Hindi, hindi ko kaya..

Wala nabang mas masakit pa dito? Pinilit kong kalmahin ang sarili at walang lakas na sumandal sa gilid ng pinto.

Tumingala ako para hindi ko maramdaman ang pag bagsak ng mga luha ko pero umagos iyon na parang gripo. I can't help it. Fuck. This is bullshit!

Malalaki ang hakbang na tumakbo ako palayo doon. I can't bear this pain anymore, umpisa palang ay ramdam ko na ang sakit pero sumige ako dahil sa pag-aakalang ito ang tama but its all God damn bullshit!

Diretso ako sa aking silid at doon dumapa nang iyak. This can't be happening! Dapat ako ang nandoon na kayakap niya, ako ang dapat na dumadama ng kaniyang pagmamahal at wala nang iba. I am his wife! Ako lang ang may mas karapatan sa kaniya..

"Meredith?" Mahihinang katok ang pumukaw sa aking pag iyak.

"Kumain ka naba? Lets have dinner together!" aya sa'kin ni Alessandra.

Naupo ako sa kama at mabilis na nagpahid ng mga luha.

"Sige mauna na kayo busog pa ako!" sagot ko.

"Is there something wrong? Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong nito sa akin.

Hindi ko mapigilang magbuga ng marahas na hangin mula sa dibdib bago muling sumagot.

"I'm okay," sambit kong muli.

Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Gabriel na tinatawag ang asawa.

"Okay sige, don't forget to take your medicine, alright?" Bilin nito matapos ay rinig ko na ang mga yabag nito palayo sa pinto.

Muli akong bumalik sa pagkakahiga at niyakap ang unan. Sa puntong iyon muli ay pumatak ang mga luha ko dahil sa sobrang bigat na pakiramdam.

Habang rinig ko mula sa labas ang tawanan nila at harutan, heto ako tinitiis ang sakit na siyang pinong humihiwa sa aking puso.

Nagpalipas ako nang ilang oras bago ko pinasyang lumabas na nang silid.

Yakap ang sariling roba ay diretso ako sa kusina para iligpit sana ang kanilang pinag kainan pero malinis na ang lahat nang madatnan ko. Maging ang lababo at kaka-lanan ay malinis narin.

Naghila ako nang isang silya at doon tumalungko ng upo habang sapo ang ulo.

"I can't stay here anymore.. I wanted to leave." mahina kong bulong habang nakapikit.

"Hindi ka pa daw kumakain?"

Halos ikahulog ko sa silya ang narinig na boses galing kay Gabriel. Mabilis ko naman inayos ang sarili at tiningala ito ng tingin.

"Alessandra is worried about you." Matiim itong nakatingin sa akin mula sa habang nang pinto.

"She said, you didn't take your medicine properly." Humalukipkip na ito nang sandal sa pinto kaya nadepina ang mga masel nito doon.

Again, I remain silent.

"Masyado ng maraming inaasikaso sa trabaho ang asawa ko bilang Evens Planner at ayokong dagdagan pa ang problemahin niya pag-uwi niya dito sa bahay."

Two WivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon