Chapter 1

33.5K 525 27
                                    

REESE' POV

After 2 years..

"You may now kiss the bride!"

Nagpalakpakan ang lahat ng mga taong nasa loob ng simbahan when Sky kissed me in front the altar of the church. I kissed him too at pagkatapos ay nagsigawan at naghiyawan ang mga bisita.

Last 2 years, Sky proposed to me sa tapat ng mansyon nila. Pinagplanuhan na niya pala ang pagpo-propose sa akin that time katulong ang parents niya pati na ang family ko. When the time na lumuhod siya sa harapan ko at isinuot ang singsing sa aking daliri ay hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko noong mga panahon na iyon.

May halong saya, kaba at higit sa lahat ay excitement.

Alam ko na siya lang ang lalakeng gusto kong pakasalan. I know that he's the one for me at sa mga pagsubok na darating sa amin ay kakayanin ko ang lahat ng iyon basta't kasama ko si Sky.

Sky graduated as Suma Cum Laude in YGA at nakapagtapos ng Business Administration same like me. Balak niyang magtrabaho sa kompanya ng kaniyang mga magulang at ganoon rin ako.

After the wedding ceremony ay dumiretso na kami at ang mga bisita sa reception area ng kasal sa mansyon nila Sky. Sky and her Mom are in good terms now. Hindi ko na inalam pa kung ano ang issues na mayroon sa kanila noon pero nagpapasalamat ako at nagkaayos na sila.

My family, relatives, friends and even business partners are here in the reception area, and Sky's, too. Maraming mga bumabati sa amin at may dalang wedding gifts or money.

I saw Ailah and her boyfriend Niccolo, Jedus and his girlfriend Lian, Raven and the love of his life, Serene at si Ivo na papunta sa kinaroroonan namin ni Sky.

Nang makalapit na sil ay binati nila kami.

"Congrats to the newly wed couple, Mr. and Mrs. Avenido! Honeymoon na 'yan pagkatapos!" Sigaw ni Jedus na nakatikim ng batok mula kay Ailah.

"Ikaw talaga, Legazpi! Puro honeymoon na kaagad 'yang nasa isip mo!" mataray na sabi ni Ailah at inirapan si Jedus.

Natawa na lang si Lian sa pagpout ni Jedus at yumakap ito sa kanya.

"Hon, oh? Inaaway ako ng amazona mong kaibigan." Sumbong ni Jedus sa girlfriend niya.

Natatawa namang kumalas sa pagkakayakap nito si Lian. "Mabuti nga 'yan sa'yo."

And we laughed.

They gave their wedding gifts to me at kay Sky at pagkatapos ay umupo kami sa isang mahabang table.

"Congratulations nga pala sa kasal n'yo, bro." Bati ni Raven at nakipag-apir kay Sky na kung todo makakapit sa akin at parang ayaw na akong pakawalan.

This is his possessive side that I really loved.

"Thanks." Sky said.

Binati rin ako ng iba pa naming mga kaibigan at pagkatapos ay nag-usap na kami habang kumakain.

"Grabe, Reese! Sobrang ganda mo talaga lalo na ngayon. Nagmumukha tuloy akong alalay dito nang dahil sa'yo!" Natatawang sabi ni Ailah na ikinatawa rin ng iba.

"Mukha ka naman talagang alalay, Ailah. Pasalamat ka lang at pinagtatiyagaan ka ni Niccolo." Pang-aasar naman ni Jedus na nakatikim ng death glare mula kay Ailah.

"Pasalamat ka rin at pinagtatiyagaan ka ni Lian kahit mukha ka pang kengkoy!"

Nagkunwari namang parang nagulat si Jedus sa sinabi ni Ailah at itinuro ang sarili niya.

"Ako? Mukhang kengkoy? Sa gwapo kong 'to?" Sabi niya with his fake shocked expression.

"The truth hurts." Pag-imik ni Ivo na ikinatawa namin.

His Dirty Tactics (HDG 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon