Chapter 26 : Why Am I Feeling This ?

2.4K 52 1
                                    

PAOLO : Uhm . Tita Mary , uwi na po muna ako ha. Medyo late na rin po kasi eh.

TITA MARY : Sige, ingat, Ingat ka sa Kotse ha. 

~~Natauhan ako sa sinabi ni Tita, di ko magets kung para saan yung kotse na sinabi nya. Its either nagbibigay sya ng babala. Hindi ko pinansin yung sinabi sakin ni Tita. 

~~KINABUKASAN

PATRICIA : Paolo , teka lang , sabay tayo *sabay takbo papunta kay Paolo*

PAOLO : Ge lang.

PATRICIA : Anong ginawa ninyo ni Samantha kahapon ? 

PAOLO : HA ? 

PATRICIA : Anong ginawa ninyo ni Samantha ? 

PAOLO : Wala . 

PATRICIA : Ah ok . 

PAOLO : Teka , bakit parang interasadong interesado ka sa lahat ng ginagawa ko ? 

PATRICIA : Kapag interested tungkol sayo agad ? Hindi ba pedeng nag aalala muna sa bestfriend nya. ?

PAOLO : Pede naman .

~~Isang simpleng araw lang naman ang nangyare , natapos ang ilang klase , then lunch break ng biglang tinawag ako ni Samantha. 

SAMANTHA : Paolo wait lang . 

[ PATRICIA ] –Kasama na naman nya ang bestfriend ko , ang hirap tingnan . Mahirap isipin na sa ilang araw ay nafall ako agad sa kanya, bakit kaya? Bakit ambilis ? Parang feeling ko , matagal ko na syang kakilala, ganon ba ako kabilis mafall ? Tinitingnan ko lang sila habang naguusap ng biglang tumulo ang luha ko , sumikip ang dibdib ko . Nagilaw ang tattoo sa aking kamay . Hindi ko talaga alam kung paano ako nagkaroon nito pero bigla na lang nagilaw at sumakit , pumunta ako sa banyo at doon hinugasan ang nagiinit kong kamay. Pagkalabas ko sa banyo ay hinanap ko kung saan sila pumunta. Naghanap ako ng naghanap , halos malibot ko na ang buong campus sa kakahanap sa kanila

[ PAOLO ] –Sa paguusap naming ni Samantha , biglang nagilaw ang kamay ko , at sumakit na parang sinisindihan napapunta na lang ako sa banyo at doon ay hinugasan. Pagkatapos ng ilang minute ay hindi na ito sumakit kaya lumbas na akong CR upang makausap si Samantha. 

PAOLO : Tara punta na lang muna tayo sa canteen upang doon makapagusap. 

SAMANTHA : Wait , nakalimutan mo pala to sa bahay namin kagabi. *bigay sa panyo ni Paolo*

PAOLO : Salamat ha. 

~~CANTEEN

SAMANTHA : Teka , I explain mo naman yung nangyare sa inyo ni Patricia. 

PAOLO : Ganito kasi yun . Pinabalik ako ni Angel sa lupa dahil may mission daw ako . Ang mission ko ay alamin kung paano maging tao , 

SAMANTHA : Wait wait , Pogi ba yung Angel ? 

PAOLO : OO  Teka , patapusin mo muna ako .

SAMANTHA : Sige sige , 

PAOLO : Kaya binigyan nya ako ng 2 weeks upang maging tao , then pumunta ako at sinundan lang si Patricia dahil nga sa crush ko siya . Then nagkamabutihan . Ako ang first kiss nya . Wait saan nga ba kami nagkiss. ? Ay ayon , sa park malapit sa bahay nila. Ang romantic kaya niyon .

SAMANTHA : Eh anong reaksyon nya ? 

PAOLO : Ayun kinilig. 

[ PATRICIA ] –Nakita ko sila sa Canteen , umupo na lang ako sa isang tabi medyo malayo sa kinauupuan nila upang hindi ako mapansin. 

SAMANTHA : Kwento ka pa. 

PAOLO : Nagkaroon kami ng isang BEST DATE EVER .

SAMANTHA : Joaquin at Chichay lang ? 

PAOLO : Haha, oo ginaya ko yung sa Got to Believe. Ang kulit nga eh , kasi last day ko na yun sa Earth eh . So nawala ako tapos nakipagkasundo na siya kay Angel na …. ALAM MO NA YUNG KASUNOD. 

SAMANTHA : Ah yung nakipagkasundo sya kay Angel tapos may amnesia na keme ? 

PAOLO : Oo , then ito na , may syota na siyang iba. 

SAMANTHA : HAHAHAHAHA . Ikaw kasi eh. 

PAOLO : Bakit ako ? 

[ PATRICIA ] –Tinitingnan ko lang habang tumatawa ang bestfriend ko kasama si Paolo . Ang sakit sa puso , pero ang tanging tanong na nasa isip ko eh “ WHY AM I FEELING THIS ? “ Tumalikod ako upang hindi ko na sila makita , upang kahit papano mabawasan ang sakit na nadarama.

Forbidden Love (Ghost Suitor Love Story)Where stories live. Discover now