Chapter 32: Totally Unbelievable!!!

Magsimula sa umpisa
                                    

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA..."

Laughtrip na naman ang bruho! May nasabi ba akong nakakatawa? I gave him a glare. Napansin ko din na namumula yung mukha niya at ginamit niya pa yung kamay pangtakip sa bibig niya ha. Lakas ng saltik niya ngayon araw na 'to. High?

"Don't look at me like that Mine. Nakakatawa ka talaga eh. Sayang. Hindi ko narecord." 

Pinagsasasabi nito? "At BAKIT? Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?"

Tumawa na naman ang mokong pero nakahinga ako ng maluwag kasi nakatingin na siya sa harap. 

"Do you really want to know?"

"Malamang. Tinatanong nga eh...." 

"Hmmm. Haha. Wait." Tapos tawa na naman. 

"Mine naman eh... naiinis na ako."

"Sorry. Natutuwa lang ako sa'yo kapag nagagalit ka at umimik ka ng hindi mo alam ang mga sinasabi mo." 

Para namang insulto yun ah!? "Ibig sabihin gusto mo yung naimik ako ng hindi nag-iisip?!" Hinablot ko yung kamay ko sa kanya. Kainis!

"Your twisting my words Mine. I merely said and meant that I like you that way. You're more honest and free with your words when you're mad."

Huh? Slowpoke (Pokemon) ko yata ngayon. "Eh! Ano ba kasing sinabi kong nakakatawa?"

Tumawa na naman siya. "Sabi mo lang naman na ayaw mo pang mamatay kasi madami ka pang pangarap. Tapos. Hahahaha. Ehem. Gusto mo magka-anak at mas okay kung kamukha ko yung bata...."

Di nga? Sinabi ko yun? Namula na naman mukha ko!

"... At kailangan kasal na tayo bago ka magka-anak kasi---"

"HEP!" Sawata ko sa kanya habang nakatakip yung mga kamay ko sa mukha. Goodness! Lupa... LUPA!!! Kainin mo na ako ngayon!!! As in now na!!! Sobrang kahihiyan na ang nararamdaman ko...

"I like it much more when you're bushing like that." dugtong pa niya, followed by a soft laughter. Hmp! Note to self: Be aware of the words coming out of my mouth!

Sa sobrang pag-iinternalize ko ng kashungahan na pinagsasasabi ko hindi ko napansin na tumigil na yung sasakyan at iniintay na akong bumaba ni Mine kung hindi niya pa hinawakan yung balikat ko at medyo inalog.

"Mine? Are you okay?" Nagtanong pa!

"Hmp! Siyempre hindi! Nahihiya kaya ako." I mumbled and I think I'm semi-pouting.

I suddenly found myself in his arms, being embraced by him. Hanyare?  

"I told you before that you can be yourself whenever you're with me. I'm actually happy to know that you want to bear my children..." yung last sentence na sinabi niya, dinig ko yung himig napagbibiro eh. Hinampas ko nga sa likod. Light lang naman.

"Children? Bakit biglang dumami?" Sinakyan ko na lang ang trippings niya.

"Gusto ko kasi girl na dapat kamukha mo, okay din lang na kamukha ko pero mas okay kapag kamukha mo." 

Naman! Lalo kong isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Ang init na naman eh. 

"Ehem. It's good to see that you love each other but can we have dinner now?" An unfamiliar voce came out of nowhere. Agad akong kumalas sa pagkakayakap kay Mine at nakita sa may likuran niya ang isang lalaki na pinatandang version ni Irvs.

Mayumi: Although She's Not The Shy Type©  (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon