Chapter 24

1K 58 7
                                    




Ngayon ay magkakaharap na sila sa loob ng kubo ng matandang lalaki. Magkatabi si Kathryn at Daniel na hawak pa din ag camcorder. Si Elizabeth ay nasa harap ni Don. Katabi ng matandang babae si Khalil, habang si Angela naman ang nasa tabi ng lolo nito.





"P-paanong nangyaring hindi ka na nakakakita? Nagkaroon ka ba ng karamdaman, Don?" puno ng lungkot ang tinig ni Elizabeth. Nakangiting umiling ang lalaki.





"Hindi, Elizabeth! Naaksidente ako noong umuwi ako sa Batanes upang ibenta ang aming lupang sinasaka p-para sa iyong operasyon." paliwanag ng matandang lalaki na mariin pang pumikit na tila muling bumabalik ang pait ng nakaraan. Si Elizabeth naman ay napatakip pa sa bibig sa sobrang gulat.





"N-naaksidente ka? B-but m-my father didn't tell me, not even J-Johny."  ani ng matandang babae na tinapunan ng tingin ang apong si Khalil na biglang natahimik.





"N-nakiusap ako na wag ng sabihin sa'yo, Elizabeth! H-hindi mo na kailangan pang malaman." nakangiti nitong turan na tila walang pinagsisisihan sa nagawa.





"B-but you left me! Di ba sabi mo, hindi mo ako iiwan? Di ba sabi mo, kakayanin natin. But y-you gave up! Kinalimutan mo ako, iniwan mo ako." puno ng hinanakit na nasambit ni Elizabeth na muli na naman tumulo ang  lumuha. Hinagod hagod ni Khalil ang likod nito na lubha nang nag-aalala para sa lola, habang si Kathryn naman ay mabilis na nagsalin ng tubig sa isang baso at iniabot sa matandang babae.








"Patawarin mo ako, Elizabeth! Pero maniwala ka, h-hindi kita iniwan. Hindi kita ginustong iniwan. Mas pinili ko na lang "mamatay" para mabuhay ka!" matalinhagang pahayag ni Don na nagpa-angat ng tingin kay Elizabeth na puno ng pagtatanong ang tingin.





"Ano ang ibig mong sabihin? Iniwan mo ako! Isinuko mo ako sa aking pamilya dahil nahirapan ka na sa sitwasyon natin, dahil naduwag ka na.." muli na naman naiyak si Elizabeth. Gusto na sanang ipatigil na lamang ni Kathryn ang lahat dahil baka makasama pa sa dalawa. Pero pinigilan siya ng mga tingin ni Khalil. The look on his eyes is like telling her that both Elizabeth and Don need this; that they've waited long enough for this moment. Bumalik ang dalaga sa pagkakaupo.





"Elizabeth, h-hindi ko g-ginustong s-sumuko. Alam ng Diyos yan! Noong d-dinala kita sa Ospital ng lubhang sumakit ang iyong tiyan, sinabi sa akin ng Doktor na hindi ka nagdadalang tao..." mariin muling pumikita si Don na tila kapalit na nang buhay nito ang isang lihim na matagal ng iniingatan.





"A-anong s-sabi mo? P-paanong hindi ako nagdadalang-tao? Delayed ako ng 2 months!" napakapit si Elizabeth sa apo na mabilis namang inalalayan ang matanda.





"Oo, pero hindi ba't hindi naman tayo nagpatingin sa doktor? Ang sabi ng doktor, you might just had assumed na buntis ka dahil sa sintomas na yun, pero ang totoo, may nakitang malignant tumor sa tiyan mo, malapit sa matris mo. Ang sabi ng doktor, nagdudugo na iyon sa loob naging dahilan ng pananakit ng tiyan mo. Sinabi niyang kailangan yon maoperahan agad agad kung hindi ay maaring hindi ka na magdalang-tao and worst, maaring ikamatay mo." he paused and grasped some air bago muling nagpatuloy sa pagsasalita.








"Nang araw na din na yun, umuwi ako sa Batanes upang ibenta sana ang kaisa-isang yaman na meron ako, ang lupang sinasaka na iniwan sa akin ng aking mga magulang. Nakiusap ako sa iyong papa na baka pwedeng ibalik sa akin ang titulo upang maipagbili ko ng mabilisan para sa iyong operasyon. Ngunit naging matigas ang iyong papa. Bagkus, inalok niya ako ng malaking pera kapalit ng pag-iwan sa'yo. Elizabeth, tumanggi ako! Mas gugustuhin ko pa na ibenta ang kaluluwa ko sa demonyo wag lang kitang iwan.




SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon