UNDYING LOVE CHAPTER VII

1.6K 33 0
                                    

Breaking the Past. 

~~At sa pang apat na pagkakataon ay binuksan ko ang portal at nag time travel ulit. At sa pagkakataong ito ay iba na ang gagawin ko. Nakita ko uli sya sa isang sulok ng kalye. 

PAOLO : Patricia ! *sigaw nito*

~~Lumapit ako sa kanya at kinausap.

KEITH : Ay teka teka , diba ikaw si Paolo ? 

PAOLO : Opo , bakit po ? 

KEITH : Ay kakilala kasi ako ng tatay mo ( Para maiba naman) 

PAOLO : Ah , oh ano naman po ginagawa ninyo dito ? 

KEITH : Ah pinapasundo ka kasi sa akin ng tatay mo. 

PAOLO : Ha ? Eh matagal ng patay ang tatay ko eh  Sigurado ka ba dyan ? 

KEITH : Alam ko naman na patay na ang tatay mo , tinest lang kita kung ikaw nga si Paolo. Kasi alam mo na maraming taong nagpapanggap dyan . Sinabi ko lang yon para masigurado kong ikaw nga si Paolo. 

PAOLO : Ahhh , so ano nga ? 

KEITH : Pinapasundo ka sakin …. 

PAOLO : Ni yaya ? 

KEITH : Oo tama ng yaya mo. 

PAOLO : Ah teka lang may ibibigay lang ako sa kanya ha. Wait ka lang dyan. .

KEITH : Teka , emergency daw eh *sabay hawak kay Paolo*

PAOLO : Emergency ? Hala sige tayo na, teka asan ang kotse ? 

KEITH : Uhm.. Ayon na nga po yung problema eh , magtratraysikel lang tayo. Nasiraan daw yung driver mo eh. 

PAOLO : Ah o cia , tara na emergency daw ba ? 

KEITH : Oo daw eh *sabay tawag sa isang traysikel driver* Oh upo ka na sa loob. 

PAOLO : Tungkol saan daw yung emergency ? 

KEITH : Di ko rin alam eh . *sabay abot sa bayad kay manong* 

MANONG : Saan po ito ? 

KEITH : Kuya ito po yung address. *sabay abot ng isang papel*

[ PAOLO ] ~~Dinala ako nung matanda sa isang abandonadong pagawaan ng asukal. At tinali. Binuhos nya ang isang gallon ng gasolina sa buong parte ng asukalan. 

KEITH : Ngayon dito , dito ka na mamatay. *sabay hawak sa isang lighter*

PAOLO : Sino ka ? At bakit ? Bakit ako ? Bakit mo ito gagawin ? Anong kasalanan ko sayo ? Gusto mo ba ng pera ? Mapaguusapan naman natin ito eh *habang lumuluha at sinusubukang pumiglas sa pagkakatali*

KEITH : Ako lang naman si Keith Dela Rosa. Tandaan mo yan ! Alam mo kung bakit ? 

PAOLO : ------------------ *walang imik at sinusubukan paring pumiglas*

KEITH : Dahil ikaw lang naman ang dahilan ng pagkaletche letche ng buhay ko. 

PAOLO : Ha ? Eh hindi naman kita kilala ah . Please na pakawalan mo na ako. Bibigyan kita ng isang milyon . Pakawalan mo lang ako .*paawa*

KEITH : Kilala mo si Patricia ? 

PAOLO : Oo . 

KEITH : Akin sya. Akin lang sya. 

PAOLO : Ha ? Eh bakit parang ang tanda mo naman ata para maging syota nya. *nagpipiglas sa tali*

KEITH : *napangiti* Alam mo ang mga dapat na ginagawa sayo ? Sinusunog *hawak sa lighter*

[ KEITH ] –Hinulog ko ang lighter at sabay pindot ng Pendant. Pagkabalik ko sa kasalukuyan ay nakita ko si Patricia na nasa harapan ko. 

PATRICIA : Oh , babe andyan ka pala *sabay halik* Pinaghanda kita ng dinner*

KEITH : Patricia , Patricia ikaw nga 

PATRICIA : Oo nga ako nga to babe , ano bang nangyare sayo parang andumi mo. *sabay kuha ng twalya at pinunas sa mukha ni Keith * 

KEITH : Akin ka lang Patricia , akin ka lang *sabay yakap* 

PATRICIA : Babe ano bang nakain mo ? *sabay kiss sa cheeks* 

Forbidden Love (Ghost Suitor Love Story)On viuen les histories. Descobreix ara