Kabanata f(x - 32)

Magsimula sa umpisa
                                    

Bakit naging bangungot ang panaginip kong iyon?

Bigla kong naalala yung hapon na nastranded kami ni Sir Nathan sa waiting shed sa labas ng school. Sumakay ako sa bus at naiwan siya doon sa waiting shed, at noong nasa loob na ako ng bus nagtataka ako kasi nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko kahit pa tinted ang salamin ng bus.

Sa mga oras na iyon, Nakatitig lang si Sir Nathan ng diretso sa mga mata ko habang ang mga kamay niya ay nakasuksok pa rin sa kaniyang bulsa, hindi ko naman alam kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa kaniya, nagsimula nang bumuhos muli ang ulan at sunod-sunod na pumatak ang mga butil ng ulan sa bintana ng bus.

Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya, pero parang pamilyar sa'kin ang pangyayaring iyon. nagsimula ng umandar ang bus papalayo at kasabay niyon ang biglaang pagsikip ng puso ko nagsisimula na namang umatake ang kakaibang kirot sa puso ko na hindi ko maintindihan.



Bakit napanaginipan ko ang pangyayaring iyon? month of June pa ata kami nastranded ni Sir Nathan sa waiting shed.

Ilang sandali pa, nagulat ako nang marinig ko ang pasigaw na boses ni mama sa labas ng kwarto. "Ano? Hindi na ba tayo gagawa ng paraan? Hahayaan na lang ba natin na malubog tayo sa utang?"

"Masyado nang malaki ang naitulong sa'tin ni Ace, Nakakahiya na umutang ulit sa kaniya!" pasigaw na sagot naman ni papa at dahil dun napabangon agad ako sa kama. Nag-aaway sila.

"Kapatid mo naman siya, walang masama humingi ng tulong! Lunukin mo muna 'yang pride mo" buwelta naman ni mama. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko, hindi naman sila nag-aaway ng ganito katindi, yung tipong nagsisigawan na.

Napalingon ako sa pinto ng kwarto namin na nakasara ngayon. gusto ko sanang sumilip sa salas kung saan nag-aaway na sila.

Bababa na sana ako sa kama nang biglang mapatigil ako kasi biglang nagsalita si Alex.

"Ate sa tingin mo kung nasa ibang sitwasyon tayo, malulubog pa rin kayo tayo sa utang?" nagtataka naman akong napadungaw sa kaniya sa ilalim ng kama ko.

"Anong ibang sitwasyong sinasabi mo diyan?" tanong ko pero nakaharang pa din yung librong binabasa niya sa mukha niya.

"Ang ibig kong sabihin... sa buhay natin sa nakaraan... past life ba kamo" sagot niya, Seryoso ba siya? Past life? Totoo ba yun?

"Hoy alex nag-aadik ka ba? Kelan pa naniwala ang science nerd sa paranormal?" banat ko at akmang aagawin na yung librong hawak niya na humaharang sa mukha niya pero agad na niya itong isinara sabay tingin sa'kin.

"Hindi ako naniniwala... pero hindi ko rin naman sinasabing imposible iyon" tugon niya sabay taklob na ng kumot. Sandali naman akong natigilan, Ano bang pinagsasabi nitong kapatid ko?

Bumaba na ako sa kama at balak ko ng lumabas doon sa kwarto para tumigil na sila mama at papa sa pag-aaway pero natigilan ako nang marinig kong nagsalita ulit si Alex. "Hayaan mo na lang sila Ate... wala na rin namang magbabago" sabi niya habang nakatakalob pa rin yung kumot sa mukha niya.

Napahinga na lang ako ng malalim saka naupo na lang sa study table namin. Napatingin ako sa bintana, umuulan pala ngayon. Palagi na lang umuulan, ano bang nangyayare?

Napatingin ako sa gilid kung saan nakalagay ang bookshelf namin, napansin kong wala doon yung---

"Alex, nasaan yung historical novel na binigay sa'yo ni Lily?" tanong ko at inisa-isa ko yung libro doon sa bookshelf pero hindi ko iyon makita yung 'Our Asymptotically Love Story'

Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon