Chapter Eighteen

193K 3.2K 267
                                    

"So, kailan ang kasal?" masiglang tanong ni Mica.

"I d-don't know. Actually, hindi pa alam ni Maico."

Kumunot bigla ang noo ni Mica. Halatang hindi niya maintindihan kung anong ibig kong sabihin.

"Uhm, hindi ko pa nasasabi sa kanya na siya ang pinili ko?" medyo alangang sabi ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang sitwasyon.

Tumango na lang siya pero kunot pa rin ang noo. Magsasalita pa sana ako nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko mula sa kwarto.

"Wait lang Mica ha, sasagutin ko lang 'yung tawag."

Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at hinanap kung saan ko inilagay ang cellphone. Natagpuan ko 'yun sa mesa sa may tabi ng cabinet at malapit nang malaglag dahil sa pagba-vibrate nun. Halos patakbo na akong lumapit dun at kinuha agad ang cellphone. Pagkakita ko sa caller ID ay nanlaki bigla ang mga mata ko at walang anu-anong sinagot ang tawag.

"Maico?"

"Jacky," walang ganang sabi niya. "I'm sorry I wasn't able to answer your call earlier. Nasa seminar kasi ako. Bakit ka napatawag? May problema ba sa opisina?" tuloy-tuloy na sabi niya.

"W-wala naman. Gusto lang sana kitang maka-usap. May sasabih—"

"Ah, ganun ba?" Putol niya sa sinasabi ko. "Makakapaghintay naman siguro 'yan hanggang sa makabalik ako 'di ba? Sa Lunes pa ng hapon ang flight ko pabalik d'yan."

"Nasaan ka ba, beast?" hindi ko napigilang itanong.

Natigilan siya bigla. Parang nag-alangan pa siya kung sasagutin ang tanong ko, pero sa huli, sinagot niya rin naman 'yun.

"I'm in Singapore. Three-day seminar," simpleng sagot niya.

"Okay. Take care," sabi ko.

Hindi siya nagsalita pero alam kong nasa linya pa rin siya dahil hindi pa naman nagb-busy line. Naghintay pa rin akong magsalita ulit siya para magpaalam o kung ano mang sasabihin niya pa. Ilang sandali rin 'yung katahimikan hanggang sa binasag niya na rin 'yun.

"I-I have to go," aniya. "Take care too... beauty. I love you..." Sobrang hina na nung huling sinabi niya pero rinig na rinig ko 'yun. Napangiti na lang ako at hindi pa rin inaalis sa tenga ko ang cellphone kahit alam kong wala na siya sa kabilang linya.

"I love you too..."

~*~

Lunes na at medyo na -late ako nang pasok. "Uhm, Miss Jacky... may naghihintay po sa inyo sa loob," sabi ng sekretarya ko.

"Sino?" tanong ko.

"Mother-in-law niyo raw po?"

Hindi pa man ako nakakasagot ay lumabas na ang tinutukoy niya mula sa opisina ko.

"So, narito na pala ang malanding manugang kong hilaw."

Kunot noong napatingin ako sa kanya. Ang Mama ni Anthony. Alam kong palengkera siya pero hindi ko inaasahang pupunta pa siya rito para lang pagsalitaan ako ng ganito.

"Tita, ayoko ng gulo okay? Cancelled na ang engagement namin ng anak niyo. We're both moving on with our lives. Might as well you do to."

Naglakad na ako at papasok na sana sa opisina ko nang pigilan niya ako sa braso.

"Hindi pa tayo tapos mag-usap. Wala ka talagang galang na babae ka."

Gusto ko siyang sungalngalin at sabihan na hindi naman siya kagalang-galang pero pinigilan ko ang sarili ko. Kahit kailan naman ay hindi naging maganda ang pakikitungo niya sa akin. Pinakikisamahan ko lang siya nang dahil kay Anthony. Pero ngayong wala na kami, wala na ring dahilan para makisama ako sa impaktang nanay niya na 'to. Magsama silang dalawa sa impyerno.

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon