Chapter 10

6.4K 129 20
                                    

CHAPTER TEN
“MOM. DAD. Let me do this operation first. Gusto kong matiyak na ligtas siya bago ko lisanin ang lugar na ito,” pagsusumamo ni Aliyah sa kanyang mga magulang.
Nais na ng mga ito na iuwi na siya matapos siyang marescue ng mga sundalo. Nadakip ang ina ni Dane at may tama sa kanang bahagi ng likod si Dane at nanganganib ang buhay nito dahil marami-rami nang dugo ang nawala sa katawan nito. Kailangan ring tanggalin ang bala sa katawan nito.
Tumingin lang sa kanya ang kanyang ama. Kapagkuwa’y nilapitan siya nito at kinabig payakap. Doo’y hindi na niya napigilan ang kanyang sarili mapaiyak.
“Mahal mo siya?” tanong ng Daddy niya sa kanya habang inahapuhap nito ang likod niya.
“Dad, kailangan pa bang itanong ‘yan? Iiyak ba ‘yang anak mo kung hindi?” singit ng Mommy niya.
“Okay. Let me help you to do the operation,” anang Daddy niya.
“Talaga?” aniyang hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang ama.
“Hmmm… He will be soon my son-in-law, right? So I need to save him too,” anitong kinindatan pa siya.
Tuloy hindi niya maiwasang matawa sa ginawa ng ama niya.
“So let’s do it!” yakag nito sa kanya.
Agad na ipinahanda niya ang mga gamit sa operating room para maoperahan na si Dane. Nagpresenta rin si Dr. Jocil na tumulong na rin.
Ilang sandali pa ay sinimulan na nilang gawin ang operasyon. Siya ang nanguna sa paggawa niyon. Tagaktak ang pawis niya sa paggawa niyon at laging nakaantabay naman ang nurse na siyang pumupunas sa pawis niya.
Humigit-kumulang isang oras din ang itinagal ng operasyon bago niya nakuha ang bala sa likod ni Dane saka siya nakahinga ng maluwag.
“Thanks Doc and Dad for assisting me. Alam n’yo naman na ito ang pangalawa kong major operation,” aniya matapos niyang tanggalin ang kanyang mask.
“It’s okay. You did good,” ani Doc Jocil na tinapik pa siya sa kanyang kanang braso bago ito lumabas ng operating room.
“I’m proud of you. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang sumunod sa yapak ko. I know that you will be a good doctor more than me,” anang Daddy niya na mababakas talaga sa mukha nito ang katuwaan. “I’m sorry if in-underestimate kita noon. Napatunayan mo talaga sa akin na kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa.”
“Huwag na nating pag-usapan iyon Dad. Past is past. And I’m glad at naappreciate mo na ang ginawa kong ito,” aniyang nginitian ito.
Ngumiti naman ito sa kanya at kapagkuwa’y nagpaalam na sa kanya na lalabas na ito ng operating room.
Lumapit siya sa operating table kung saan nakahiga pa rin doon si Dane. Payapa ang mukha nito na hindi mo mababakasan ng kirot at sakit sa pinagdaanan nito ngayon.
Talagang natakot siya kanina na baka magkamali siya o ano ang mangyayari dito. Akala niya talaga ay mawawala na ito sa kanya noong makita niya itong walang malay at duguan na nakabulagta sa bukana ng kuweba.
Maputla na rin ito ng dumating sila sa hospital sa bayan kaya kailangan na talaga itong operahan at abunohan ng dugo. Mabuti na lang at may stock ng type ng dugo ni Dane sa bloodbank ng hospital.
Inilipat agad ng mga nurses si Dane sa ICU ng hospital at sumunod siya sa mga ito. Naikabit na ang mga aparatu na kailangan nito. Akmang lalabas na sana siya ng ICU nang bigla na lamang nangingisay si Dane.
Nagkagulo na agad ang mga nurses na nandoon samantalang siya naman ay natulala at tila hindi niya alam ang kanyang gagawin habang nakatitig siya sa nangingisay na katawan ni Dane. Kung hindi pa siya hinila ng isang nurse ay hindi pa siya matatauhan.
She took a deep breath and started to do what she needs to do to save the life of the love of her life. Napansin na lang niyang umiiyak na siya nang magsimulang mamalisbis sa kanyang pisngi ang kanyang mga luha lalo na at nag-isang linya na ang nakita niya doon sa carjack monitor.
Agad niyang hinablot ang defibrillator na nasa tabi niya and commanded the nurse to put it into 300 volts. At inilagay niya agad ito sa dibdib ng lalaking mahal.
“No Dane. Don’t do this. Don’t you ever leave me. Hindi ko pa nga sinabi sa’yo na mahal kita. Hindi pa tayo nagkatapatan. Please hold on for me. Don’t leave me,” aniya. “Hindi pa nga naging tayo magiging biyuda na ako. Ano ka ba? Please huwag kang mamatay.”
Hindi pa siya nakontento she pumped Dane’s chest using her hands. Paulit-ulit at naging salitan ang ginawa niya sa paggamit ng defibrillator at pagpump niya sa dibdib nito. Pero hindi pa rin bumalik sa pagpintig ang puso nito. There was no sign of life. Hanggang sa napagod siya at sumuko. Umiiyak na niyakap niya ang katawan ni Dane.
Hinayaan niyang dumaloy nang dumaloy ang kanyang mga luha sa kanyang mga pisngi habang yakap-yakap niya si Dane. Kung kailan handa na siyang tanggapin ang pag-ibig nito saka naman mawawala ito sa kanya. Huli na ang lahat para sa kanila ni Dane. Hindi pa nagsisimula ang love story ay natatapos na agad.
Napaigtad siya ng marinig niyang tumunog ang carjack monitor.
“He’s back! He’s back!” sigaw ng isang nurse na tumulong sa kanya kanina.
Agad siyang kumalas sa pagkakayakap nito at asikasuhin ito sa tulong na rin ng mga nurses.
Lord please save him. Just let him live and I will follow and serve you. Buhayin n’yo lang po siya. I will sacrifice everything just bring him back to life, sambit niya sa kanyang isip habang mataimtim na nanalangin ng palihim.
Dumating muli ang ama niya at si Doc Jocil to assist her. They declare na ayos na ito pero kailangan pa rin obserbahan.
“Better magpahinga ka na muna Doc. Wala ka pang pahinga simula nang dumating ka rito. Ako na ang bahala kay Dane,” anang Doc Jocil sa kanya.
Ayaw niya sana pang umalis doon, pero iginiya na siya palabas ng ICU ng kanyang ama. Isa pa pagod na pagod na rin siya at kailangan nga talaga niya ng pahinga.
Sana’y dinggin ng langit ang kanyang panalangin. Gagawin niya ang lahat maligtas lang si Dane at mabuhay.

A Doctor's Love Story **Published under Lifebooks**Where stories live. Discover now