Chapter 9

3.2K 50 2
                                    

CHAPTER NINE
NAKITA ni Aliyah ang pananahimik ni Dane sa muling paglakbay nila upang makalayo sa mga sumusunod na mga sundalo sa grupo nila. Panay ang sulyap nito sa ina nito na nakahiga sa board na buhat nang apat na rebeldeng lalaki. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito kaya hindi niya alam kung ano talaga ang nararamdaman at iniisip nito.
Madilim na ng magdesisyon si Ka Berting na magpahinga na muna sila nang makahanap ng isang kuweba ang mga kasamahan nito. Gutom na gutom na rin sila at bawal silang magluto ng pagkain dahil baka makita ang apoy na gagawin nila sa mga sumusunod sa kanila. Kaya nagkasya na lang silang lahat sa nakitang hinog na saging, bayabas at papaya na nadaanan nila kanina upang maging hapunan.
Pagkatapos niyang kumain ay nilapitan niya si Ka Stella at sinuring muli ang sugat nito.
"Matagal na ba kayong magkakilala ng anak ko, Doc?" tanong nito sa kanya.
"Ha? Ah... Eh... Bago lang po, Ka Estella."
"Mabait ba siya?"
Patay! Alangan sabihin ko sa kanya na super-duper playboy ang anak niya, sa halip ay sinarili na lang niya iyon. "Mabait naman po. Sikat nga siya dahil sa maraming pasyente ang gustong magpasuri sa kanya."
Naaninag niyang ngumiti ito.
"Malaki ang kasalanan at pagkukulang ko sa batang iyan. Iniwan ko siya sa tatay niya at pinili ang buhay na ito."
Gusto niya sanang tanungin ito kung bakit nito ginawa iyon pero mas pinili niyang manahimik na lamang at hayaan itong kusang magkwento sa kanya. Pinalitan niya ang gasa ng sugat nito. Narinig niyang bumuntong-hininga ito.
"Nasa Santiago pa kami noon naninirahan. Masaya na kaming mag-anak pero nagkita kaming muli nang aking unang kasintahan, si Roman. Si Roman ang lalaking talagang minahal ko nang lubos. Highschool sweetheart ko siya. Sinuyo niya akong muli. Alam ng Dios kung gaano ko sinikap na pigilan ang hindi matukso kay Roman. Pero tao lang ako at natukso rin. Sa gabi-gabi naming pagkikita ni Roman ay nakumbinsi niya akong iwanan ko ang aking pamilya at sumama sa kanyang mamundok. Noon ko naramdaman na parang nakalaya ako. Na malaya ako. Doon ko nalaman na hindi lang pala material na bagay ang nakakapagpasaya sa tao kundi mismo ang kalayaan nito na magmahal at makasama ang lalaking mahal nito na nagmamahal rin nito.
"I like Dane's father pero mahal ko si Roman. Talagang walang araw na ginawa ng Dios na hindi ako pinasaya ni Roman. Kahit na malayo ito at mahirap kumpara sa buhay na binigay sa akin ng ama ni Dane pinili ko pa rin ang mamuhay sa piling ni Roman pero kapalit naman niyon ang malayo ako sa aking anak at kamuhian niya ako. Gusto ko sanang bumalik noon sa Santiago para makita si Dane at humingi ng tawad sa kanya. Pero laging nasa peligro ang buhay namin at nahihirapan kaming bumaba sa patag kaya inabot iyon ng isang taon bago ako muling nakababa sa patag pero wala na pala sila sa Santiago. Hanggang sa namatay si Roman sa isang engkwentro namin sa mga sundalo sa Kamingawan at nailipat sa akin ang lahat ng responsibilidad at tungkulin ni Roman sa samahan."
Bumuntong-hininga ito.
"Hindi na kayo sumubok na hanapin uli sila?"
"Hindi na. Pinandigan ko na lang ang aking unang desisyon noon na iwan at limutin sila. Natakot rin ako noon na harapin ang ama ni Dane at si Dane na mismo. Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Pero talagang malupit ang tadhana sa akin at pinagtagpo kaming muli."
"Hindi ba kayo nagsisisi sa ginawa ninyong pagtalikod sa kanya? Sa kanila?"
"Alam nang Dios kung gaano ko pinagsisihan ang pag-iwan ko kay Dane pero hindi ang pag-iwan ko sa kanyang ama."
"Hindi mo mahal ang ama ni Dane?"
Tumango ito. "Pinilit kong pag-aralang mahalin ang ama niya pero hindi ko nagawa. Mabait ang ama niya sa akin at pinaramdam niya sa akin kung gaano ako ka-special sa kanya pero talagang hindi nalimot nang aking puso si Roman."
"So anong balak n'yo ngayon na nagkita na kayo ni Dane?"
Bumuntong-hininga uli ito. " Gusto ko siyang kausapin at magpaliwanag sa kanya. Pero natatakot ako sa mga maririnig ko mula sa kanya."
Naawa siya rito. Alam niya kung gaano kahirap ang pinagdaanan nito ngayon. Naisip niyang kausapin si Dane tungkol dito.
"Mas maiging magpahinga na muna kayo. Mabuti na lang at di na dumugo uli ang sugat ninyo," aniya rito.
"Salamat, Doc," anito.
"Sige po, pupuntahan ko lang si Dane," paalam niya rito at tumalima na agad.

