Chapter 28: The Groom

Magsimula sa umpisa
                                    

Kaya kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado. Pero malapit na akong bumigay. Baka tululo na ang mga luha ko. Iniisip ko pa lang na hindi matutuloy ang kasal naming ni Russell naninikip ang dibdib ko. Ang gusto kong magrebelde tuwing naiisip ko si Camille at sa posibleng pagpapaksaal nila ni Russell.

Naalala ko naman ang mga salitang binitawan ni Russell dati. He was confident that Ralph won't show up. Ayon sa kanya masaya na daw ito kung nasaan man siya. Rebelde ito. Mas gugustuhing mamuhay ng simple lang kesa maging sunod sunuran sa gusto ng mga magulang nila. Now, what's the reason for the return?

I can see Ralph in my pheriperal view, watching me intently. At nagsimula ulit akong mailing. Napapadalas kasi ang tingin niya sa side ko. Parang may tinititigan siya sa akin na hindi ko malaman. And when I caught him doing that, he would just smile. Hindi siya nag attempt ng conversation between me and him not even once. Alam ko tutol din siya sa kasal pero gaya ko wala rin siyang magagawa.

Hindi ko sila maiwasang ikumpara ni Russell. Pareho silang maputi. Matangkad. Mas singkit lang ang mga mata ni Ralph. Si Russell kasi medyo pahaba ang mga mata nito. Magkasing built sila ng katawan. Magkasing tangkad din. Pero mukhang magkaiba ang personality ng dalawa. Mas seryoso lang itong isang ito. Yung tipong hindi mo magagawang biruin basta basta. Mukhang hindi approchable. Si Russell kasi medyo suplado lang tingnan, pero siya pero approachable naman kahit papano. Pareho silang malakas ang appeal. Parehong gwapo. Ano pa ba ang hahanapin ko? Anyone could the best groom for me.

But everything's changed when I met Russell. Napamahal ako siya sa akin sa loob ng maikling panahon. Kaya siguro nahihirapan ako ngayon na tanggapin na sa iba ako ikakasal. Nung una kong malaman na ikakasal na ako, at hindi ko alam na si Russell ang groom, madali kong natanggap ito kasi wala na kami ni Vince. Sa tingin ko it's the best way to forget him. Pero iba ang sitwasyon ngayon, my mindset was to marry Russell, he's someone I love. At ngayon ikakasal ako sa iba? Hindi ko yata kayang isipin ang ganun.

Taas kilang kong tinitigan si sandok na panay ang papansin kay Russell. Panay ang lagay sa pinggan ni Russell ng kung ano ano. Is she stupid? Can't she see his plate filled with food is still untouched. Bwisit na'to. Panay pa ang hawak dun sa braso ni Russell, nakakairita. Si Russell naman parang wala sa sarili kaya hindi siguro nito napapansin ang mga pinaggagawa ni sandok. Hindi ko matagalan ang eksena . Ang sarap lang saksakin ng tinidor 'tong babaeng 'to.

"Haley, gusto ko sana dalasan mo ang pagdalaw dito. Gusto naming maging palagay kayo ni Ralph sa isa't isa bago man lang kayo ikasal." nakangiting sabi ni Tita Cecille.

Gusto nila kaming bigyan ng chance na magkakilala. Ngayon lang ba nila narealize na ganun naman talaga? Na dapat magkakilala muna ang lubos ang dalawang tao bago ikasal. At sa tingin nila sapat yung isang lingo para makilala naming ng lubos ang isa't isa?

Gusto rin nila na si Ralph ang susundo sa akin sa school pag uwian. No comment. Susunduin pa niya ako, eh ang lapit ng condo ko sa school. Ngumiti lang ako.

Napaisip ako. Wala silang kaalam alam nakatira na si Russell sa condo ko ngayon. Pa'no kung biglang sumulpot sa condo ko si Ralph para dumalaw? Anong gagawin ko? Ayokong umalis sa condo si Russell. Kailangan makaisip agad ako ng paraan.

Russell insisted to take me home. Hindi naman na nagpumilit si Tita Cecille na ihatid ako ni Ralph. Malamang may pag uusapan pa ang mga ito kaya hindi na sila nakipagtalo pa kay Russell. At ang makapal na mukha na si sandok gustong sumama. Para masiguro na babalik si Russell. At natuwa naman ako kay Russell. Isang simpleng "no need" ang sinabi nito at tiningnan niya ng masama si sandok. Buti nga sa kanya.

Wala kaming imikan ni Russell sa byahe. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng unit. Umupo ako sa sofa at tumabi siya. Wala pa rin gustong magsalita.

"Akala ko di na siya babalik?" ako ang unang nakapagsalita.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon