya ako nagkakaganito..

Pinipilit kong pasiyahin ka.. pero wala eh, sya parin talaga.. hindi mo ba kayang buksan yung puso mo para sa ibang tao??? Ayoko na kasing nakikita kang umiiyak.. Dana, nasasaktan din ako pag nagkakaganyan ka.. dagdag nya pa.

Tumingin sya sakin..

Dana mahal kita.. hindi ba pwedeng ako nalang?? Ako naman na yung laging nandito para sayo eh.. sakin, di ka iiyak ng ganyan..  nakatingin padin sya sakin, at hinawakan ang kamay ko..

Russell… im sorry… kung kaya ko lang na kalimutan sya ginawa ko na.. sino bang may gusto na ganito ako.. diba wala?? Ayoko nadin naman ng ganito eh.. pagod na ko.. pero hindi ko talaga magawang kalimutan si Ken… kung pwede nga lang ilipat sayo tong nararamdaman ko eh! pero ayokong lokohin ang sarili ko… lalong lalo ka na.. umiiyak kong sabi sa kanya.

Umiyak ako ng umiyak..

Alam ko naman Dana eh.. kaya nga kahit masakit sakin.. tinatanggap ko nalang na maging magkaibigan nalang tayo.. niyakap nya ko..

I’m sorry sa mga nasabi ko.. hindi ko sinasadya. Sabi nya sakin habang yakap yakap nya ko..

Pinunasan ko ang mga luha ko..

I’m sorry Russell.. sabi ko sa kanya..

Ok lang.. wag mo na kong intindihin.. tanggap ko naman.. pero sana wag mo kong pagbawalan na maging ganito parin sayo.

Hatid na kita sa inyo.

Tumango ako…

Kung pwede ko nga lang dayain ang sarili ko na si Russell nalang ang mahalin ko eh.. pero hindi ko kaya.. ayokong makapanakit ng ibang tao…

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now