Chapter 6

3.1K 69 2
                                    

CHAPTER SIX

"I'M finding it extremely difficult being on my best behavior with you," bulong ni Dane kay Aliyah habang nagsasayaw pa rin sila nito.

"I think oras na rin siguro para ihatid mo na ako pauwi," aniyang bahagyang inilayo ang sarili rito.

"Sigurado ka?" paniniguro nito.

Tumango siya.

Bumuntong-hininga ito ng malalim. "Okay kung iyan ang gusto mo. Nangako naman akong ihahatid kita pagkatapos ng hapunan."

Inihatid na nga siya nito. Tahimik lang ito hanggang makarating sila sa cottage niya tuloy naisip niyang baka nagalit ito sa kanya o kung ano.

"Hindi na kita iimbitahing pumasok pa at malalim na ang gabi," mahinahong turan niya rito.

"Hindi mo man lang ba ako yayain para magkape?" anitong nauna pang pumasok sa cottage niya. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang rito.

"Okay igagawa kita ng kape. After that ay puwede ka nang umuwi," aniyang nasundan ng pagbuntong hininga. Agad niyang tinungo ang kusina at nagsalang nang takuri sa gas range. Pero hindi na niya iyon nasindihan dahil sa bigla na lang itong yumakap sa kanyang likuran at binuhat siya paharap rito.

"Ibaba mo ako!" maawtoridad na utos niya rito. Pero parang wala itong narinig at patuloy siyang binuhat nito.

"Put your hands around my neck and kiss me."

"Nasiraan ka na ba ng ulo?"

"Oo. Nababaliw na ako sa'yo, Aliyah. Napakahirap mong paamuhin," anito.

Paamuhin? Ano siya isang uri ng wild animal na kailangang paamuhin nito? Biglang nag-init ang ulo at isang malakas na sampal ang kanyang pinakawalan na dumapo sa mukha nito.

Bigla itong natigilan sa ginawa niya at bigla'y binitiwan siya nito. Mabuti na lang at nakabalanse agad siya at hindi natumba.

"Huwag na huwag mo akong ikumpara sa ibang mga babae na nakilala mo sa bayang ito," aniyang dinuro ito. "Mataas ang respeto ko sa'yo Dr. Rous dahil isa kang magaling na doctor pero sa ginawa mong ito sa akin ay biglang nawala ang respeto ko sa'yo. Ano bang tingin mo sa aming mga babae, laruan? Na kung anong gusto mong gawin ay magagawa mo na lang ng basta-basta? Nakakaawa ka! You're the most pity person I've ever met. Ngayon lumayas ka bago pa ako tatawag ng pulis at baka pagsisihan mo ang ginawa mong ito sa akin sa loob ng kulungan," sigaw niya rito na puno ng galit.

"I'm sorry, Aliyah. H-hindi ko sinasadya. Masyado lang akong nadala," nagmamakaawang turan nito.

"Bring your sorry with you. Now get out of here!" singhal niya kasabay nang pagtulak niya rito palabas ng cottage.

Agad niyang isinara ang pinto. Para siyang tulos na padausdos na napasandal sa likod ng pinto. Doon niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pinigilang pakawalan.

MAG-UUMAGA na lang ay hindi pa rin dinalaw ng antok si Dane. Hindi siya pinapatulog ng kanyang konsensya sa ginawa niya kay Aliyah. Ano ba kasing nangyari sa kanya? Bakit ganun ang sumagi sa isip niya na gawin iyon sa dalagang doctor?

Because I thought she's just like them na ang pisikal na anyo at yaman ko lang ang gusto nila sa akin, depensa ng isang bahagi ng isip niya.

Well, now you found out that not all women are the same as your mother, sagot ng kabilang bahagi ng isip niya.

Napasabunot siya sa kanyang ulo at itinapon niya sa pader ang hawak niya baso na may lamang whisky.

Biglang tumunog ang cellphone niya. It was Sister Raquel calling.

A Doctor's Love Story **Published under Lifebooks**Where stories live. Discover now