Chapter 17: The Maze

10.1K 342 73
                                    

Sinundan ko ang red dot na nag bi-blink sa tablet na ibinigay ni Dave sa akin kanina..

Ano ba kasi talagang problema ng lalaking yun? Bigla na lamang siyang nag walk-out.

Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit yung expression ng mukha niya kanina ng makita ako ay parang nasasaktan siya, and what makes me more curious ay kumbakit may tumulong luha sa mata niya bago siya nag walk out kanina

5 minutes had already pass at yung red dot na kanina ko pa sinusundan ay tumigil na. Nanakit na yung mga paa ko dahil sa mga maliliit bato na naapakan ko, pero wala akong pakialam. This is my only chance to talk to him and clear things out

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kung saan siya huminto..

I was so amaze when I saw a very magical place. May tatlong bridge na dadaanan. On the center of a man made pond may upuan na swing na napapalibutan ng magagandang vines ng bulaklak and when you look at the left side ay kama namam na may glass roof ang makikita mo tapos yung poste ng roof ay may mga roses vines na nakapalibot dito. It looks so magical that even Disney would want to copy it

Hinanap ng paningin ko si James and there I found him on the right side of the man made pond. Kung saan may gazebo at sa loob nito ay isang grand piano. He is sitting there looking so lonely.

And the while closing his eyes he played a very sad tone.

The song is very familiar to me, yan ang palagi kung pinapakinggan noon. It's Mozarts Piano concerto no.23 in A- II. Adagio

Kahit kumakabog ang dibdib ko sa kaba nilapitan ko pa rin siya, this is a now or never situation Artemis

" James" I called him nung makalapit ako sa gazebo

Nagulat naman siya ng makita ako pero agad din itung napalitan ng blankong expression

" Anong ginagawa mo dito?" he said in cold tone

" We have to talk" I said

He stand up lumabas ng gazebo at hinarap ako and now he is towering me

" Ano pang pag uusapan natin? Wala naman na diba? You perfectly rubbed it on my face when we were still in Palawan that you don't want me in your life. The moment you throw that ring that's the moment you finalize our status" he said with bitterness on his voice

" Pwede ba?! Pagsalitain mo muna ako" patience Artemis, habaan mo ang pasensya mo

Pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagsasalita

" And by the way congratulations on your engagement and now buntis kapa pala, tsk kaya naman pala ayaw mo sa akin. Ang manhid ko talaga para di maramdamang may iba kanang mahal, I should have known sana di ako nasaktan" patuloy niya parin sa pagsasalita

Di na ako nagdalawang isip pa, sinuntok ko siya at sapul na sapul ito sa mukha niya.

" Bwesit ka!! Sinabi ng pagsalitain mo muna ako!!" galit na sabi ko sa kanya

" Wala akong panahong makinig sa paliwanag mo?! Ano naman ba ako sayo? Wala diba?! Isa lang naman akong tangang umasang mamahalin din ako ng babaeng mahal ko!!" He said habang pinupunasan ang dumudugong mga labi

Tinalikuran ko siya at naglakad palayo. Ng makuha ko na ang nakita ko kanina bumalik ako sa pwesto kung nasaan siya

Nagtatakang napatingin siya sa akin at sa dala ko

" You didn't gave me a choice so I have to do this" I said at walang sabi sabing kinwelyuhan ko siya at itinali sa kamay niya ang nakita kung lubid kanina at itinali ito sa poste ng gazebo

Trapping The Last James ( C O M P L E T E D )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon