Ang galing nya magpose, at yung facial expression nya, ang ganda din. Lalo na pag ngumingiti sya. Natulala talaga ako sa kanya. Nagulat ako ng bigla syang tumingin sakin.

Nginitian nya ko. Yung ngiting lagi nyang pinapakita sakin kapag magkasama kami. Yung ngiting lalong nagpapainlove sakin sa kanya..

Nginitian ko rin sya..

Ui. Tinapik ako ni Russell.

Huh bakit?? Nagulat ako sa tapik nya.

Tara makipicture tayo. Nakangiting sabi nya sakin.

Nililingat lingat ko ang tingin k okay Ken, at nakikita ko na nakatingin sya sakin.

Karen, join Ken. Tinawag ni Sir Warren si Karen.

Lumapit si Karen kay Ken..

Do this pose. Closer, closer. Utos ni Sir Warren kela Ken at Karen. Tumingin ako sa kanila, halos magkiss na sila sa mga posing nila eh, sobrang close. Sobrang lapit.. at higit sa lahat sobrang sweet.

Iniba ko na ang tingin ko at lumayo.

Kinuha ko ang camera ko..

Tara Rus tayo nalang magpicturan tutal first day naman natin ngayon. Binuksan ko ang Cam ko at nagpicture.

Binuksan nya rin ang cam nya at nagpicture.

Nalibang naman ako at kahit papano medyo nakalimot sa sakit na nararamdaman ko..

Sa wakas, tapos na ang photoshoot, saktong 1pm natapos. Halos 2 hours din ang itinagal.

Ken and company, good job. Next time ulit. Kinamayan ni sir Warren sila Ken.

Dana, Russell sige break muna kayo, be sure to be back at exactly 2pm at my office. sabi samin ni sir Warren.

Tumingin sakin si Ken, na parang may gusto syang sabihin sakin kaso biglang lumapit sakin si Russell.

Tara Dana lunch tayo, may alam akong masarap na resto malapit dito mura lang. Aya sakin ni Russell.

Inalis ko na ang tingin ko kay Ken..

Aahh.. sige, tara. Tumango ako at sumama kay Russell.

Yung totoo, gusto ko sanang itanong kay Ken kung may sasabihin ba sya.. gusto ko syang kamustahin.. kaso parang naiilang ako, hindi ko alam kung bakit, siguro nadadala ako ng emosyon ko kaya ako nagkakaganito.

Iniisip ko din at nangangarap ako na magseselos sya kapag sinamahan ko si Russell, pero alam ko naman na IMPOSIBLE.

*****

Anong gusto mo?? Tanong sakin ni Russell habang hawak namin ang menu.

Kung ano nalang sayo yun nalang din sakin. Sagot ko sa kanya.

Sinabi nya ang order naming dalawa sa waiter..

Pano kayo nanging close ni Ken, Tapos kilala ka pa ni Karen. Tanong nya sakin.

Ah.. bata palang kami ni Ken, magkaibigan na kami, pareho kami ng school hanggang highschool tapos nung pagkagraduate namin, dun na sya magstart magartista. Dun nadin kami nagkahiwalay ng school.. ayun tas naging busy na sya. Si Karen naman kelan ko lang nakilala nung sinama ako ni Ken sa set nila dati. Sagot ko naman sa kanya.

Ah.. so matagal na pala talaga kayong magkaibigan.. kaya pala. Patango tango nyang sagot.

Huh?? Anong kaya pala.. tanong ko sa kanya.

Kaya pala ganun kayo makatingin sa isa’t isa, may kahulugan. Seryosong sabi sakin ni Russell.

Hahaha.. baliw, anong sinasabi mo dyan. Tumawa nalang ako sa sinabi nya..

Habang kumakain kami. Naisip ko na okay naman pala si Russell. Mabait, palatawa. Madaling pakisamahan, hindi ako mahihirapan na mag adjust sa bago kong mundo..

 ****

Pagkatapos naming kumain eh agad kaming bumalik sa office ni sir Warren.

Have a seat. Sabi nya samin.

Actually wala na talaga akong ipapagawa sa inyo ngayon. Since first day nyo naman. Sana sa mga susunod na araw maging consistent padin kayo na maaga kayo papasok. Understand? Seryosong sabi nya samin..

Agad kaming lumabas sa office ni sir.

Nagpaalam nadin sakin si Russell..

Naglalakad na ko palabas ng building nang biglang may tumawag sakin.

Dana……

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now