Chapter 13

1.1K 72 10
                                    




Dumilim ang mukha ni Daniel ng iniabot ni Khalil Gomez ang bouquet of white roses sa natitigilang si Kathryn. Hindi niya gusto ang ginawa nitong pagtabig sa dalaga noong nagpunta sila sa tahanan ng mga Gomez na muntik ng ikinatumba nito kung hindi lamang niya maagap na naalalayan ang babae.



At, higit sa lahat, he doesn't like how the guy stares at Kathryn. He recognized those stares, di siya maaaring magkamali na tingin iyon na puno ng paghanga.



"M-mr.Gomez, what brings you here?" tanong ng dalaga na tila ngayon pa lang natatauhan mula sa pagkakagulat.



"I came here to apologize for being rude. But you can't blame me, I am just trying to protect my grandmother." nakangiting paliwanag nito na sa babae lamang tanging nakatingin na parang wala si Daniel sa tabi nito.



"O-of course! I would do the same if I were on your shoes. Wag mo nang alalahanin yun, wala na sa akin yun." tipid na ngiti din ang isinukli niya sa lalaki.




"Would that be all, Mr. Gomez? If you'll excuse us, may pupuntahan kasi kami." singit ni Daniel sa usapan ng dalawa. Hindi niya naitago ang pagkadisgusto sa kanyang tinig.




Doon pa lang siya nilingon ni Kathryn na tila ngayon lang siya napansin. Bigla ang pagseryoso ng mukha nito, malayo sa kanina ay malambing at nakangiting anyo nito na nakaharap kay Kathryn.





"I also came here to talk to Ms. Bernardo regarding her offer to my grandmother. A day after nyo siya nakausap, naging masyado siyang tahimik. She didn't want to talk to any of us. Hindi na siya masyadong kumakain since then. Our mayordoma were able to talked to her, and even she didn't express it in details, we know na naapektuhan siya sa pagdating nyo with that letter. Ms. Bernardo, gusto ka sana niyang makausap. Baka pag nakausap mo din ang Lola Elizabeth, bumalik muli ang kanyang sigla." paliwanag ng lalaki sa kanila.





"N-ngayon na ba?" pagkuway tanong dito ng dalaga. Nilingon niya si Daniel na hanggang ngayon ay madilim pa din ang mukha.



"K-kung pwede sana! But if may iba kayong lakad I--"





"No, it's okay! Sige, sasama kami sa'yo!" Pigil ng babae sa sasabihin ni Khalil. Tinanguan nito si Daniel na tila hinihingi ang pag sang-ayon ng binata. Napipilitan itong tumango.




"Kung pwede sana ikaw lang, Ms. Bernardo!" ani ng lalaki tapos ay binalingan si Daniel na ngayon ay hindi na maipinta ang anyo. "Nothing personal, bro, but I hope you don't mind!"



Gustong sabihin ni Daniel na "he mind" kung hindi lamang siya tiningnan ng nakikiusap na tingin ni Kathryn.





"O-of course he don't mind! S-sige, susunod ako sa'yo, magta-tricycle lang ako diyan sa kanto..." nakangiting tugon ng dalaga. Maaring pag nakausap niya ang matanda, gumaan ang pakiramdam nito, at baka mapapayag na niya din ito na maki-cooperate sa kanyang project.




"You don't have to take the trike, Ms. Bernardo! I have my car with me. Sabay na tayong puntahan si Lola Elizabeth."




"No, it's okay! Nakakahiya naman---"




"But I insist! Besides, ako ang humingi ng favor sa'yo." Pamimilit ng lalaki. Mataman itong pinagmasdan ni Kathryn. Tingin naman niya ay kilalang pamilya ang mga Gomez, at kung may balak itong gawan siya ng masama, siguradong malalagay sa alanganin ang karangalan ng pamilya nito.





"S-sige! P-pero s-sandali, mag-uusap muna kami." pagpapaalam niya kay Khalil at mabilis na hinila si Daniel na kanina pa tahimik paakyat sa kanilang silid.





SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon