Chapter Seven: From strangers to best friends?

Start from the beginning
                                        

"It's a Double Choco Yema.. if I'm not mistaken, it's your favorite cake right?" 

"Wow, Vince.. Thank you! Pero bakit mo ako binigyan nito? Anong meron?"

"So, ganon? Si Monique lang may cake? Ako wala? Echapwera na ako sa pagkakaibigang 'to? Ganern?" pagtatampo ni Jenika.

"Pwede ba naman 'yun? Makakalimutan ba naman kita, Nikanor? Oh eto sayo.." Sabay abot ng isa pang cake box kay Jenika.

"Bakit ang liit ng box? Kay Monique malaki? Unfair!"

Natawa na lang si Vince kay Jenika.

"Wag ka na magreklamo dyan. Buti nga meron ka din eh kaysa wala girl! Magpasalamat ka na lang." 

"Sige na nga! Thanks, Vince! Alam ko naman bakit mas malaki cake ni Monique eh! Ganon ba kalaki pagmamahal mo sakanya?" At nagsimula nanamang mang-asar 'to si Jenika samen ni Vince.

"I hope I made you feel better girls after your long day at work. So, tara na? Hatid ko na kayo."

"Thanks, Vince.." sabi ko bago ako pagbuksan ni Vince ng pinto.

Ngumiti ito saken.

"You're always welcome, Monique. I just want to brighten up your day." sabi nito at sabay bukas ng pinto para paunahin akong sumakay.

Haaay. Wala talaga ako masabi sa kabaitan at ka-sweetan nitong si Vince eh.

Hanggang ngayon, hindi ko alam sa sarili ko bakit hindi ko magawang ma-inlove sa taong 'to?

**

"Wala ka bang balak sagutin yang phone mo, Nique? Parang soundtrip na naten yang ringtone mo eh." 

Kanina pa kasi ring ng ring 'yung phone ko at kanina ko pa rin 'to hindi sinasagot. 

"Gusto mo ako na lang sumagot, Monique? Para tumigil na yang kumukulit sayo." 

"Sino ba yang kulugo na yan tawag ng tawag sayo?" 

As usual, si ANNOYING STRANGER 'yung tumatawag kaya hindi ko sinasagot.

Hindi ko talaga siya maintindihan kung bakit niya ako kinukulit maging kaibigan niya lang.

"Thanks for the ride, Vince." sabi ko bago ako bumaba ng sasakyan.

"Saken hindi ka magpapaalam, girl?" Sabat naman ni Jenika na dumungaw pa sa bintana ng sasakyan.

"Bye, girl!" 

Paakyat na ako sa condo nang biglang mag-ring nanaman 'yung phone ko.

*phone conversation*

Me: "What?!"

ANNOYING STRANGER: "Oh, easy.."

Me: "Easy? Eh ikaw 'yung hindi easy dyan eh! Tawag ka ng tawag! Nakakairita ka na eh! Alam mo 'yun?" 

Aba, nagawa pa akong tawanan nito mula sa kabilang linya.

Me: "Anong nakakatawa?! Tuwang-tuwa ka na naiinis mo ako?"

ANNOYING STRANGER: "No. Ang cute mo kasing mainis!"

Me: "Ano bang gusto mo? Tantanan mo lang ako!"

ANNOYING STRANGER: "You know what, I really don't get you.. Bakit ba ang sungit sungit mo? Wala naman akong ginagawang masama sayo. And I apologized already about what I did last time. Gusto ko lang naman makipagkaibigan.."

It Started With A Wrong Phone CallWhere stories live. Discover now