NAKITA ni Aliyah na nakaupo sa nakausling malaking ugat ng puno si Dane. Nakapangalumbaba ito at mukhang malalim ang iniisip nito. Tumabi siya rito. Saka lang nito nalaman na nasa tabi na siya nito nang tumikhim siya.
"Kanina ka pa d'yan?" tanong nito sa kanya.
Ngumiti siya. "Not that so. Mukhang malalim ang iniisip mo ah."
Hindi ito sumagot bagkus nakatitig lang ito sa kanya.
"Bakit hindi mo siya kausapin?"
"Sino?" nakunot-noong tanong nito sa kanya.
"Ang taong nagpapaisip sa'yo ng ganyan kalalim."
Napahilamos ito sa mukha nito gamit ang palad nito. Nangalumbaba saka bumuntong-hininga. "I really don't know what to say. Hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko sa kanya. Yes, I hated her so much for leaving me and abandoning me. Pero, naawa ako nang makita ko ang buhay na kinasasaladlakan niya ngayon."
"Kaya nga kausapin mo siya para magkalinawan kayo. Para marinig mo ang side niya. Hindi naman pwedeng wala siyang dahilan noon para umalis sa inyo. Now, I understand kung bakit ganyan ang pananaw mo sa buhay," aniyang ngumiti siya rito.
Ngumiti lang din ito sa kanya.
"Sige maiwan na muna kita at kailangan ko nang magpahinga," aniyang tinapik pa niya ang balikat nito.
"Wait!" biglang hinawakan nito ang kanang kamay niya.
"Yes?" nilingon niya ito.
Mabilis agad itong nakatayo paharap sa kanya.
"How about us? Pwede ba nating pag-usapan natin ang tungkol sa atin?"
"Unahin mo munang ayusin ang sarili mong pamilya Dane bago mo ako kausapin nang tungkol sa atin," aniya saka tumalima na agad.
Gusto niyang ayusin muna nito ang relasyon nito sa ina nito na siyang tanging natitirang kapamilya nito. Kaya naman niya itong hintayin. Oo, hihintayin niya ito lalo na ngayong naamin na niya sa sarili niyang may malaking puwang ito sa puso niya.
Sa ginawa nitong pagsugal ng buhay nito para matiyak ang kaligtasan niya ay natibag nito ang kalasag na iniharang niya sa puso niya noon para hindi ito makapasok doon. Pero ngayong natibag na iyon ay napagtanto niyang mahal pala niya ito. Natabunan lamang ang damdamin niyang iyon sa binata ng dahil sa inis niya sa pagiging palakero nito at sa mga negatibong usap-usapan sa bayan tungkol dito noon.
Ngayon ay naintindihan na niya kung bakit ito nagkakaganun. Siguro ay sa galit nito sa ina nito sa pag-iwan nito noon kaya naging ganun ang pagtingin nito sa mga babae.

NAGISING si Dane mula sa sinandalan niyang malaking puno dahil sa ingay ng mga unggoy sa mga puno sa paligid. Parang may kung anong kinatatakutan ang mga ito. Tumayo siya mula sa sinandalan niyang iyon at nagpalinga-linga sa paligid.
Napansin niyang gumagalaw ang mga halaman sa may di kalayuan sa kanya. May isang grupo na nakadapa sa kabilang bahagi na naka-camouflage at ang iba ay nakakubli sa mga puno.
"Kalaban!" sigaw niya at nagkagulo na agad ang lahat.
The army started to fire. Nakita niyang natamaan agad ang dalawang rebelled na siyang bantay niya noong nakaraang araw. Sunod-sunod at palitan ng putok ng mga baril ang kanyang narinig mabuti na lang at mabilis agad siyang nakabalik sa pagtago sa malaking puno na sinandalan niya kanina.
Tuloy hindi niya maiwasang mag-alala para sa kaligtasan ni Aliyah at sa kanyang ina. Oo, nag-alala siya sa kanyang ina. Kahit na may galit pa siya rito ay ina pa rin niya ito at ang tanging kapamilya na natitira sa kanya. Napagtanto niyang may puwang pa rin pala ito sa puso niya at nakakubli lamang iyon doon sa ganun katagal na panahon.
Dahan-dahan siyang gumapang papunta sa kuwebang kinaroroonan ng mga ito. May kalayuan din iyon mula sa kinaroroonan niya.
Nakita niyang marami na sa mga rebelde ang mga patay at ang iba ay nakikipagpalitan pa ng putok sa mga sundalo. Hanggang sa naramdaman na lang niyang may mainit na likido ang dumaloy sa kanang balikat niya at ang unti-unting pagdilim ng kanyang paningin. At ang huling naalala na lang niya bago tuluyang panawan siya ng ulirat ay ang malakas na pagsabog sa may malapit sa kuweba.

A Doctor's Love Story **Published under Lifebooks**Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz