Epilogue

196K 3.8K 497
                                    

Maico


Marami nang tao sa art exhibit pagkarating namin ni Jacky at JM. It's my birthday pero pinagbigyan ko ang gusto ni Jacky na dito kami magpunta. Ilang buwan niya rin daw kasing hinintay 'to. Ayoko naman siyang i-disappoint kaya heto kami ngayon, titingin ng mga paintings na hindi ko naman maintindihan at mukhang pare-pareho lang naman.

"Tara, dito ang simula ng exhibit," ani Jacky.

Nilagyan ko ng sigla ang ngiti ko saka sumunod sa kanya habang hawak sa isang kamay si JM.

Our Love Story. 'Yan ang nakalagay na title ng exhibit na 'to sponsored by Mrs. Martinez. Kaya naman pala may free kami na tickets papunta rito. Paborito kasi ni Mrs. Martinez si Jacky.

Kumapit sa braso ko si Jacky saka ngumiti. "Ito 'yung project na sinasabi ko sa'yo. 'Yung pinagkaka-abalahan ko nang mga nakaraang buwan."

Napatingin ako kay Jacky at biglang na-excite. So, ito pala 'yung dahilan kaya laging nandun si Jacky sa apartment na 'yun. Hindi na tuloy ako makapaghintay na makita ang lahat.

Pagkalapit namin sa isang painting, pumwesto agad si Jacky sa gilid nun. "This is the first part of the story," aniya. Tinignan ko ang naroon at hindi napigilang mapangiti. 'Yung nasa painting, nakakapit 'yung babae sa mga braso ng lalaki na mukhang itinatayo siya sa pagkakadapa. May caption din 'yun sa ilalim kung anong year nangyari ang nasa painting.

"Papa, ikaw 'yan di ba?" turo ni JM sa painting.

"Yes, JM. That's Papa. And that woman over there, is Mama," sabi ko. Naalala ko ang mga panahong 'yun, noong una kaming nagkakilala. Nadapa siya sa harap ko kaya tinulungan ko siyang makatayo.

Pinuntahan namin ang mga sumunod na paintings. Wala akong mapaglagyan ng saya na nararamdaman ko. Bawat parte ng buhay namin ni Jacky naroon. "You painted all these?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin saka sumagot. "Yeah, happy birthday!"

Pakiramdam ko ay bumalik ako sa nakaraan habang iniisa-isa ang mga paintings. Naroon 'yung nahulog sa pool si Jacky at iniligtas ko siya. Pati 'yung pagsayaw ko sa kanya para pasayahin siya. Hindi ko napigilang matawa nang makita yun. Naroon din 'yung nag-propose ako sa kanya sa resort. Ang unang engagement namin.

Nakarating kami sa panahon na pumunta sa States si Jacky. Mararamdaman mo ang kalungkutan sa lahat ng paintings doon. Halos lahat ako ang nakapinta. Meron namang mga magkasama kami pero ramdam mo 'yung lungkot sa pagkakagawa. Para bang ipinapakita nun na sa ala-ala na lang ang lahat.

Then there's the time when she came back. Naroon si JM sa tabi niya habang pilit na niyayakap siya. Napatingin ako kay Jacky na umirap naman bigla. "Ayan 'yung sinadya mong pagkikita natin," aniya. Umakbay ako sa kanya saka bumulong. "Nagustuhan mo naman," sabi ko. Hinampas niya ako bigla saka dinala sa mga kasunod.

Naroon 'yung pagpunta naming tatlo sa Bohol at yung proposal ko sa kanya. Nang mapatapat kami sa painting kung saan ikinasal kami, nakita namin sina Lana at Jace kasama ang tatlo nilang anak.

"Congrats dito, Jacky!" ani Lana. "Sabi ko sa'yo dapat i-pursue mo ang talent mong 'to e."

"Hay naku, ngayon lang 'to. Para lang sa birthday ni Maico," ani Jacky na lalong ikinataba ng puso ko.

Nagulat naman ako nang bumitaw sa akin si JM at lumapit kay Janna, anak nina Lana at Jace. Nagkakilala na ang dalawang bata nang isang beses at naging bukambibig na ni JM ang batang babae.

"Hi, Janna!"

Ngumiti si Janna. "Hello," aniya.

Tumingin si JM sa painting saka itinuro 'yun kay Janna. "One day, papakasal din tayo nang ganyan tulad ni Mama at Papa."

Sabay-sabay kaming napatingin dahil sa sinabing 'yun ni JM. Hindi pa namin napigilang lahat na matawa. "Ikaw talaga, JM. Kung anu-anong sinasabi mo d'yan," ani Jacky.

"I'm serious." Ngumuso pa ang bata saka tumingin sa katabi. Si Janna naman, kunot lang ang noo na nakatingin kay JM na parang iniisip na may sapi ang huli.

"Okay, sige. Seryoso ka na anak. Tara na't tignan na nating ang iba pang painting ni Mama," sabi ko saka kinuha ang kamay ng bata.

Sumabay na sa amin sa pagtingin ang mag-anak. Nang makarating kami sa isang painting, hindi ko napigilang matulala. Ang caption sa ibaba, 'Five months from now'. Ang nasa painting, nakatayo si Jacky habang nakaluhod ako sa harap niya. Nakatapat ang tenga ko sa tiyan niya na ngayon ay malaki na. Mabilis na lumingon ako kay Jacky. Ngumiti lang siya sa akin saka humawak sa tiyan niya.

Alam kong may sinasabi sina Lana at Jace pero hindi ko 'yun maintindihan. Sobrang bilis nang kabog ng dibdib ko kaya lumipat agad ako sa pinakahuling painting. Alam kong mukha akong tanga na naiiyak pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naroon, ang painting ng pamilya namin. Ako, si Jacky na may bitbit na sanggol at si JM sa sa gitna namin. Ang caption nun, 'Seven months from now'.

Lumapit agad ako kay Jacky at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

"Totoo ba 'to? Hindi mo ba ako jino-joke lang?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya. "Last week ko lang nalaman. Idinagdag ko pa ang painting na 'yun." Itinuro niya ang painting na pangalawa sa huli. "Saka binago ko 'tong huli," aniya, itinuro naman ang nasa harap naming painting.

"God, you've made this day my happiest birthday! I love you so much, beauty!" sabi ko.

Ngumiti siya saka humalik sa mga labi ko.

"I love you more, beast."


The End.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon