Chapter Twenty Nine

151K 2.6K 151
                                    

"I won't be back," sabi ko kay Jace bago umalis ng opisina. "After kong kausapin si Mrs. Martinez may pupuntahan ako."

Tumingin si Jace mula sa pagsubo ng pagkain niyang dala ni Lana. "Okay," aniya habang ngumunguya. "Bye." Winasiwas niya pa ang kaliwang kamay niya para lumabas na ako ng opisina niya.

"Tss..." tinignan ko silang dalawa ni Lana saka umiling. "Bawal maglampungan dito ha?" Tumalikod na ako para umalis pero bago ako makalabas nang tuluyan, narinig ko pang nagsalita si Jace.

"'Wag ka nang mainggit! Puntahan mo na lang 'yung asawa mo!"

Tumawa ako nang malakas bago makalayo. 'Yung siguradong maririnig pa nila. Mga siraulo talaga.

Kinuha ko muna ang gamit ko sa table ko saka umalis. Papunta muna ako sa kung saan mang makakainan bago pumunta kay Mrs. Martinez. Tutal, alas dos pa naman ang appointment ko sa kanya so may dalawang oras pa.

Tumigil ako sa isang restaurant na nadaanan ko. Gusto ko sana sa isang fast food resto na lang kumain ang kaso, sobrang dami ng tao sa mga 'yun. Maganda ang ambiance ng napasukan kong resto. Korean restaurant siya base sa mga nakikita ko sa loob.

Naalala ko tuloy noong 2nd month anniversary namin ni Maico. Sa isang Chinese restaurant naman kami kumain nun. Normally, hindi ako kumakain ng mga ganoong pagkain pero nang matikman ko, nagustuhan ko naman 'yun lahat. Lalo pa't kasama ko si Maico na sinusubuan pa ako paminsan-minsan.

That night turned out way better than I've expected. Ang akala ko tahimik lang kaming kakain ni Maico. O di kaya naman, mauuwi kami sa malalang pagtatalo. Hindi na nabanggit ang naging pag-uusap namin sa cellphone nang gabing 'yun. Nag-uusap na kami na para bang hindi ko sinabi ang mga salitang 'yun. Umaakto si Maico na para bang wala siyang narinig na ganung mga salita.

Sobrang pinagsisihan ko talaga ang sinabi ko. Though hindi ko naman talaga intensyon na saktan si Maico nang sabihin kong dalawang buwan na akong 'nagtityaga' sa kanya, I still felt guilty lalo na nang makita ko 'yung sakit sa mga mata niya nang itinigil niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan.

I've been sweeter since then. Para kasing kailangan kong ipakita sa kanya na mahal ko talaga siya. I don't know why, pero nararamdaman kong pinagdududahan niya ang bagay na 'yun. Na iniisip niyang hindi ko na siya mahal dahil sa nakalipas na apat na taon.

Dumeretso na ako sa opisina ni Mrs. Martinez matapos kumain. Forty minutes pa bago ang nakatakda naming meeting pero dahil wala naman daw siyang kakausapin ay pinapasok niya na agad ako.

"So, kamusta ang project natin?" excited na tanong niya.

"Okay naman Mrs. Martinez, nasa kalagitnaan na ako ng plano."

"That's nice, meron pa naman tayong ilang buwan para mag-prepara. May sample ka ba d'yan?"

Tumango ako saka inilabas ang cellphone ko. Kinunan ko ng picture ang dalawang paintings na ginawa ko para maging sample. Inilagay ko sa screen ang unang picture saka ipinakita kay Mrs. Martinez.

"Who's this?" nakangiting tanong niya. Mukha namang nagutuhan niya ang painting sa paraan ng pagngiti niya.

"That's our son," sabi ko. Ang ipinakita ko sa kanya ay ang painting ni JM habang nakatalikod at naglalaro.

"Oh, I didn't know you have a son," aniya.

Ngumiti ako. "Actually, that's Maico's son."

Tila nag-isip siya sandali. "Right! Yeah, I remember now. Nabanggit mo na nga pala sa akin. Naku, nag-uulyanin na talaga ako."

Tumawa ako nang bahagya saka kinuha ulit ang cellphone. Ipinakita ko naman sa kanya ang painting ng kasal namin ni Maico. Nakaharap ako sa unahan habang si Maico naman, nakatingin sa akin habang nakangiti.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon