Chapter 4

1.2K 64 6
                                    




Pakiramdam ni Kathryn ay nawalan ng dugo ang kanyang buong katawan. Ibig sabihin, sa lalaking kanina ay tinaray-tarayan niya, dito siya kailangan makiusap? Kulang na lang ay hilingin ng dalaga na kainin siya ng lupa. At lalo pa niyang kinaiinis ang ngisi ng lalaking kaharap. Nakakaloko! Tila nang-iinis. 

"Well, I am not sharing my room to anyone! So, just please give me the key. I'm tired and I want to rest." pagkaraan ng ilang segundo ay agap na tugon ng lalaki. Ang kanina ay mataray na receptionist ay tila naaawang tinapunan ng tingin si Kathryn habang hinahanap sa maliliit na drawer ang susi ng room 25.


Kathryn feels like she have to catch some air. Kuuu, kung hindi niya lang kailangan, mangani-ngani siyang makiusap sa antipatikong lalaki na 'to! But she don't have much of a choice. Una, limited lang ang kanyang budget sa trip na ito, not unless she will use her own savings. Pangalawa, pinilit niya lang si Ms. Lorna na bigyan siya ng go signal para sa project na ito, and to recall her executive editor's exact words,



"Better make it good, Kathryn! I'm giving you this chance, please prove me na kaya mong magtagal sa industriya na 'to." 



For some reason, she didn't treat that as a sermon, which is the first time. Pakiramdam ng dalaga, there's some fondness on Ms. Lorna's voice ng sinabi nito sa kanya ang mga salita na iyon. And she's not planning to fail her executive director. Alam niyang ang project na ito ang makakapagbigay sa kanya ng kanyang biggest break. Pero paanong mangyayari yun kung sablay na agad sa tutuluyan pa lang niya? 



Kathryn felt like there's a lump on her throat. She have to swallow couple of times bago lakas na loob na sumunod sa lalaki na ngayon ay patungo na sa silid na parehas nilang inokupa. 




"Uhhmm, Sir, Sir, wait lang po!" tawag niya dito. Pero hindi man lang siya nilingon ng binata, tuloy tuloy lamang ito na naglakad na tila walang narinig. 



"Tsss! Yabang nito! Kuuuuuu!" napipikang bulong ng dalaga sa sarili. Pero sabi nga, ang gipit, sa patalim kumakapit. Mabilis na tumakbo si Kathryn at hinarangan ang lalaki na ngayon ay nasa hagdan na. Wala kasing elevator ang transient house na yon na tatlong palapag ang taas.



"Hep! Huy, Pogi, pansinin mo naman ako! Sige na, pleaseee??" hinarang ni Kathryn ang dalawang kamay sa dadaanan ng binata, kasama pa ang dalawang paa. Kung hindi niya gagawin yon, alam niyang madali lamang siyang maiiwasan ng lalaki.



"Please, Miss! I'm so tired. Hindi ko gustong makipag-usap sa kahit na sino. Now, if you will excuse me." halatang nagtitimpi na sambit nito sa dalaga.



"Huy, sandali lang naman! Pakinggan mo naman ako, please? Baka pwede naman maki-share sa'yo ng room. Alam ko this sounds like a desperate move, pero pleasseeeee? Sobrang importante kasi sa akin ng lakad na 'to." she flashes her cutest smile and her puppy eyes. Sana lang gumana! It usually works sa kanyang parents, hindi niya alam kung gagana ito sa lalaking kaharap. 




Umiling-iling ang lalaki bilang tanda ng hindi nito pagsang-ayon sa kanyang pakiusap. Halos maiyak na si Kathryn na muling sumunod sa binata at humarang.




"Huy, okay, sorry na! I know I've been very rude earlier, pero alam ko naman na naiintindihan mo yun, di ba? Please, I am begging you, kahit sa lapag lang ako, kahit sa sofa lang! Promise, hindi ako mag-iingay." tinaas pa niya ang kanang kamay tanda ng pangangako dito.




"No!" mariin nitong tugon. Pinagsiklop nito ang dalawang bisig, impatiently waiting for her to give way.



"Sige na pleassseeeee? Di naman ako humihilik eh." pangungulit niya sa lalaki. Hindi siya sigurado, pero tila merong amusement na tumawid sa mata ng binata. Ngunit saglit na saglit lang, ngayon ay seryoso na naman ang mukha. Marahan itong naglakad papalapit sa kanya. Bagay na kinatakot ng dalaga. He is now so close to her, so close she could smell his manly scent. 



SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon