UNDYING LOVE CHAPTER III

2K 43 3
                                    

Teaming Up !

[ PATRICIA ] ~~Binalik kami sa lupa , at umayos ang takbo ng mundo. Mundong kinalalagyan namin. Hinatid kami ng Calesa na nirentahan namin.  Imbes na magarang sasakyan ang gamitin namin ay nagrenta kami ng isang Calesa . Isa itong engrandeng kasalan kaya syempre engrande rin ang Calesa. Iba’t ibang palamuti ang nandito. Para kaming LOVE TEAM sa isang pelikula. John Lloyd at Bea, Kim Chiu at Xian Lim, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ganon ang pakiramdam noon, habang tumatakbo ang Calesa, para kaming mga character sa isang Fairytale. At syempre kada Fairytale merong Kontrabida. Nakita namin si Keith na nakatingin sa amin ng masama. Habang tumatakbo ang Calesa ay hinahabol nya kami ng tingin.

PAOLO : Pabayaan mo na sya babe *sabay akbay kay Patricia*

PATRICIA : Inggit lang sya.  Kasi at last ikaw ang nakatuluyan ko. *sabay akbay*

PAOLO : Ikaw kasi eh  Nung una pa lang , sabi ko na sayo , layuan mo siya. Ayaw mo namang maniwala.

PATRICIA : Eh sa maganda ako eh ¯\_(ツ)_/¯ Wala kang magagawa kung lapitin ako ng Boys  *sabay kiss*

PAOLO : Alam mo Patricia , kahit asawa na kita, di ko pa rin maalis sa isipan ko kung kunyare balikan tayo ni Keith, kuhanin ka nya sa akin uli.

PATRICIA : Nako , wag mo na ngang isipin yan , yung mga sinabi ko , JOKE lang yun.  

PAOLO : Alam ko naman eh , kaso paano kung siya ang nakatuluyan mo. 

PATRICIA : Ikaw pa rin ang hahanapin ko. PROMISE.

PAOLO : PROMISE MO YAN ! 

PATRICIA : Promise, atsaka tanda mo pa yung sinabi mo sa akin ? 

PAOLO :Saan don ? 

PATRICIA : Yung sisipol lang ako , at darating ka.

PAOLO : Ah ayon , o ano ngayon ? 

PATRICIA : Kapag nakalimutan uli kita gawin mo lang iyon at darating ako. *sabay kindat*

PAOLO : HAHA ! Huwag mo nang isipin yon, hindi naman mangyayare iyon eh. 

--ANGEL WORLD 

[ MICHAEL ] – Nagmumuni ako sa palasyo ng biglang nakita ko mula sa langit si Keith. Isang lalake na pinagiinitan nina Paolo at Patricia. Dali dali akong bumaba upang kausapin sya. 

[ KEITH ] –Dahil busy si Ate Maricris sa pagaayos ng papeles para pumunta ng Singapore. Nandoon lang ako sa kama ko at sinusubukang umidlip. Ng biglang mayroon akong narinig na kalabog sa may sala. 

KEITH : Sino yan ? 

>NO RESPONSE < 

~~Ng biglang kumalabog ulit.

KEITH : Sino yan ? 

>NO RESPONSE<

~~Ng biglang may narinig akong isang malakeng kalabog na parang may nalaglag na malaking bagay. Dali dali na akong lumabas ng kwarto at pumunta sa sala at nakita ko ang salamin na nabasag. Bigla akong natakot at nagsimulang magsalita.

KEITH : Sino ka ? Ano ka ? 

~~Biglang lumitaw ang isang imahe ng isang lalake sa basag na salamin. Bigla syang nagpakita sa harapan ko. 

KEITH : *biglang nagtago*

MICHAEL : Oh bakit ka nagtatago ? 

KEITH : Sino ka ba ? *nagtaka*

MICHAEL : Ako si Angel Michael, isang Angel . 

KEITH : Anghel ? Eh wala ka ngang pakpak.

MICHAEL : Oh edi ayan *sabay labas ng kulay itim nyang pakpak*

KEITH : Teka bakit itim ang pakpak mo ? 

MICHAEL : Kasi ako ang Anghel ng kamatayan. Ako ang pumipili kung sino ang mamatay sa mabubuhay.

KEITH : Eh anong connect non sa kulay itim mong pakpak ? 

MICHAEL : Wala lang , parang mas IN kapag kulay itim ang pakpak. Ah basta basta.

KEITH : Eh bakit ka nandito ? Huwag mong sabihing kukuhanin mo na ako ? Teka buhay pa ako no.

MICHAEL : Huwag kang mag alala hindi ako nandito para kuhanin ka, atsaka bakit ko kukuhanin ang taong 10 years na lang ang itatagal sa lupang ito diba ? Para saan pa ? 

KEITH : So meaning 10 years na lang ako sa lupa ? 

MICHAEL : Precisely. 

KEITH : Teka paano ako namatay ? *nagtaka*

MICHAEL : Nabaril sa puso.

KEITH : Nino ? At bakit ? 

MICHAEL : Ng tropa mo , at dahil lasing na kayo non. 

KEITH : Kilala ko na ba yung tropa kong iyon ? 

MICHAEL : Hindi pa , around 2 – 3 years pa . 

KEITH : So bakit ka nga nandito ? 

MICHAEL : Gusto ko lang tanungin sayo, kung bakit ka galit na galit kay Patricia at Paolo ? 

KEITH : Kasi inagaw ni Paolo si Patricia sa akin. At dahil pinagtaksilan ako ni Patricia.

MICHAEL : So hanggang tingin ka na lang sa kanila ? Ganyan ka pala ? Parang hindi ka lalake.

KEITH : Kung aasarin mo lang ako , umalis ka na lang.

MICHAEL : Andito ako para tulungan ka sa problema mo. 

KEITH : Anong tulong ?

MICHAEL : Makikipagkasundo ako sayo, para sirain ang buhay ng dalawa. 

Forbidden Love (Ghost Suitor Love Story)Where stories live. Discover now