Chapter 12 : I LOVE YOU

2.8K 65 1
                                    

PAOLO : Ito naman , alam ko namang bata pa tayo , kaso baka kasi ….

PATRICIA : Kasi ??? 

PAOLO : Baka kasi mag time out na.

PATRICIA : Anong magtatyme out ? 

PAOLO : Ah , wala yun . 

PATRICIA : Ano ngang time out ? 

PAOLO : Time out, Time out. Yung relo mo mag titime out na *sabay turo sa orasan*

PATRICIA : Nako , Paolo kapag nalaman ko yan , lagot ka sakin.

~~Bigla akong hindi makahinga ng maayos, parang may hika na ewan. Parang kinakapos ako sa hangin sa mga panahong iyon. Para akong isang hinihika na naghahabol ng hininga. Hindi ko pinahalata kay Patricia dahil paniguradong mag aalala siya.

PAOLO : Sige na , gala muna ako .

PATRICIA : O sige na rin bye na ha.

~~Tinawag ko si Michael ( Angel Of Death ) upang makausap at ng malaman kung anong nangyayari sa katawan ko. Ang raming tanong na gusto kong bigyan ng mga kasagutan. Bigla na lang siyang lumitaw sa harapan ko , akala ko pa man din baba sya.

PAOLO : Uhm , wait bakit hindi ka bumaba ? 

MICHAEL : Ah , kase meron akong sinundo malapit rin dito eh. So ano bang kailangan mo ? 

PAOLO : Tanong ko lang , bakit kanina , hindi ako makahinga ng maayos ?

MICHAEL : Ilang araw ka na ba sa lupa ?

PAOLO : Uhm around 11 days na. 

MICHAEL : And ilang araw ang palugid ko sayo ? 

PAOLO : 2 weeks. 

MICHAEL : Anong equivalent ng 2 weeks ? 

PAOLO : 14 days.

MICHAEL : Edi meron ka pang 3 days.

PAOLO : 3 days ? Parang ambilis naman ata ? 

MICHAEL : Pasalamat ka nga 2 weeks binigay ko sayo eh. Yung iba nga 1 week lang.  *sabay pitik at naglaho*

~~Bumalik na ako sa bahay ni Patricia upang doon magpahinga. Pagkapasok ko ng pintuan nila.

PATRICIA : Oh Paolo , bat ka nandito ? Akala ko ba sa ibang bahay ka matutulog ? 

PAOLO : Wala lang , gusto lang kitang makasama ( At ng may mabaon naman ako )

PATRICIA : O sige .

PAOLO : *Tumabi kay Patricia*

PATRICIA : Dun ka. *sabay tulak kay Paolo* Dun ka sa baba *sabay turo*

PAOLO : Bakit bawal ba ? 

PATRICIA : Bawal nga kasi nga bata pa tayo.

~~Niyakap ko si Patricia ng mahigpit, mahigpit na mahigpit. Gusto kong magtagal sa lupa upang makasama pa si Patricia. 

PAOLO : I LOVE YOU PATRICIA 

PATRICIA : Ha ? May topak ka na naman ba ? 

PAOLO : I LOVE YOU . 

PATRICIA : Ano bang meron sayo ? *sabay kumawala sa pagkakayakap*

PAOLO : I LOVE YOU tandaan mo yan ha *umiyak*

PATRICIA : Bakit ka umiiyak *hindi ko na rin napigilang maawa sa kanya*

PAOLO : Wala lang *sabay punas ng luha at niyakap uli si Patricia*

PATRICIA : Mahal rin naman kita eh  

PAOLO : Tandaan mo lang ha. Kung mamimiss mo lang ako. Sumipol ka lang at pupunta ako kahit asang parte ako ng mundo. 

Forbidden Love (Ghost Suitor Love Story)Where stories live. Discover now