Chapter 19

1.1K 48 6
                                    




Isang masarap at masaganang pananghalian ang inihanda para sa kanila ng Tiya Rona ni Mark. Inihaw na bangus, adobong manok at baboy, itlog na maalat, pritong talong at enseladang mangga on the side. Ipinagbalat din sila ng hinog na mangga ng mga ito na talaga namang napakatamis. Halos hindi na nga makatayo si Kathryn sa sobrang kabusugan.





They opted to sit under the acacia tree na nakatayo sa tapat ng bahay. Sa ilalim nito ay may mahabang upuang kahoy na marahil ay sadyang ginawa upang mapagpahingaan.


"Gitara na lang kulang ha!" nakangiting sabi ng dalaga ng tuluyan ng makaupo ang lahat.





"May gitara diyan sa loob! Teka nga't ipapakuha ko kay Mark." ani ni Tiya Rona ng marinig ang sinabi ni Kathryn. Agad nitong tinawag sa pamangkin at ipinakuha sa loob ang gitara. Mga ilang segundo lang ay agad naman na lumabas na si Mark na dala ang gitara.





"Ang cool! Marunong kang mag-play ng guitar?" sambit ni Khalil ng makitang si Kathryn ang umabot nito.





"Yep! Konti lang.." nakangiti namang sagot ng babae na tinono-tono pa ang bawat strings.





"Me too! Tugtog ka pleasseee? Duet tayo!" pinagsiklop pa ng lalaki ang mga palad na tila nakiki-usap. Si Daniel naman ay nakakaramdam ng inis. Paano, hindi siya maka-relate sa usapan ng dalawa. He doesn't know how to play the guitar kahit pa meron siyang sariling gitara sa bahay. His manager always encouraged him to study the instrument, para daw mas marami siyang magawa sa mga mall shows niya, o provincial and even out of the country shows. He always say yes, pero lagi na ay may dahilan siya para iwasan ang pag-aaral nito. Ngayon ay gusto niyang pagsisihan ang hindi pag-aaral mag-gitara! Why, Kathryn and Khalil seems to jive well.





"Ano bang pwede nating kantahin? Hmmm! Ah, alam ko na." she started strumming the guitar.





"Alam ko yan, alam ko yan! I'll start ha?" si Khalil na agad nagliwanag ang mukha pagkarinig sa kantang kasalukuyang ginigitara ng dalaga. Tumango si Kathryn bilang pag sang-ayon sa sinabi nito.





KHALIL: 

Kung ika'y magiging akin

Di ka na muling luluha pa

Pangakong di ka lolokohin

Ng puso kong nagmamahal


Kung nakakatunaw lang ang mga titig, sigurado si Daniel na tunaw na si Kathryn ngayon sa mga titig na yon ni Khalil. At isa pang nakakadagdag sa inis ng binata ay ang marinig na maganda din pala ang boses ng lalaki. He was hoping na hindi, na boses palaka ito, pero mali siya! Napakaganda ng boses ni Khalil.


Kung ako ay papalarin

Na ako'y iyong mahal na rin

Pangakong ikaw lang ang iibigin

Magpakailanman

Di kita pipilitin

Sundin mo pang iyong damdamin

Hayaan nalang tumibok ang puso mo

Para sa akin


Halos napigil ang paghinga ni Daniel ng ituro ni Khalil si Kathryn bilang tanda na ito na ang susunod na kakanta. He heard her sing before, but not with a guitar. The anticipation excites him.


KATHRYN:

Kung ako ay mamalasin

At mayron ka nang ibang mahal

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon