Chapter 15: Learn To Say SORRY...

24 1 0
                                        

Chapter 15: Learn To Say SORRY…

Giovanni Timoteo Gallego

“Where are you, honey? Please come to my office now. She’s here.”

Iyon ang text message ko kay Yumi. Alam kong wala siyang klase ngayon dahil mamayang alas-dos pa ng hapon ang next class niya at eleven-thirty pa lang ngayon.

Pinapupunta ko siya dito sa opisina ko para makausap na niya si Maureen at makapag-sorry na rin. Mabuti na lamang at nakita ko si Maureen kanina at nasabihan na may kakausap sa kanya.

“Sir, sino po ba ang hinihintay natin?” tanong ni Maureen. Mukhang naiinip na.

“Ahm, si Ms. Reyes. Kinausap ko na siya at sabi niya ay alam niyang may mali siyang nagawa kaya hihingi siya ng sorry sa’yo.”

“Hindi niyo na dapat ginawa pa iyon, sir. May mali din naman po ako, eh. Hindi dapat ako hu—“

“There's nothing to worry about, Maureen. She knows it’s her fault.”

Pareho kaming napatingin sa babaeng naglalakad patungo sa direksyon namin. Nandito kami sa may hallway para hintayin ang pagdating niya. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa paraan ng paglalakad niya. She walks so gracefully and full of confidence. Para siyang model ng isang sikat na brand ng damit.

Simple lang din ang suot niyang damit pero bagay na bagay sa kanya.  She wore a plain white sleeveless blouse and black maong pants. Hindi siya naka-killer heels ngayon pero hindi rin siya naka-flat shoes. Black wedges ang suot niya para sa mapuputi niyang mga paa. Simple lang pero elegente kung titingnan dahil sa husay ng pagdadala niya ng damit.

Ngumiti siya kaya hindi ko napigilan ang suklian ang ngiti niya.

At ma-in love pa lalo.

“Good morning, sir Vanni,” she greeted.

Sir Vanni o sir Van ang tawag niya sa’kin kapag nasa campus kami. Iyon din kasi ang tawag sa’kin ng mga estudyante at ng mga co-teachers ko.

“Good morning din, Ms. Reyes.” Nginitian ko siya just to assure her that I’m with her. Nakikita ko kasing ninenerbyos siya. Who would have thought na ang isang Joanna Mharee Mayumi Reyes ay marunong din palang kabahan? “Sa loob na tayo mag-usap.”

Bago kami makapasok sa opisina ko, I mouthed her these words, “You can do it.”

Alam kong hindi siya sanay sa mga ganito. ‘Yung pag-amin at pag-ako ng kasalanan? Nako, those words aren’t in her vocabulary.  Kaya naman natutuwa ako na she’s trying hard to change. Para rin naman sa kanya ‘yun, eh. Mahal ko siya at gusto ko siyang mapabuti.

Joanna Mharee Mayumi Reyes

“So how are you feeling?” tanong agad ni Tom nung pagkaalis ni Maureen.

“Alam mo ‘yun? Nakakagaan ng feeling. Buti na lang pala hindi siya galit sa’kin.”

Sa wakas ay nakahingi na rin ako ng sorry kay Maureen. Na-guilty talaga ako nung ma-realize kong ako talaga ‘yung may mali. Pero mas gumaan ‘yung pakiramdam ko nang tanggapin niya ‘yung sorry ko.

“I’m proud of you.”

“Bakit naman?”

“Kasi alam kong sincere ka sa paghingi ng sorry.”

Napangiti naman ako sa sinabi niya “Nung una, natatakot talaga akong aminin sa sarili ko na ako ‘yung mali. Syempre, nasanay ako na ako lagi ‘yung pinakikinggan, ‘yung tama. It’s my first time to say sorry to someone.”

After All [Slow-update]Where stories live. Discover now